Dear Oppa,

5 0 0
                                    

"Bakit ka ba nagsasayang ng oras sa kanila?"

"Sinasayang mo lang ang pera mo sa kanila."

"Sino ba sila para sambahin mo nang ganyan?!""

"May buhay ka rin naman, sana wag mong pag-aksayahan ang buhay mo para lang sa kanila."

"You're pathetic."

"They're humans too.You're just the same."

"You're just a fan. He doesn't know you."

"Your world doesn't revolve around those Korean shits."

Alam mo bang ganyan ang natatanggap ko sa paligid ko? Masakit. Masakit isipin kasi hindi nila ako naiintindihan eh. Hindi nila naiintindihan yung nararamdaman ko kasi hindi naman nila to naranasan. Pero kung makapanghusga, wagas. Masakit. Pero siguro nasanay na rin ako. Opinyon naman kasi nila yun at wala na akong pakialam dun kahit masakit.

Minsan naisip ko, oo nga. Tama sila. Bakit nga ba? Bakit ko nga ba kayo pinag-aaksayahan ng oras? Ng pera? Hindi ko alam. Wala akong mahanap na dahilan. Ang sakit sa bangs. Ang sakit sa puso. Kasi kahit anong pilit kong tanungin ang sarili ko, wala pa rin akong mahanap na dahilan. Ilang taon ko ring tinanong ang sarili ko kung bakit pero wala. Pero alam mo kahit alam kong may punto sila, patuloy pa rin ako sa kahibangan ko. Masakit man yung sinasabi nila, wala na akong paki.

"You're just a fan." I know right?!The most heartbreaking truth is I'm just a fan of yours. Nothing else. Pinili ko rin to eh. Pinili ko kayong mahalin(korni man pakinggan) kahit alam kong one-sided love lang talaga. Yung pagmamahal niyo sa amin is just as a fan. Nothing more. Nakakatawa naman kasi kapag mag-expect pa ako ng mas mataas pa dun diba? Ni hindi mo nga alam na nag-exist pala ako. Pero kuntento na ako nito. Alam mo kung bakit? Kasi alam kong naaappreciate niyo yung pagmamahal namin. Napapasaya namin kayo. Ang sarap kasi sa feeling kapag nakita ko kayong nakangiti. 

Salamat sa pagpapasaya ha? Salamat kasi sa tuwing malungkot ako, yung mga shows at music niyo ang nagpapagaan ng loob ko. You don't know how thankful I am to God to have met you.

 Pero kailan nga ba ako titigil? Minsan umaabot din kasi sa point na napapagod na ako eh.At kung dumating man ang panahon na yun, patawad. Sorry kasi tao lang din naman ako napapagod. 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 16, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Dear Oppa,Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon