ONE

306 16 8
                                    

Baekhyun's POV

"Baekhyun gising na!"

Ayoko nga.

"Gising na baka malate ka"

Sabing ayoko eh!

"ISA BYUN BAEKHYUN KAPAG HINDI KA BUMANGON, PAPASOK TALAGA AKO DIYAN AT BUBUHUSAN KITA NG MAINIT NA TUBIG!"

Agad akong napabangon at binuksan ang pinto. "ANO BANG PROBLEMA MO?! ANG AGA-AGA EH BINUBULABOG MO ANG TULOG KO!"

"EH SABI NI MAMA GISINGIN DAW KITA, MAY PASOK KA KAYA!"

I looked at her and made faces. "ANYEYEYEYEYEYEYEYEYEYEYEYE! WHATEVER! UMALIS KA NGA!" Nakakainis talaga ang babaeng ito.

"Baek---" Magsasalita pa sana siya pero agad ko siyang pinagsarhan ng pinto.

Hay makaligo na nga...

----------

 "Ay bumaba kapa." Taeyeon said with a mocking tone.

Nga pala nakalimutan ko, I'm Byun Baekhyun freshmen college student at ang babaeng iyan ay ang bruha kong kapatid ko. Ms matanda siya sa akin ng tatlong taon pero hindi halata sa ugali niya kasi isip bata siya. 

Umirap ako at sumagot. "Duh! kaya nga nandito ako diba?"

"Oy tama na nga 'yan! Mga bata talaga tsaka bilisan niyo na! Taeyeon ikaw na ang maghatid diyan sa kapatid mo. Ayokong malate siya sa first day niya." Saad ni Mama habang hinahanda ang umagahan.

Umirap ako. "Eh bakit naman kasi doon niyo pa ako pinag-aral eh alam naman nating pareho na halos dalawang oras ang layo nun sa bahay natin." 

Hindi naman sa ayokong mag-aral, ang ayaw ko lang naman talaga ay kung bakit kailangan ko pang lumipat eh maganda naman doon sa dati kong pinapasukan.

"Mas maganda kasi doon, sabi ng ninang mo kompleto daw lahat ng kakailanganin mo---"

"May music room ba doon?"

"Ay oo meron, meron pa ngang---"

"Ah talaga? eh swimming pool meron ba dun?"

"Ay buti nabanggit mo, mula noong itinayo ito--"

"Really? Eh makakapag-trabaho ba agad ako kapag nakapagtapos ako doon?"

"Oh yes, definitely, absolutely, surely--"

"Oh sige mauna na kami ma" Sabay hila sa kapatid kong nakatunganga habang may hotdog sa kanyang bibig.

3.6.5 (EXO)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon