Yours
Nakaupo ako sa upuan sa sala habang pinapanuod ko si Ashton na kinukulit si Hermoine. Naghahalungkat sila ng mga gamit sa dala ni Hermoine na box. Puro souvenirs siguro at regalo ang laman ng box. Nginingitian ko na lamang sila kapag tinatawag nila ako. Lalo na kapag may ipinapakita sakin si Hermoine na dala nya para sa akin.
Hell! I can afford to buy that thing also.
“Urielle hija! May naghahanap sa'yo sa labas.” nilingon ko si Manang nang sabihin nya iyon.
Tumayo ako at nilingon naman ako nina Ash. Tinignan ko sya at pinagtaasan ng kilay. Don't look at me, Ash. Galit pa rin ako sa'yo.
Lumabas ako ng bahay at nakita ang isang itim na 4×4 pick-up. Nakita ko naman ang may-ari ng sasakyan na iyon na naka-upo sa likod ng sasakyan. Tinignan ko ang suot nya. Nakaitim itong shirt at faded na pantalon. Tahimik rin syang nakatingin sa malayo at mukhang malalim ang iniisip.
Ano naman kayang ginagawa ng lalaking ito dito?
Nakakunot ang noo ko syang nilapitan. Nilingon nya naman ako at nag-iwas agad ng tingin. Problema mo? Kita ko mula sa aking pwesto ng pagtaas-baba ng mga balikat nya. Mabibigat na rin paghinga nya.
“Anong ginagawa mo dito, Hendrick?”
Sumulyap sya sakin at tinitigan ako. Agad akong nagtaas ng kilay sa kanya. Nakatingin lang sya sakin at hindi nagsasalita.
“Kung wala kang sasabihin ay aalis na ako.”
Hinila naman nya ang kanang braso ko at iniharap ako sa kanya.
“Kung may sasabihin ka, sab—”
“Are you mad?”
Nalaglag ang panga ko sa narinig ko. Ako? Galit? Mukha ba akong galit sa kanya? Hindi ba halata na naiinis ako at masama ang mood ko ngayon?
“Do I look like happy to you?”
Tinignan nya ako at umiwas agad. “Is it about Celestine?”
“Fuck that! Wala akong pakialam kung anong meron sa inyo ng babaeng iyon. Saka bakit mo ba kailangang itanong sakin? Who am I to you to begin with?”
Kinalas ko ang hawak sakin ni Hendrick. Nakita ko ang pag-igting ng kanyang panga at ang pagdilim ng mga tingin nya sakin. At sya pa ngayon ang galit?“Why did you kissed back?”
“What's wrong with that? I've kissed many guys before you. And none of them asked me why the fuck did I kissed them back and leave them after that.”
Napadaing ako nang hawakan nya ng mahigpit ang magkabilang braso ko. Tinutulak ko sya pero sa sobrang lakas nya ay hindi man lamang sya natitinag.
“Let me go Hendrick! Ano bang problema mo?!”
Mukhang wala syang naririnig dahil hinila nya ako at isinakay sa sasakyan nya. Pumasok sya sa sasakyan at tinangka kong lumabas pero nanahimik na lang ako sa sinabi nya.
“Leave or I'll kiss you.”
Hindi ko na lamang sya pinansin hanggang paandarin nya ang sasakyan at dalhin sa ibang lugar. Hindi ko na rin pinansin ang mahihinang murang naririnig ko sa kanya. Pumikit na lang ako dahil ramdam ko ang pagtitig nya sakin. Kung hindi sya sa daanan namin titingin ay maaaksidente kami.“Eyes on the road.”
Mukhang sinunod naman nya ako at nanahimik na lamang sya. Ayoko na munang magsalita dahil kung ano na namang lumabas sa bibig ko. At ayoko na rin munang kausapin si Hendrick.
Medyo tumagal din ang byahe at tinapik lang ako ni Hendrick. Nakita ko ang isang gubat sa harap ng sasakyan. Ano naman ang gagawin namin dito?
“Are we going to hike?” sarkastiko kong tanong sa kanya.
Umiling lang sya sakin at lumabas ng sasakyan. Umikot sya sa sasakyan at pinagbuksan ako ng pintuan.
