Ang Pulang Cardinal

21 0 0
                                    

Matapos pabagsakin ng mga dambuhalang bulate ang lupain ng Aisher, magbago ng anyo at lumisan upang salakayin naman ang ibang bayan, isang nakabibinging katahimikan ang bumalot sa buong lupain ng Aisher sa loob ng limang oras matapos lumisan ng mga kalaban.

Ngunit pagkatapos nito, mula sa ilalim ng mga gumuhong lupa at mga bato ay biglang may umalingawngaw na malakas na atungal ng isang leon, kasunod nito ay isang awit na sa himig na kung pakikinggan ay, "nganga-ngingi-nga" na paulit-ulit na inaawit tila ng isang koro sa malumanay na tinig. Patuloy ang atungal ng leon at lalong lumakas ang mga awitin hanggang mula sa mga durog na bato at tambak na lupa ay umahong muli si haring Plenaril, ang kanyang leong si Adebnas at ang lahat ng kanyang mga hukbo.

"Ginoong Oliber! Siyasatin ang kalagayan ng lahat ng ating mga mamamayan. Alamin kung meron mang nasawi o nasaktan! Madali!" Pag-uutos ni haring Plenaril

Nagawang makaligtas ni haring Plenaril kasama ang kanyang hukbo at ni Adebnas sa pamamagitan na rin ng kanilang mga sandata. Espesyal ang kanilang mga espadang niebe na bukod sa bumubuga ng apoy ay awtomatik na nagiging kalasag na umaawit kapag kinakailangan at kayang balutin nito na parang lobo ang buo nilang katawan para sila maprotektahan na siya nilang ginawa nang gunawin ang kanilang lupain ng kalaban.

"Haring Plenaril, ligtas po ang lahat ng hukbo ganundin ang lahat ng mamamayan ng ating bayan. Nagawa po ng ating hukbo na inyo pong itinalagang mangalaga sa kanila na protektahan at ilayo sila sa kapahamakan. Kasalukuyan po sila ngayong naglalayag sakay ng ating sampung barko patungo sa kaalyado nating kaharian, ang Plandiro." Pag-uulat ni senyor Oliber

"Magandang balita iyan kung gayon ngunit di ko mapapalampas ang ginawang kalapastanganan ng mga hayop na iyon sa aking kaharian kaya't humanda kayong lahat at pagbabayarin natin sila!" Galit na utos ng hari

"Senyor Jeepox, ang Shemay-kamay, inyo bang nailigtas?" Tanong ng hari sa senyor na kararating lamang.

"Paumanhin, kamahalan. Di po naming nagawang marating ang bundok ng Bikosopyu na kinaroroonan ng Shemay-kamay sa kadahilanang kami po'y naharang ng isa sa mga higanteng bulate na nagpaguho sa daanang patungo po sa bundok. Ikinalulungkot ko pong sabihin na marahil kasama na nilamon ng lupa ang ating lihim na sandata." Pag-uulat ni senyor Jeepox

"Kung gayon, senyor Jeepox, dalhin mo ang hukbo mo at subukang makuhang muli ang ating sandata. Yan lamang ang ating pag-asa upang mapulbos ang mga pesteng bulateng iyon!" Pag-uutos ng hari

"Masusunod haring Plenaril." Tugon ni senyor Jeepox

At ganun na nga ang ginawa ni senyor Jeepox, kasama ang kanyang hukbo, kanilang tinungo ang kinaroroonan ng sandatang Shemay-kamay kahit pa man nalibing na ito sa mga gumuhong lupa at bato.

Nang marating na nila ang lugar ng noo'y bundok ng Bikosopyu ay agad-agad na nilang sinimulan ang paghuhukay gamit ang kanilang mga espadang niebe.

"Senyor Jeepox! Natagpuan na po namin ang Shemay-kamay!" Pag-uulat ng isang kabalyero sa senyor matapos ang humigit kumulang isang daang metrong lalim na paghuhukay.

