"Class dismiss" agad akong nag ayos ng gamit at ng sarili pagkarinig ko ng linya ni Maam last subject na namin at uwing uwi nako.
Busy sa pag aayos ang mga kaklase ko ng sinuyod ko ng tingin ang buong room, hindi nag tagal ay nag tagpo ang tingin namin.
Kumabog ang dibdib ko at mabilis umiwas ng tingin binasa ko ang labi ko at nilapitan siya.
Bawat hakbang ay pabilis ng pabilis ang tibok ng puso ko nakatingin lang ako sakanya at paminsan paminsang nag papaalam sa kaklase ko.
"Bye Athena! Ingat kayo" naka ngiting sabi ko
"Ikaw din" balik niya"Midney! " Napa lingon ako sa tumawag sakin
Si Jaime pala, magulo ang buhok niya pero sa magandang paraan naka ngiti siya at naka lagay ang dalawang kamay sa bulsa ng jacket niya.
"Bakit Jaime? " tanong ko
"Uuwi kana? "
Tumango ako "Bakit?"
Alam ko namang gusto niyang ihatid ako o sumabay sakin pauwe pero pinili ko paring itanong dahil maraming nasasaktan sa maling akala."Hatid na kita? Hanggang sakayan lang? Please?"
Napa lunok ako at alanganing ngumiti.Umamin sakin si Jaime na may gusto siya sakin at tinatanong na niya kung pwede ba siyang manligaw. Hindi ako naka sagot noon pero naintindihan niya at sinabing aantayin niya ang sagot ko kahit kailan, gwapo si Jaime at mabait kaso gusto ko siya bilang kaibigan at hindi na hihigit pa doon.
Tumango ako bilang pag sang ayon.
"Tara na" inakbayan niya ko at tinahak namin ang pinto palabas ng room. Nag tagpo na naman ang tingin namin ng taong naka tayo sa pinto. Napa kagat ako ng labi at tinanong siya ng maka tapat ko na siya."Sabay ka ba?" Tumango siya naglakad na din kasabay namin.
Dinadaldal ako ni Jaime pero sa iba naka tuon ang atensyon ko. Paminsan minsan ko siyang sinusulyapan habang busy siya sa phone.
Naka akbay lang sakin si Jaime the whole time at paminsan minsang sumasama si Carl sa usapan ganon din ako.
Ganoon lang ang nangyare hanggang sa makarating kaming sakayan.
Nagtatawanan silang dalawa habang ako naman ang busy sa phone.Nakuha ni Jaime ang atensyon ko ng hawakan niya ang kamay ko ng dalawang kamay niya.
"Ingat ka ah mamahalin pa kita" napa kagat ako ng labi upang pigilan ang pag ngiti. Sigurado akong namumula ako ngayon sinulyapan ko si Carl at nagtagpo ang tingin namin.
"Kinikilig siya oh hahaha, ok lang kiligin basta sakin hah?" Malaki ang ngiti ni Jaime ng umalis siya. At ngayon kami nalang dalawa.
"Ahmmmm an tagal ng jeep " nasabi ko bigla
Napatingin ako sakanya at milyong milyong boltahe ng kuryente ang naramdaman kong dumaloy sakin ng makitang naka tingin din siya sakin. Umiwas ako ng tingin at tinoon ang pansin sa phone.Paminsan minsan ang usap namin ni Carl hindi ko alam kung awkward ba kami or wala lang talagang mapag usapan.
Nang makasakay na kami ay magkatabi kami at naka pwesto malapit sa babaan ng jeep.
Nasa phone ang atensyon ko ng maramdamang my pumatong sa balikat ko napatingin ako doon at nagulantang ng makitang si Carl yon at naka hilig ang ulo niya sa balikat ko.
Napa awang ang bibig ko at nag karoon ng marathon sa dibdib ko.
'Jusme di ko kaya to' sigaw ko sa isip ko
'Oh shit si Carl naka hilig sa balikat ko! Shit kinikilig ako'Nagulat ako nang marinig ang pamilyar na tugtog na nag play sa speaker ng jeep.
"Sa hindi inaasahang
Pagtatagpo ng mga mundo
May minsan lang na nag dugtong
Damang dama na ang ugong nito "
BINABASA MO ANG
Hindi Ko Sinasadya (One Shot)
Teen Fiction"Hindi ko sinasaya sorry," "Pwes ako sinasadya ko to." Kasabay nito ang pag sandal niya sa balikat ko. Napa awang ang bibig ko. 'Shet diko alam gagawin ko' 'Omg' "Hoy hindi ka nakakatuwa tigilan mo nga ako" Bulong ko ngunit alam kong maririnig niya...