Do you believe in Love at First Sight? Well, ako HINDI! I believe that Love is a long long process. Hindi mo masasabing mahal mo ang isang tao dahil lang nagagandahan at nagagwapohan ka sa kanya. Paano na lang pag lumipas ang ganda nila, ano ang mapapala mo? Edi nganga! There are a lot of people, especially the young ones na ang hilig hilig sa mga gwapo at magaganda. Madalas na scenario ay yong merong bagong salta sa school na pinapasukan. Kung babaeng maganda, dinidiskartihan agad nang mga lalaking walang ibang ginawa kundi ang mag pantasya nang mga magaganda (well, kahit nga hindi maganda pinapantasyahan). At kung gwapong lalaki naman, todo papansin rin naman ang ang mga babaeng pabebe na wala naman laman ang utak kundi magpaganda na halos imudmod ang mga mukha sa pulbo, magmukha lang maputi. Kung tutuusin, napaka normal na nangyayri ito lalo na sa mga nag-aaral pa. At ang iba pa, pag nalamang may jowa na ang hinahangaan nila ay umiiyak pa na akala mo namatayan. And I never deny the fact na minsan din akong dumaan sa ganyan. Kaya na realize ko ngayon na there is no such thing as love at first sight. Kasi ngayon, naniniwala ako na ang pagmamahal ay maraming mapagdadaanan bago mo masasabing mahal mo ang isang tao. Marami munang pagsubok ang inyong haharapin bago ninyo masasabi na kayo na talaga sa huli. Meron pa nganag ikinasal na pero nauwi pa rin sa hiwalayan kasi hindi pa nila ganoon ka kilala ang isa't isa o kaya hindi nila ganoon kamahal ang isa't isa para ipaglaban nila ang kanilang nasimulan. Oo, hahanga ka sa magagandang mukha pero tandaan n'yo na hindi lang ang mukha o ang sexy at machong katawan ang iyong pakisamahan kundi S'YA mismo! Ang lahat-lahat sa kanya, flaws and all dapat mong matanggap yun at hindi sinusukuan bago mo masasabing mahal mo ang isang tao o kung mahal ka nang isang tao.