“Just stop talking and come.”
Nauna syang maglakad sakin kaya sinundan ko na lamang sya. Habang naglalakad ay napapatingin ako sa paligid. Hindi naman masyadong masakol ang gubat. Medyo dumidilim na rin sa parte ng gubat na ito. Hanggang makarinig ako ng lagaslas ng tubig. Is that a falls?
Tinakbo ko ang daanan namin at nakita ko ang isang talon. Napatahimik ng lugar at sobrang payapa ng paligid. Katulad rin nito ang lawa sa lupain namin.
“This is my safe haven.”
Hindi ko sya pinansin at tinignan lamang ang buong paligid.
“I used to go here, when I need peace. I used to let go of my problems here. Gumaganda ang pakiramdam ko dito kapag namamahinga ako dito. I brought you here to experience it.”
Doon na lamang ako tumingin sa kanya. Nakita ko nama ang namumungay nyang mata. Agad akong umiwas doon dahil alam ko ang epekto nito sakin.
“About what happened at my house...”
“Drop it, Hendrick. It's nothing.”
Narinig ko ang pagbuntong hininga nya doon kaya tinignan ko sya. Bakit ba tuwing titingin ako sa kanya ngayon ay lagi na lang iyong bumabagsak sa labi nya?
“Urielle, just tell me what you felt.”
“Ano namang sasabihin ko sa'yo?”
Inisang hakbang nya lamang ang pagitan namin. Nagulat na lang ako nang hilain nya ako at dalhin sa isang gazebo na nakatayo dito. Pagkarating namin doon ay tinitigan nya muli ako.
“Just tell me Urielle. And I'm willing to stop.”
Nakatitig lang ako sa kanya habang kitang-kita ko ang frustration na nabubuo sa mukha nya. Ano ba kasing kailangan kong sabihin sa kanya? Ni hindi ko nga alam kung anong tinutukoy nya.
“Tell me you're jealous.”
“What the hell? I'm not jealous. So stop accusing me that.” ani ko. Pero hindi nya pa rin ako pinapakawalan. “Ano bang gusto mong sabihin ko? Wala naman akong pakialam sa inyo ni Celestine. In the first place, I am not yours anyway. So fuck off, Hendrick.”
Naramdaman ko na lang ang pagluwag ng kapit nya sa braso ko. Nakita ko rin ang pagtagilid ng mukha nya. Paglingon nya sa akin ay naging malamig na ang tingin nya sakin. What did I do now?
“Get in car. I'll bring you home.” aniya at naunang sumakay sa sasakyan.
Sumakay na lang din ako at walang imik nyang pinaandar ang sasakyan. Hanggang sa makarating ako sa bahay ay hindi ko na sya narinig magsalita. At hanggang sa umalis sya ay wala akong narinig. Nang pumasok ako ay nakita ko sina Ashton at Hermoine na nanunuod ng movie. Nakita ko pang may hawak na bowl ng popcorn si Ashton. Sumalampak na lang ako sa sofa at kinuha ang hawak ni Ashton. Pinagtaasan ko sya ng kilay nang subukan nyang kunin ang popcorn sa akin.
“Hanggang ngayon ay bad mood ka pa rin. Move on, Urielle. He's not yours anyways.” sa sinabi nyang iyon ay inis ko syang binato ng unan.
Fuck it!
Naalala ko na naman ang nangyari kanina sa bahay nya hanggang doon sa may ilog. Umakyat na lang ako sa kwarto ko at itinulog ang gumugulo sa isip ko.
I am so hating you right now, Isaiah Hendrick de Guia!
BINABASA MO ANG
Urielle ( B&D Series #1 )
General Fiction𝙟𝙪𝙨𝙩 𝙖 𝙥𝙚𝙖𝙘𝙚𝙛𝙪𝙡 𝙫𝙖𝙘𝙖𝙩𝙞𝙤𝙣 𝙩𝙪𝙧𝙣𝙚𝙙 𝙞𝙣𝙩𝙤 𝙪𝙣𝙚𝙭𝙥𝙚𝙘𝙩𝙚𝙙 𝙚𝙫𝙚𝙣𝙩𝙨.