"Magaling! Sige, kumuha kaagad ng lubid at talian ang sandata para hilahin ng ating mga kabayo, mabilis!" Utos ng senyor

Ganun na nga ang ginawa nina senyor Jeepox at ng kanyang mga hukbo ngunit kung kelan malapit na nilang maiahon ang Shemay-kamay mula sa malalim na hukay ay sa di inaasahang pangyayari ay bigla na lamang sabay-sabay napigtas ang mga lubid sa di malamang kadahilanan. At pagtapos nito ay isa-isang tumilapon ang mga kabalyero ni senyor Jeepox na animo'y may umatakeng kalaban sa kanila ngunit wala naman silang nakikita.

"Anong nangyayari?" Tanong ng nalilitong senyor.

"Senyor meron pong umaatake sa atin ngunit di natin sila nakikita....ahhh!" Pag-uulat ng isang kabalyero bago siya ihagis ng misteryosong kalaban

"Sino kayo?! Magpakita kayo at lumaban ng patas!" Paghahamon ng senyor.

Ngunit lingid sa kaalaman ng senyor ay nagbalik ang dalawa sa sampung dambuhalang bulate ngunit sa anyong maliliit na tutubi na siyang umaatake sa kanila.

"Mga kabalyero, gamitin ninyo ang inyong mga espada bilang mga kalasag ng sa ganon ay maprotektahan ang inyong mga sarili." Pag-uutos ng senyor

At siya ngang ginawa ng lahat, at kahit papaano ay naprotektahan sila laban sa kalaban, ngunit sa lakas ng pwersa nito ay nagmistulang mga bola ng bilyar ang mga kabalyero at pinag-uumpug lang sila sa isa't isa na animo'y pakay na lamugin silang lahat hanggang sa mahilo at tuluyang mawalan ng malay.

"Hindi maganda 'to, para lang naming hinihintay ang aming kasawian ng wala man lang kalaban-laban. Ngunit papaano? Ni hindi nga namin makita ang malakas na kalaban." Naisip ni senyor Jeepox sa sarili

Dahil sa kalagayan ni senyor Jeepox at ng kanyang hukbo, minarapat ng senyor na humingi na ng saklolo kay haring Plenaril kaya't sinugo niya ang isa niyang kabalyero papunta sa hari para humingi ng tulong.

Nang makarating kay haring Plenaril ang di magandang kalagayan ni senyor Jeepox at ng kanyang hukbo ay agad siyang sumaklolo kasama ang lahat ng kanyang mga kabalyero. At nang marating na nila ang kinaroroonan nina senyor Jeepox ay laking gulat nila sapagkat wala naman silang namataang kalaban.

"Senyor Jeepox! Anong nangyari sa inyo? Nasaan ang mga kalaban' Pagtatanong ng hari

Ngunit bago pa man sila mabalaan ng senyor ay agad silang napagbalingan ng mga kalaban kaya't kanila ring sinapit ang sinapit nina senyor Jeepox

"Haring Plenaril! Gamitin niyo po ang inyong mga espada bilang kalasag!" Sigaw ng senyor sa hari

At ganun na nga ang ginawa ng hari kasama ng lahat ng kanyang mga kabalyero para maprotektahan ang kanilang sarili ngunit pare-pareho na rin sila ng kalagayan ngayon tulad ng kina senyor Jeepox. Si Adebnas naman ay kasama ng hari sa loob ng kanyang kalasag.

'Nganga-ngingi-nga, nganga-ngingi-nga, nganga-ngingi-nga....." Himig ng mga kalasag ni haring Plenaril at ng kanyang mga kabalyero.

Dahil sa patuloy na himig ng mga kalasag, mula sa himpapawid ay dumating ang isang pulang-pulang ibong cardinal na naakit sa awiting narinig, dumapo sa kalasag ni senyor Oliber at sumabay sa pag-awit. Subalit, pati munting ibon ay di pinalampas ng maliliit na kalaban at kanila rin itong inatake.

Lingid sa kaalaman ng mga tutubing kaaway ay malakas ang pakiramdam ng munting cardinal at bago pa man siya malapitan ng mga kalaban ay humuni siya ng pagkataas-taas na nota na lubhang ikinabingi ng mga tutubi.

At dahil sa di matagalan ang sakit sa pandinig na huni ng cardinal ay muling bumalik sa anyong dambuhalang bulateng may isang paa ng sisiw ang dalawang kalabang tutubi na siyang ikingulat ng lahat.

Klopeysyus 2-Ang Ikalawang AklatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon