Experience The Pain With Me

235 5 8
                                    

Nasasaktan
Nabibiyak
Nawawasak

Alam nyo ba na?

Nasasaktan ako sa tuwing naaalala ko yung mga araw na mahal kita,
Pero nawawasak ako nung sinabi mo sakin na "Minahal Pala Kita?"

Nabibiyak ako sa sandaling tumalikod ako dahil ayaw mo na,
Pero nawawasak ako dahil pag talikod ko ay nandyan ka pa

Masakit

Pero sana makalimutan na kita

Dahil,

Nabibiyak ako sa salitang binitawan mo na "tayong dalawa"
Pero nawawasak ako dahil pag gising ko , ako nalang mag isa .
Ako nalang parating mag isa

Nakakatawa... dahil

Nabibiyak ako nung sinabi mo na ayaw mo na,
Pero nawawasak ako dahil kung tutuusin , ikaw pa ang mas naunang mag sabi na MAHAL KITA

Mahal

Kita

Nasasaktan
At nasasaktan
Nabibiyak
At nabibiyak
Hanggang sa mawasak
At mawasak

Kung titignan mo nang maiigi , makikita mo ang salita na naidulot nang ako'y iyong iwan na nag iwan na napakaraming sugat , hanggang sa mag marka "mahal kita"

Sana makalimutan na...
Sana mawala na...
Pero ako'y nasanay na..
MAHAL KITA

Ayaw ko nang makita ang iyong mukha,
Hindi dahil sa ako'y galit, kundi ayaw ko lang mabuhay sa pait, at mahulog sayo ulit, dahil darating nanaman ang saki

Noon, napakaraming panyo ang binigay sa akin,
Ngayo'y alam ko na kung saan ito gagamitin
Ako'y iyo lang palang paluluhain

NASASAKTAN
AT NASASAKTAN
NABIBIYAK
AT NABIBIYAK ULIT
HANGGANG SA
MAWASAK
AT MAWASAK
AT PATULOY NA
NAWASAK

Kaya't Mahal, kung tayo ma'y magkita muli , ang hihilingin ko ay bagong panyo
Dahil lahat ng binigay mo sakin ay akin nang naiykan
At ang akala mo ay naulanan
...
Ngunit kahit na lab'han
Patuloy paring nandyan

Masakit dahil nasanay na ako sa salitang

MAHAL KITA
MAHAL..
KITA

MAHAL PARIN KITA

MAHAL PARIN KITA

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
Loving You Is HellWhere stories live. Discover now