2.♂♀

903 23 8
                                    

Chapter 2

 

 

♂___ELLA’S POV___♀

 

 

“Oy! Ella ganda!” narinig kong nagsalita ang isang bakla. Siya na nga. Kakabukas lang din ng pintuan kaya pumasok na siya agad.

Liningon ko siya at nagulat ako sa nakikita ko. Hindi naman kasi ‘to ganito. Parang hingal na hingal lang. Hahaha. Ano ba kasing  pinagagagawa nitong baklang ‘to? Baka naman hinabol niya ang fafa niya. O baka naman, siya ang naghabol kay Joseph Marco?

Tinignan ko muna siya mula ulo hanggang paa. “O? Anyare sayo? Ba’t parang nakakita ka ng aswang dun sa labas?”  tanong ko. Patuloy pa rin ako dito sa pagplantsa ng buhok ng isang costumer namin.

Nakita ko ang repleksyon niya sa salamin—umupo siya dun sa likuran at tinignan lang ako.

Infairness ha, simula nung na beauty queen ‘tong baklang ‘to, naglevel up na din ang fashion taste. Naka shorts siya ngayon with yellow sando na sobrang fit, tapos naka wig pa at may headband sa ulo. Feel na feel nya talagang babae siya e. Hahaha. Impluwensiya ko din naman ‘to sa kanya. Ako kaya ang bumibili ng mga damit niya. Nag eenjoy din naman kasi akong damitan siya nang pambabae at gawin siyang parang pang dress up doll.

“Narinig mo ba tanong ko? Anyare ba sa’yo?” dagdag ko at tinitignan ko lang siya sa salamin.

“Wala noh. Ang dami kasing tambay sa kanto. Nakakalurky sila girl!” sagot niya sabay hand gestures pa. Hahaha. Ang arte niya.

“Hahahaha. Buti di ka ni rape.” sabi ko.

“SIra! Bugbugbugin ko ang mga ‘yon pag ni rape ako.”

“Baka ikaw mabugbog nun. Hahahaha.”

“I haaaaaaaaate yoooooou!”

“Hahaha. Ang sabihin mo,” lumingon ako sa kanya saglit.  “..gustong gusto mong I-rape ka ng mga tambay!” dagdag ko naman habang patuloy sa pag aayos nitong costumer ko. Nakakatawa siya, swear! Naka number four pa yung paa. Haha. Hay, ang bakla kong bestfriend.

“Oy ha! Tigilan mo nga ‘yan!”

“O ate, tapos na po. ‘Wag nyo lang yang I-ligo ng isang araw tas suklayan lang ng suklayan ‘te ha?” sabi ko nang matapos ko na ang ginagawa ko. May nagpa hair gloss kasi na ate.

“Okay, salamat! Eto na bayad ko, magkano ba?” sagot ng customer habang tumatayo at hinahagod hagod niya ang buhok niya.

“350 po.” sagot ko at ngumiti.

Inaabot niya naman sa akin ang eksaktong tatlong isang daan at isang singkwenta. “Sge miss, salamat. Daan na lang ako dito next time.” aniya pa.

“Sge po! Salamat ulit ate.”

//

Aɴɢ Bᴏʏғʀɪᴇɴᴅ Kᴏɴɢ ℬᗩᗪiᘉḠ?! ♂♀ [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon