"Hindi ko siya sinaktan, David. Kahit magpalagay kapa ng cctv camera ura-urada! Wala akong kinalaman sa mga pasa ni Joshua. Malaki na anak mo, de sesais na yan David, susmaryosep! kaya ako niyan ibalibag kung talagang pinagbuhatan ko siya ng kamay!" galit na sambit ni Carla.
"Ma naman, malaki respeto sayo ni Joshua, kahit tagain mo pa siya, di yun lalaban, ang pinagtataka ko lang, madaming pasa at ang taas ng lagnat ng bata." paliwanag ni David sa asawa.
"Tinanggap ko ng buo ang anak mo David, kahit mahirap , tinanggap ko! Pero kahit kelan, sinusumpa ko. di dumapo itong kamay ko sa anak mo!" naiiyak na paliwanag ni Carla.
---
"Tama na po---- Masakit po!!! ---- Ayoko na po, maawa k--" hikbing sambit ni Joshua na sa oras na yon ay nanaginip at inaapoy ng lagnat. Napalingon ang ama sa natutulog na anak. At di maiwasang tingnan ng masama ang relihiyosang asawa.
---
"Anong nangyari kay Joshua, Kuya... Helu Ate?!" tanong ng bagong dating na si Jomar, bunsong kapatid ni Carla, edad 21. matangkad, gwapo at tsinito - habulin ng mga babae at pati binabae.
"Anu pa, e di.. Nag iinarte, baka napilayan sa paglalaro ng basketbol o ibang bola siguro nilalaro nyan, San ka pala galing? Di ba kabilin bilinan ko, wag nyo iwan.ang bahay?…" Inis na tanong ni Carla sa kapatid
"San ka din pala pumunta?" takang tanong din ni David sa asawa.
"May binili lang... sa palengke.... bakit bawal na bang mamalengke ngayon, O ikaw san ka galing" ika ni Carla.
"Ate nagcomputer lang ako, may kanin pa ba? magsasaing ako. at mag iinit na lng din ng tubig parang kelangan ata ni Joshua nang mainit sa sabaw ah ." sambit ni Jomar.
at biglang...
"Anak, Joshua!" napasigaw si David nang makitang dugo sa unan malapit sa bewang ni Joshua.At napatanto ito ay galing pala sa loob ng boxer short ng bata. Nagulat at di makapaniwala ang lahat.
"Tumawag ka ng tulong Mar" utos ni Carla sa kapatid.
Ngunit di makakilos si Jomar sa nakitang mga dugo sa boxer short na suot ni Joshua.
Nagmamadaling kinarga ni David ang anak, di nya alam kung bakit pulang pula ang mukha nito, at bakit madaming dugo , nagimbal siya sa nakita, at wala sa sariling tumakbo palabas ng bahay habang karga ang anak. Nataranta at napaluha na baka mapanu ang anak niya. At biglang naalala ang mapait na karansan sa loob ng bilibid.
---End for Part 1 ----
Need ko lang po comment nyo. Madami naglalaro sa isip ko now to complete th story. but ur comments are important. i will decide if I will continue to write my first wattpad story or better to be reader nlng. ^_^
BINABASA MO ANG
HUBAD NA!
Short StorySa pagkamatay ng kanyang ina, napilitan si Joshua tumira sa kanyang amang si David kasama ang madrasta at kapatid nito. At dito nagsimula ang mapait na karanasan na bumago sa pagkatao at buhay ng batang si Joshua. [on the process]