ONE SHOT

193 3 3
                                    

Jessy POV:

"Ano ba naman yan Jessy, matutulog ka na lang ba riyan o gusto mo pang buhusan kita ng tubig?" dinig kong sigaw ni Tita Mira pinsan ng Mama ko.

"Opo bababa na po."

Mabilis akong pumasok sa banyo para maligo kailangan ko kasing tulungan si Tita Mira sa karinderya niya siya kasi ang tumutustos sa lahat ng gastusin ko sa paaralan kaya para makabawi ako sa lahat ng yun ay tumutulong ako sa kanya ng walang sweldo.

Nasa probinsya kasi ang mga Kapatid ko at magulang dumadalaw rin sila sa akin paminsan-minsan ako na lang kasi ang inaasahan nila para makaahon kami sa kahirapan.

Ako nga pala si Jessy Alvarez 17 years old at Fourth Year High School na ako.

"Woy bobita buksan mo nga itong pinto." narinig kong kumatok sa pinto si Sette kaisa-isang anak ni Tita Mira.

Hindi kami gaanong close ewan ko ba bakit palaging masama ang pakikitungo niya sa akin.

Binilisan ko na ang pagligo at nagbihis na rin ako at kaagad na pinagbuksan si Sette ng pinto nakakunot kaagad ang kilay ang bungad niya sa akin.

"Bakit ang tagal mo buksan ang pinto?"

"Aah! Kagagaling ko lang kasi sa banyo. May kailangan kaba?" inabot niya sa akin ang notebook niya. Takang tumingin naman ako.

"Gawin mo ang assignment ko dapat bago mag ala-una ay tapos na ito." at tumalikod siya papuntang kwarto niya.

Ginawa ko muna ang pinagagawa ni Sette bago bumaba. Marami na nga ang customers linggo kasi ngayon kaya maraming nagdaragsaan kumain dito.

"Isang order nga ng lechon paksiw at tatlong takal ng kanin." sigaw ng isa sa customer.

Pagkatapos yaon ay nagligpit na ako ng kinainan nila at nagsimulang mag hugas ng pinggan. Sanay na ako sa ganitong gawain araw-araw wala rin naman akong aasahan kundi ang sarili ko.

Sa umaga kasi ako ang nagbubukas ng karinderya at pumapasok sa school at pagkauwi tutulungan ko naman agad si Tita Mira para magligpit nakakapagod Oo dahil sa edad kong ito dapat ay nag eenjoy ako kasama ang mga kaibigan ko pero hindi puwede kailangan kong magtrabaho para sa pamilya ko.

"Woi bobita nasaan na ang pinasasagutan ko sa iyo? Kailangan ko na ito ngayon.

"Nandoon sa itaas kunin mo na lang."

"Ako ang kukuha? Nakakapagod kayang umakyat, Kunin mo yun dalian mo." inis pang sigaw ni Sette binalewala ko na lang baka napagod siya akyat baba.

Kinuha ko sa ibabaw ng mesa ang notebook niya at mabilis na bumaba at inabot ito sa kanya.

"Jessy pumunta ka nga sa palengke at bilhin mo ito para bukas ay may bagong putahe naman tayong mailuto." inabot sa akin ni Tita Mira ang pera at listahan ng bibilhin.

Kinuha ko ang basket sa gilid at nagsimulang maglakad malapit lang naman ang palengke dito.

Nang makarating ako sa palengke ay dumerecho ako sa helera ng mga isda.

Swerte mga sariwa pa....

"Oh jessy! Bibili ka ba o bibili ka?" tanong ni Mang Isko sa akin mabait siya sa akin minsan nga ay may discount kapag sa kanya ako bibili.

"Sige po dalawang kilo po ng bangus."

Inabot naman kaagad sa akin ni Mang Isko ang dalawang naglalakihang bangus.

"Sige po alis na po ako. Sa uulitin.."

"Aba'y Oo naman basta palagi kang bibili dito sa akin." tumango naman ako at umalis kasunod ay sa hanay ng mga gulayan at hanay ng mga karne.

SalaminWhere stories live. Discover now