HOROSCOPE ( COMPLETED)

1.2K 13 4
                                    

                                        

NOVEMBER 16, 2013

“Ahhhhhhhhhh!. Hindi totoo ito! Hindi! Hindiiiiiiiiiii!”

Eto na naman, minsan naiisip ko na isa itong sumpa sa aming pamilya yung para sobrang sama ng panaginip at iba ang pakiramdam pagkagising, ganito din kse nangyayari sa iba kong kamag-anak eh. Hingal na hingal, pawis na pawis at pagod na pagod ang pakiramdam ko tuwing gigising ako sa umaga pagkatapos mapanaginipan ang bangungot na iyon, mabuti na lamang ay nandyan ang bestfriend ko na si Christian. Simula noong malaman niya ang nangyayari sa akin, lagi na niya akong pinupuntahan sa bahay ko  sa Malate lalo na kapag umaga. Mag isa na lang ako dahil wala naman akong kapatid at patay na mga magulang ko. “Hay buhay! Makapag-ayos na nga! Baka ma-late pa ako sa call center. Nakakaloka talaga ‘yung mga napapanaginipan ko!”

Naghanda at naligo na ako para pumasok sa office. Pagbaba ko sa aming sala ay nakakita ako ng dyaryo at binasa ito habang umiinom ng kape.

"Ano kayang sabi sa horoscope ko ngayong araw na ito? Hmmmm.”

Mahilig akong magbasa ng mga horoscope sapagkat may pagkakataon na tama ang isinasaad nito ayon sa aking mga karanasan, halimbawa na lamang nung sinabing kailangan may diary ako magsimula na akong mag diary noon. Mas marami ang swerte na dumating sa buhay ko. Noong kaarawan ko ay sinabi sa horoscope ko na maswerte ako nung araw na iyon at magiging masaya daw ako. Nagkatotoo naman iyon ng sinurpresa ako ng aking bestfriend.

“Ayun!” Nakita ko na ang aking horoscope.

Taurus: Maswerte ka ngayong araw na ito dahil may pagkakataon kang ipakita ang pagmamahal mo sa lahat ng taong mahalaga sayo, ganun din sya sayo, subalit mag-ingat ka! May paparating na pangyayari na yayanig sa buong buhay mo.

“Hmmm. Ano kaya yun?” Tinawagan ko muna si Christian.

 “Hello Eli!” Sagot nya.

“Ano na? Nasaan ka na? Anong petsa na oh? Kala ko pupuntahan mo ko, kanina pa ko nag-iintay! Nagtatampo na’ko sa’yo! Hmpp!” Sagot ko naman sa kanya ng may halong biro. Hay kung alam lang niya.

“Eto na po boss!”

Nakarinig ako ng kotseng tumigil sa tapat ng bahay at may sumigaw ng,  “Oh, andito na’ko.”

Ang bilis niya naman o ako lang talaga tong late tumawag? Ha! ha! Makababa na nga! Ihahatid niya ko ngayon saTeleperformance, doon office ko eh. Simula college bestfriend ko na siya at lagi kaming magka-blockmate.

Unang kita ko sa kanya noong tumutugtog siya ng gitara. Hinaharana niya si Sophie, ang girlfriend niya. Yun ang unang beses na nadurog ang puso ko. Hindi naman ako naniniwala sa “Love at first sight‘‘ pero naramdaman ko na lang ang kakaibang tibok ng puso ko nung araw na yon. Hanggang sa isang araw ay nakarinig ako ng napakalungkot na kanta na nanggagaling sa loob ng classroom namin. Nakita ko ang lalaking minamahal ko na bestfriend ko na ngayon. Nang matapos ang kanyang tinutugtog ay nakita ko na lamang ang luhang tumulo sa kanyang napakagandang mata. Nag-break sila ni Sophie dahil may ibang mahal ito. Nilapitan ko siya at niyakap. Nagulat ako sa ginawa ko pero noong narinig ko ang mas malakas na iyak niya ay tinuloy tuloy ko na lang iyon. 

Hindi ko namamalayan na napapangiti ako nang..

*PAK!*

“Aray!“

Hinampas niya ko sa braso. Ang hilig niyang hampasin braso ko. Ang taba daw kasi kahit payat ako. Hay, nagda-daydream pa naman ako! Panira talaga to ng moment.

HOROSCOPE ( COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon