1
"Galit ka ba sa akin?" Yan ang bumungad kay Ariane pagka pasok niya ng IV-Gabriel. Si Marco, magulo ang buhok at hindi maayos ang pagkakabutones ng kanyang polo. Bago sumagot si Ariane ay inayos niya muna ang polo nito.
Napatunganga tuloy lahat ng nakakita sakanila. Ano 'to?!! Naextend ang flirting stage? Joke.
"Una sa lahat, Good Morning. Okay?" Ngumiti ito habang inaayos ang id lace na nagkabuhol buhol. "Pangalawa, why would I be mad, diba?" Tinapik niya ang polo nito saka naglakad na papunta sa seat niya.
"Hindi nga galit, iniiwasan naman ako. Kagaguhan." Napasabunot naman siya sa buhok niya at nagdadabog na umalis.
3 days na ang nakakalipas mula nang umamin si Marco Evasco sa kanya. Napasandal tuloy si Ariane sa may bintana ng kanilang klasrum. Napabuntong hininga siya. Tinitingnan niya ang mga studyanteng pumupunta sa cafeteria. And someone caught her attention.
He is holding a sandwhich on his left hand and the right hand is holding a water. Sandali siyang nacurious sa taong 'to. Hindi siya ganun ka social na tao, but he has friends. Kilala siya ng buong school lalo na ang mga teachers. Bakit? It's because he's been the valedictorian mula kinder sila.
Ariane is an old student. Mula kinder, kaklase na niya ang lalaking ito. But she was wandering of his vague personality. Para bang napaka hideful nito sa kanyang tunay na anyo. He doesn't want others to come over into his life. Nagdodoubt nga siya kung kilala niya pa ito.
Sure they're friends when they were in their elementary years. President kasi dati si Kenneth ng student council ng elem dep't and she was the treasurer. Minsan lang naman magkasama ang president and treasurer. More of, secretary or VP ang nakakasama niya.
Ikwento ko na nga lang ang lahat. Kindergarten sila, (2, I think) syempre uso pa ang mga yaya na kasama nila. They are all waiting outside the classroom. Pero christmas nu'n when someone gave her a gift. Gulat na gulat nga ang napaka cute na si Ariane when a 'yaya' came on her and handed her a gift. Sobra tuloy siyang natuwa nung nakita niyang may kasamang candy yun. Isa itong angel figurine na color pink. May nakalagay na Ariane sa may pagpapatungan ng figure. Natuwa tuloy lalo siya. Later on nalaman niyang yaya 'to ng Villanueva. Hindi naman siya ang nakabunot sakanya.
Grade 1. Second honor si Ariane. Never niyang inakala yun, she just enjoy every moment of her childhood. Nakatabi niya tuloy sa commencement exercise ang isang Kenneth Villanueva. They talked. Pero nayabangan ata si Ariane sakanya since napaka yabang nito when it comes to other things. Toys ang gadgets and stuff. Kairita nga naman.
Grade 3. Naging muse and escort sila ng school. Ha. Pero hindi sila naguusap. Anong paguusapan nila? Libro? Duh.
Grade 5. Magkatabi sila. Syempre walang iwasan 'to, dun tuloy nalaman ni Ariane na Kenneth is not that bad. Medyo nagbago pero ganun pa din naman. Mayabang. Ewan nga niya kung saang part siya mayabang. Basta mayabang siya.
Grade 6. Graduation. May nagpapicture sakanila. Syempre hindi lang sila ang nasa picture na yun. Andun yung tatlong kaklase nila na makukulit. But they're at the middle of the picture. Nakakatakot naman, baka mamatay sila. Ano daw?
2nd year na yung last niyang nakausap ito. Hindi naman eventful ang nangyare, nagexcuse lang si Ariane kasi nakaharang si Kenneth sa pintuan. Then ayun na. Wala na. Hindi na niya nalaman ang existence ng lalaki.
Para tuloy siyang invisible. Marunong naman siyang ngumiti, sa katunayan naman nakikitawa naman siya. Normal stuffs pero para kasing hindi normal to sa paningin ni Ariane. He looks like he's pretending.
BINABASA MO ANG
The Untitled Story
Teen Fiction"...I'm not your sweetest downfall." Paano kung ang babae ang paasa? At lalaki ang umaasa. Reciprocal my ass! Hindi naman kasi niya forte ang love e, kaya hindi yun ang hinihingi niya. She wants friendship. But is there someone who's willing to catc...