"Pinag-antay ba kita?"
"No, not really. Tara."
"Okie." this time, ako yung nag-antay sa kanya sa campus gate.
"Wag muna tayo dumiretso sa inyo..."
"So, where are we going?"
"Basta."
--------------------------------------
"Woah... Angganda naman nan... who's that?" dinala ko sya sa isang park at ang tinatanong nya eh yung babaeng nakaguhit sa pader.
"You."
"Me? eh bakit walang mata?"
"Wala lang, hndi ko pa ma-paint mata mo eh, gusto ko kasi ma-paint mata mo with happiness."
"happiness..."
"Hmm?"
"That's the meaning of my name..."
"Happiness? Ano ba ang pangalan mo, hindi mo pa kasi sinasabi..."
"You don't remember so there's no reason para sabihin ko sayo..."
"Eh? I dont remember? Ni hindi mo nga sinasabi sakin eh..."
"Nasabi ko na... matagal na. Kinalimutan mo lang." tumalikod na sya at naglakad palayo pero lumapit ako sa kanya at hinawakan ko kamay nya para pigilan,
"Wait. Sige nevermind na lang, wag ka na magtampo. Para sayo oh." at inilabas ko yung tatlong rose candies at tinanggap nya ito.
"#12 on the list, 3red roses na hindi namamatay. Hindi yan mamamatay, wag mo nga lang kakainin. " ngumiti sya at akala ko eh kakainin nya pero dinampi lang nya yung labi nya sa rose candies.
"The sweetest flower ever, thanks."
"... and the sweetest smile ever." her smile, napakaganda. Pati mga mata nya eh punong-puno ng kasiyahan.
What a perfect masterpiece.
"Matatapos ko na rin ang masterpiece ko."
"huh? hinila ko sya pabalik sa wall na may painting nya. Kinuha ko yung mga pintura na nakatago lang malapit dun.
"Ipe-painting natin ang mata mo."
"Natin?"
"Yeah, natin." hinawakan ko kamay nya at isinawsaw ito sa pintura pagkatapos eh iniandar ko ang kamay nya sa guhit ng isang mata sa pader. I like how close I am to her, I can smell her fragrant hair, I am like holding an angel.
After doing the eyes eh lumayo kami ng konti pero yakap-yakap ko pa rin sya sa likuran habang pinagmamasdan namin ang kanyang larawan,
"Ang ganda diba?"
"Syempre, maganda ako eh. hehe. pero salamat ha, ansaya ko."
"Para sayo, gagawin ko kahit anuman. Tell me, why do you want me to paint you in the wall?"
Medyo matagal bago sya sumagot,
"...Para pag natapos na ang 30days eh hindi mo ako malimutan para pag natapos na tayo eh sa tuwing makikita mo ang larawan ko dito eh maaalala mong hindi lang ako isang panaginip, na minsan eh nag-exist ako sa buhay mo. Na pag nadaanan mo 'tong pader na 'to at nakita mo ang mukha ko eh mapapatigil ka at sasabihin mong 'that girl'... Ayokong akalain mo lang akong isang panaginip, na hindi ako totoo."
'
para pag natapos na tayo...'
"Kelangan ba nating matapos?"
"Kelangan... Nothing's permanent in this world... Lahat may katapusan... May katapusan tayo, may limitasyon at hangganan tayo. Yun nga, 30days lang ang hangganan natin."
'
may katapusan tayo'
"Bakit ba 30days? Hindi ba pedeng i-extend? Hindi ba pedeng habambuhay? akala ko noon eh napakatagal ng 30days, mali pala ako, ang bilis ng 30days. Sobrang bilis."
"Hindi pede eh. 30days lang talaga eh. Alam mo ba kung bakit 30days?"
"Hindi... ano ba meron sa 30days?"
"Alam mo kasi... yung unang taong minahal ko eh naging kami... It was September 30 nung una ko syang makilala, una ko syang makausap eh nung tinulungan nya akong i-solve ang isang math problem na ang sagot eh 30. Isang araw paggising ko eh nakareceive ako ng 30msgs, halos gm lahat at ang nakakatuwa pa eh sya yung 30th person na nagtext. Unang beses ko syang nakatext nun and it was October 30, after 30days, niligawan nya ako at naging kami 30days after din at alam mo ba, december 30 nakipagbreak ako sa kanya kasi nahuli ko syang niloloko ako. Ansaya noh? Ganun kasignificant ang 30 sakin." malungkot nyang sabi.
"So.. ginagawa mo 'to para sa lalaking yun...?"
"oo." ouch... pinaglalaruan nya lang ba ako?
"mahal mo pa sya?" ano ba tong mga tinatanong ko!
"oo, mahal na mahal ko pa sya." ayan! antanga ko kasi, alam ko rin namang masasaktan lang ako sa maririnig ko eh bakit ko pa tinanong!! napayakap na lang ako ng mahigpit sa kanya ng sabihin nya yon ng wala man lang alinlangan.
"Eh ako? Mahal mo ba ako?"
"oo nga sabi eh." bigla syang bumitaw sa pagkakayap ko, "uuwi na ako."
"Sige." inihatid ko na sya sa kanila.
-------------------------------------------------
Bago sya pumasok ng bahay nila eh humarap sya sakin at hinawakan ako sa pisngi, "aaron, minamahal pa rin kita." at pumasok na sya ng bahay nya....
Pano na yung ex mo mo na minamahal mo pa? Pede bang dalwa kaming minamahal mo?
