Today is the day, the most awaited day para sa aming 4th year college students. Indeed, today is our graduation day.
This is the day that the students must be happy, yung tipong walang pagsidlan ang saya dahil sa wakas ay makakatapos na mula sa hirap ng pag-aaral pero hindi ako kabilang sa mga estudyanteng ubod ng saya sa araw na ito.
Sa totoo lang para ngang gusto ko na lang bumalik bigla sa nakaraan. Gusto kong maging college ulit, gusto kong bumalik sa oras na first year palang ako at nagsisimula pa lang mag-aral. Gusto kong bumalik sa panahong nandito pa siya, nandito pa ang lalaking pinakamamahal ko.
"Namimiss mo ba siya?" napahinto ako sa pag-iisip ng magsalita ang isa sa mahahalagang tao sa buhay ko. Simula ng mawala ang lalaking number one sa list ko sa 'mga taong mahahalaga sa buhay ko' bigla akong natututong magpahalaga sa bawat taong nandito pa sa buhay ko.
"Oo. Lagi naman e."nakangiti akong sinilayan siya.
"Pag ako ba nawala mamimiss mo rin ako?"seryoso nyang tanong sa akin na ikinabigla ko at nagtrigger sa mga mata ko para lumuha.
Wag kayong magtaka simula nung nawala siya, mababaw na lagi ang luha ko.
"Wag ka ngang ganyan! Parang sa sinasabi mong yan...iiwan mo na rin ako.."patuloy sa pag-agos ang luha ko na pilit kong pinipigilan pero ayaw papigil. " Tanggap ko naman na iniwan na niya ako pero wag naman na sana maulit pa sa akin yung pakiramdam na naramdaman ko dati. Masakit maiwan Luke."
Ewan ko sa sarili ko bakit ako naiiyak ng ganto siguro takot na akong maiwan ulit bigla-bigla.
It's been a year since he left me, since he left everything.
Sino siya? Bakit ganto ako maka-react? Di lang siya mahalaga sa buhay ko. Dahil parte na mismo siya ng buhay ko.
Isa siya sa mga kababata ko..Kababata kong minahal ko na pala. Kababata kong palaging andyan noon para sa akin. Kababata kong daig pa ang papel ng isang boyfriend sa sobra niyang pagiging caring. Siguro dahil sa sobra niyang kabaitan kinuha na siya sa akin AGAD.
Kinuha na siya sa amin..
Sa amin na nagmamahal sa kanya.
Patuloy lang ako sa pag-iyak habang naaalala na naman ang pagkamatay niya.
Flashback...
"Did you enjoy the movie?" Tanong sa akin ni Nate pagkalabas na pagkalabas namin sa Cinema 1 ng mall na ginagalaan namin ngayon.
Tumango-tango na lang ako, hindi ko na nagawa pang magsalita dahil sobrang saya ko ngayon. Makasama ko nga lang siya ay sobrang saya na, ito pa kayang maka-usap siya, makaholding hands, at makasama sa panonood ng movie? God is really good to me huh?
Inaya niya akong kumain bago kami umuwi. Kami ni Nate ay magkasamang lumaki, we are childhood bestfriends. Sa totoo lang ay wala sa hinagap ng isip ko na mauuwi kami sa ganito, yun bang magiging kami. Kasi, akala ko talaga nung una kapatid lang ang turing niya sa akin. Kasi ba naman, lagi niyang ipinamumukha sa akin na para na daw niya akong kapatid. Gusto ko na siya noon pa man pero dahil sa ipinararamdam niya sa akin ay itinago ko na lang. Ayaw ko namang masira ang pagkakaibigan namin dahil lang sa pag-amin ko. Akala ko lang pala na hindi niya ako gusto dahil kung hindi pa may manligaw sa aking iba ay hindi siya aamin sa akin.
Hindi ko alam kung sino sa aming dalawa ang unang nagkagusto sa isa't-isa basta ang importante ay mutual ang feelings namin.
Hindi naman naging hadlang ang mga pamilya namin sa relasyon namin, they supports us. Basta daw ay wag madaliin ang ibang bagay.