Devil # 16

5.2K 135 40
                                    

Chapter 16

Hindi lang pala si Adrian at si Joshua ang nakatingin sa akin. Pati na rin ang whole  student body. Anak naman ng tupa oh! Kapag minamalas ka nga naman. Ay, mali. Lagi nga pala akong minamalas simula nung nakilala ko yang Adrian The Devil na yan.

" Siya ata 'yung girl. "

" Ano ba naman 'yan. Mas maganda ba ako diyan eh. "

" Ano naman kayang nagustuhan ni Joshua sa kaniya? "

Naririnig kong bulungan ng mga taong nasa paligid ko. Minamaliit ba nila ako? Argghh!

“ Hala. Yan yung girl? “

“ OMG. Kung ako na lang pinipili ni Adrian. “

Tumalikod ako sa kanila at nagsimula ng umalis sa loob ng gym. Nakakainis lang ha. Nakikichismis na nga lang sila tapos ganon pa itatrato sakin? Ano bang problema nila. Edi kanilang kanila na yung dalawang 'yon. Wala naman akong gusto sa kanilang dalawa eh.

Biglang may humatak sa akin kaya napaharap na naman ako sa kanilang lahat. Tumingin ako sa humatak sakin. Isang babae. Maganda. Sexy. Hindi ko siya kilala kaya wala siyang karapatan na hatakin ako basta basta. Napatingin tuloy ako sa kaniya ng masama dahil sa ginawa niya.

“ Stay away from Adrian! “ sigaw nung babae sakin.

Nanlaki naman agad ang mga mata ng mga tao sa paligid. Grabe ‘tong babaeng ‘to. Edi sa kaniyang sa kaniya na si Adrian. Ayoko dun! After ba naman nung ginawa niya sakin, magkakagusto pa ba ko dun? Tss.

“ Edi sayo na! Wala naman akong gusto dun eh! “ pranka kong sagot sa kaniya.

Nakita kong papalapit dito si Adrian at Joshua. Tahimik silang dalawa. Agad na lumapit sa akin si Joshua habang si Adrian naman, dun sa babae lumapit. Sino ba siya? Kaano-ano ba siya ni Adrian? Kapatid ba niya? Pero imposible. Kaibigan? Pwede. Girlfriend? Malamang. Aiish. Wala akong pakielam! Magsama sila!

“ Umalis na tayo dito. “ bulong ni Joshua sakin. Pumayag naman ako dahil ‘yun naman talaga ang plano ko, ang umalis sa lugar na ‘yun.Malapit na talagang kumulo ang dugo ko. Sadyang pinipigilan ko lang.

Tumigil kami ng makarating kami malapit sa may faculty.

“ Sorry. “ napatingin tuloy ako sa kaniya na may pagtatakang ekspresyon.

“ Dahil samin, kung anu-ano pinagsasasabi sayo ng tao. “ dugtong pa niya.

“ Wa-wala ‘yun. “ tapos nagsmile ako.

Biglang nanahimik na lang kaming dalawa. Walang nagsasalita. Ano ba’yan, parang ang akward tuloy.

Aakma na sana akong magsalita kaso bigla niyang inilapit ‘yung mukha niya sa mukha ko. Napalunok tuloy ako at napapikit.

“ Hahaha. “ napamulat agad ako nang bigla siyang tumawa. Ano ba naman ‘yan. Nakakahiya tuloy.

“ Ti-tigilan mo nga ako. “ reklamo ko sa kaniya atsaka ko siya hinampas.

“ Ang brutal mo talaga. Una, yung tinapunan mo ko ng iced tea tapos ngayon hinahampas mo naman ko. “ tapos tumawa na naman siya ng pagkalakas lakas.

“ Hoy! Hindi ko sinasadya ‘yun noh!  Tsaka ikaw kase eh. “

Tawa padin siya ng tawa. “ Aba! Hahaha. Hindi ko naman itutuloy ang paghalik sayo eh. Saka na lang... “ tapos tumalikod siya at nagsimulang lumakad papalayo, “ ....PAG TAYO NA! “ sigaw niya.

A-ano daw?! Kung anu ano talagang pinagsasasabi nun eh. Anong pag kami na? Hahaha. Wala pa akong panahon para sa mga ganiyan noh. Pero bakit parang ang gaan gaan talaga ng loob ko sa kaniya. Haaay. Siguro kasi mabait talaga siya, di katulad nung Adrian na ‘yon. Tss.

Pero ‘yung girl? Sino kaya ‘yon? Nakakacurious talaga. Hahaha. Parang ang sarap gamitin para bumawi sa ginawa sakin ni Adrian. Kaso mabait ako kaya hindi ko gagawin ‘yon.

Naglakad na ako. Iwan ba naman daw ako ni Joshua? Ano ba ‘yan. After niya ako irescue sa gym, iiwan ako? Ganun ganun na lang?

Dumiretso ako sa may likod ng school. Isang lugar kung saan walang tao. Tahimik na tahimik. Puro puno at damuhan lang ang nakapaligid sa akin. Agad akong umupo sa damo at sumandal sa pader.

" Nakakainis! Nakakainis talaga! " sigaw ko habang nakaubob ang ulo ko sa aking tuhod.

" Pabayaan mo na lang sila. " itinaas ko ang ulo ko. Nakita ko siya. Ang lalaking minahal ko. Si Zen, wala ng iba.

" Ba-bakit ka nandito? " nagtataka kong tanong sa kaniya.

Bigla siyang umupo sa tabi ko. " Sinundan kita. " tapos tumingin siya sakin.

*sigh* napabuntong hininga na lang ako.

Tumawa siya at nagsalita, " Naaalala ko tuloy yung dati, nagsuntukan din kami ni Adrian dahil lang sayo. "

" At natutuwa ka pa talaga? " 

" Hindi mo ba napapansin? May gusto sayo si Adrian. "  biglang naginit ang pisngi ko. A-ano daw? Ma-may ano? Gusto? Ha? Ang gulo.

" Ano ba namang reaksyon yan Eunice? " tapos tumawa na naman siya. Hi-hindi. Bakit ba nagiinit yung mukha ko. Ano ba naman 'yan. Nakakahiya. 

Agad ko naman tuloy tinakpan 'yung mukha ko.

" Move on, Eunice. Atleast magkaibigan padin tayo. Wag mo sana hayaan na mahuli ang lahat sa inyo ni Adrian o kung sino pa mang lalaki na mamahalin mo. " tapos naramdaman ko na ipinatong niya ang kamay niya sa ulo ko at ginulo ang buhok.

Bigla ko na lang din naramdaman na nawala na pala ang pagkakahawak niya sakin. Tinanggal ko ang kamay ko sa mukha ko. Tumayo na pala siya at nagsimula nang lumakad papalayo dito.

**

Noong uwian na agad akong lumabas ng classroom hatak hatak si Leslie. 

" Bhes naman. Bakit ka ba nagmamadali? Hindi tayo kabayo. " pagrereklamo niya.

" Baka mamaya kung anu-ano na naman sabihin ng mga tao sakin. " bulong ko sa kaniya.

Tama na yung kanina. Ayoko nang masundan 'yun. Masyado akong nasasaktan.

Dirediretso lang ako sa aking paglalakad. Kaso bigla akong napatigil ng biglang humarang sa dinaraanan ko si Adrian.

--

Vote and comment <3 Salamat po sa mga comment. 

He's A Devil [Fin]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon