IT'S LOVE AFTER ALL

529 17 4
                                    

Pinasadahan ng tingin ni Alvie ang kanyang quiz paper. Dinouble check niya ang mga sagot niya na 20 items. Napakunot ang kanyang noo ng lima sa dalawampu ay di siya sigurado sa kanyang sagot, binaling niya ang tingin kay Enzo na prenteng nakaupo sa sofa habang may binabasang kung ano.

Siya naman ay nakasalampak sa carpeted na sahig ng sala nito at nasa harap ng lamesita kung saan siya nagsusulat.

2 weeks ago di niya inimagine na magaganap ang eksena na ito, kung saan magkasama sila. They ignored each other na para bang di nageexist ang isa  kahit na 2 years narin silang magkaschoolmate. Para bang may 2 separate world silang ginagalawan. Well, nagtagpo lang ang kanilang mundo ng dahil sa isang aksidente na-

“are you done?” pagbasag nito sa kanyang pagbabalik tanaw. Nakataas ng bahagya ang kaliwang kilay nito at naka-smirked.

Shit! Nahuli siyang nakatitig ditto.

Agad siyang napayuko para itago ang alam niyang namumula niyang pisngi at mabilis na umiling. Nakaramdam pa siya ng konting hilo dahil sa biglaan niyang matulin na pag-iling ng kanyang ulo.

Azar! Siguradong iniisip nito na pinag-papantasyahan niya ito. Masyado pa naman tong bilib sa sarili!

Nagnakaw siya muli ng sandaling tingin ditto. Nagbabasa muli ito subalit nasa labi parin nito ang signature smirk nito.

Argh!

Matapos huminga ng malalim para kalmahin ang sarili ay napagpasyahan na lamang niyang magconcentrate sa kanyang ginagawa. Pilit niya muling inaalala nung pinag-aralan niya.

She needs to have a perfect score. Kung hindi, babalik mula siya rito bukas para torturin nito sa pagaaral!

Isa iyon sa mga consequences nito ng gabing maaksidenteng mabangga niya ito. Kailangan niyang makakuha ng A+ sa lahat ng exam niya ngayong buong junior year niya sa highschool.

At para mangyari yon kailangan niyang magpatutor ditto after class  plus Saturday.

Pero kanina nagpaalam siya rito na di muna makakapunta bukas - which is Saturday – dahil magiging busy siya. Di niya sinabing balak niyang magshopping at panooring ang two movies na inaabangan niyang magshowing.

Muling kumulo ang kanyang dugo ng maalala ang sagot nito sakanya kanina.

“okay” simpleng sagot nito sakanya. Ilang Segundo bago magsink in sa kanya ang sagot nito at nagliwanag ang kanyang mukha habang ang labi niya ay tila mapipilas dahil sa sobrang pagkakangiti. “on one condition.” And just like that, parang nilambitin siya at ibinagsak mula 20th floor ng isang building.

“ano?” aburidong tanong niya rito, na napahalukipkip pa.

Samantala amused lang na nakatingin sa kanya si Enzo na sarkastikong nakangiti matapos iladlad nito sakanyang harapan ang isang papel na may nakasulat. “kailangan mong maperfect tong ipapa-quiz ko sayo. Kapag nakaperfect ka, you’re free to go kapag hindi…well…see you tomorrow, 10 am sharp.”

Nagpakawala ng aburidong hininga si Alvie at saka nanggigigil na dinampot ang kanyang pencil. Nagsisimula na siyang idrawing ang isang palakang may salamin sa mata tulad nito ng mapuna niyang naka tayo na ito sa kanyang harapan. Agad niyang binura iyon at nakangiting nag-angat ng mukha ditto.

Seryoso ang mukha nito habang nakalahad ang kamay sa harap niya.

Sandali siyang nagtaka kung ano ang kailangan nito ng maalala ang kanyang quiz paper. Agad niyang dinampot iyon at inabot ditto.

Nakapatong ang baba sa lamesita habang matamang nakatingin kay Enzo, hinihintay ni Alvie na matapos ito sa pagchecheck.

Nakasalampak narin ito sa carpet at nasa kanyang harap sa lamesita habang seryosong binabasa ang kanyang sagot at minamarkahan na tila ba isa talagang propesor. Naaaliw siyang panoorin ang paggalaw galaw ng kilay nito sa likuran ng malaking salamin nito sa mata.

Maya maya lamang ay pinatong na nito sa kanyang harapan ang kanyang quiz paper na may mga pulang marka.

Ganon na lamang ang pagbagsak ng kanyang mukha ng Makita ang lima na ekis sa kanyang papel.

Haaaay..

“not bad. Atleast lima nalang ang mali mo hindi katulad before na lima lang ang tama mo. But sadly, not good enough para makapaglakwatsya ka bukas.” Wika nito na dinampot ang libro kung saan kinuha ang pinaquiz nito sa kanya at may tinignan doon.

Matuling napatingin siya ditto.

Pano nito nalamang maglalakwatsya siya bukas?

“I know you Alvie, di mo ko mauuto.” Wika nitong nasa libro parin ang tingin.

Masyado na ba tong matalino para mabasa narin at marinig ang kanyang iniisip?

Haaay… she really wants to watch those movies…

Maya maya ay ibinaba na nito ang libro at tumingin sa kanya. “okay, ditto ka nagkamali” seryosong wika nito. “repeat after me.” Parang bata ang tinituruang wika nito.

Kung sa mga ordinaryong araw ay magmamaktol siya at di makikinig ditto dahil ginagawa siyang bata, ngayon, parang nawalan siya ng lakas at sumunod na lamang ditto.

“Naematoloma sublateritium, Lysimachia vulgaris” wika nito. Scientific iyon ng mga bulaklak na mali niyang nasagutan.

Na agad naman niyang ginaya sa walang kabuhay buhay na boses bagamat nagkakamali sa ibang parte.

Napapakamot naman sa  batok si Enzo dahil sa pagkakamali niya.

Makaraang ang mahigit sampong paguulit ay muling nagsalita si Enzo. “Naematoloma sublateritium, Lysimachia vulgaris, Tropaeolum majus, Allium sativum, Gaura lindheimeri, Date tayo bukas.”

Muli niyang ibinuka ang bibig at ginaya ito sa malamya paring boses. “Naematoloma sublateritium, Lysimachia vulgaris, Tropaeolum majus, Allium sativum, Gaura lindheimeri, Date tayo bukas.”

“okay, 11 am sharp sa Metro Mall” seryosong sagot nito sakanya.

Agad namang nakunot ang noo ni Alvie sa pagtataka, nang Makita ang smirk sa labi ng kaharap ay saka niya narealize ang ibig sabihin nito. Napanganga siyang nakatulala dito.

“you can close your mouth now Alvie. Alam ko namang matagal muna kong crush” napakibit balikat ito. “and I’m a perfect guy for a date after all.” Pagkatapos non ay binigyan siya nito ng isang matamis na ngiti at muling tumayo at nagtungo sa sofa. Prente muling na-upo at pinagpatuloy ang binabasa.

Naiwan si Alvie na nakatulala parin bagamat nakasarado na ang bibig.

W.T.H.! ang tanging nasabi niya sa kanyang isipan.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 30, 2011 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

IT'S LOVE AFTER ALLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon