PAW’S POV
I was surfing the net ng ring ng ring yung phone ko. Tsk. Pero hindi ko sinasagot, I’m too busy to pick that up. I am searching for… it doesn’t matter.
Nasa gitna na ako ng pagbabasa dun sa article na nakita ng biglang pumasok si Neri sa kwarto ko. “Ate, Can you please set your damned phone into a silent mode? Your fuckin’ ringtone is freakin’ me out!” tapos umalis na siya.
Geee, Ano bang problema ni Neri? Kung badtrip siya wag niya akong idamay, pati yung cellphone ko, pati yung ringtone ko. Hello? C’mon! Gayuma kaya yung Ringtone ko, yung kay Abra. Tsk.
Kaya naman pumunta ako sa kwarto ni Neri. Andun lang siya nakaupo sa kama niya na nakaharap sa balcony ng room niya, so, technically, nakatalikod siya sa akin. “Hey, kung Badvibes ka wag mo akong idamay, dahil wala naman ako kinalaman jan! Okay?”
Kumunot-noo ko ng hindi man lang niya ako nilingon. Really? What did I do? I took a step forward para malapitan ko siya. Nang makalapit na ako tinapik ko siya sa balikat. “Hey. I’m talking to you kiddo!”
At sa wakas, lumingon na siya sa akin pero is that….?
“God, why are you crying? Ano bang kasalanan ko?” bulalas ko.
Ano ba kasing problema talaga nitong si Neri? “Oy, nagsleepwalk ba ako kagabi tapos sinakal kita ng hindi ko alam? O nalaman mo ng ako yung kumain ng natira mong cake sa fridge?” Umupo na ako sa tabi niya nun habang siya naman patuloy ang pagtulo ng luha sa mata.
Tsaka ko nahalatang paanong hindi ko nahalatang umiiyak siya, eh dapat tumataas-baba yung balikat? Or humihikbi dapat sya!
Umiling-iling siya. “Ate naman eh! Ikaw pala kumain nun! Nakakainis ka!” Pinalo niya ako sa braso at lalong lumakas ang hagulgol niya.
Hinawakan ko yung kamay niya. “Ano bang problema mo Neri? Hah?”
Niyakap na niya ako ng mahigpit. Ngayon lang nagconfront si Neri ng ganito sakin. Kasi she used to be like me, malihim, maplastik. Pero never siyang naging Desperada.
“Ate, Si Zac kasi eh…” she managed to say between her sobs.
Si Zac?
Nakabuka na yung bibig ko para magsalita nang nagring na naman yung phone ko! Geez! Kailan pa napunta ‘to sa bulsa ko?
“Teka, sasagutin ko lang ‘to baka mamura mo na naman yung ringtone ko eh.” Sabi ko sabay tayo. Tumawa naman siya. Baliw. May sayad ata ‘tong kapatid ko eh!
“Hello?” I nonchalantly said.
“Hey Paw, It’s me.” God, bakit ang sexy ng boses niya? Ayan napangiti tuloy ako ng wala sa oras.
“Bakit may problema ka ba Dawn?” Tumingin ako sa relo ko then I added. “Ang aga mong napatawag, 9AM palang.” Nako! Baka miss na ako nito. Hihihi. Wag genern, Sabado ngayon.
He sighed. “Busy ka? Kanina pa kasi kita tinatawagan eh.” Teka, siya yung tumatawag kanina pa? Bakit ba hindi nagawang tignan? Tsaka weyt! Hindi naman kasi si Dawn yung palatawag na tao. Okay. Pwede na yan maging palusot! XD
“Ah, Eh, I was doing something eh.” Sabi ko. Apparently, I was searching something. Not doing. Err. Once again, I lied!
Bigla namang tumayo si Neri, wala na siyang bakas ng luha. “Ate, baba lang ako ah? Thanks Ate.” Tumango lang ako sa kanya at lumabas na siya.