Scenario 1 : Akin Ka Na Lang.

1.2K 9 7
                                    

*phone rings*

"Hello?" halos hindi ko maintindihan kung anong nangyayare sa kabilang linya. Naririnig ko lang na parang may umiiyak.

"DJ? DJ si Julia 'to. pwede ba tayong magkita?" hirap na sinabi ni Julia, ang bestfriend ko, at ang pinakamamahal ko. 

Tama. Magbestfriend kami ni Julia simula nung bata pa kami. And in all these years, nahulog ang loob ko sa kanya. I might be a playboy pero sya lang yung tunay na nilalaman ng puso ko. Corny diba? Yan ang epekto nya sakin. Kahit ano gagawin ko para lang mapasaya sya. At yung marinig na umiiyak sya? DAMN, Bro. Tagos sa puso ko.

"Sige, asan ka ba?"

"Asa bahay lang ako. Please, DJ, kailangan kita ngayon."

"Okok, huminahon ka, papunta na ako dyan. Teka.. sya na naman ba?"

"*cries even more* ...yes."

Sabi ko na nga ba eh. 

Siguro nagtataka kayo kung bakit hindi kami mag-on ni Julia kahit na mahal na mahal ko sya? Pwes.. dahil yun sa may boyfriend na sya. Sablay nga eh, naunahan pa ako.

Pero ang mas masakit.. GAGO yung boyfriend nyang yun. Hindi nya pinagbibigyan ng halaga si Julia. Palagi na lang nya itong sinasaktan. At ako lagi ang tinatakbuhan ni Julia pag nasasaktan sya. Kung pwede nga lang, nabugbog ko na yung Jake na yun eh, yung boyfriend nya. Kaya lang ayaw nya. Kase everytime na nagso-sorry si Jake, pinapatawad nya ito. Oo, mahal ko si Julia pero.. bakit ang tanga nya? Isang sorry lang ni Jake, ok na lahat na parang nakabasag lang ng baso. Pinagsasabihan ko naman si Julia eh pero hindi nya ako pinapakinggan. Palagi na lang ganito.

"Tahan na.. Uy di bagay sa'yo umiiyak, papangit ka nyan." Sinusubukan kong patigilin syang umiyak. Halos basa na nga yung t-shirt ko dahil sa mga luha nya. 

"Nakakainis lang eh.. Bat ganun? Sabi nya mahal nya ako..." Sabi nya habang nakayakap pa rin sa akin.

wag kang maniwala dyan... di ka nyan mahal talaga...

"Ikaw naman kasi eh, ba't ka pa naniniwala sa gago na yun?"

'di naman sa sinisiraan ko ang pangit na 'yan

'wag ka dapat sa'kin magduda

Hinding-hindi kita pababayaan!

"Mahal ko sya eh..."

Natahimik ako sa sinabi nyang yun. Ang sakit, dre. Sobra. Mahal na mahal ko sya pero ibang tao ang mahal nya.

Pero parehas lang kami ni Julia. Parehas kaming nagmamahal ng isang tao na hindi naman kami mahal talaga.

"Sssshh.. tahan na. andito lang ako. Ok? Tama na.."

Try ko pa rin na patahanin sya. Kung ako lang sana yung boyfriend nya.. hinding hindi ko sya sasaktan ng ganito.

Akin ka na lang , Iingatan ko ang puso mo

Akin ka na lang , Wala nang hihigit pa sa 'yo..

Julia.. akin ka na lang kasi.

____________________________________________________

and.. THERE YOU GO WITH MY FIRST SCENARIO :)) 

sorry po kung medyo sad.

 it's Akin Ka Na Lang by Itchyworms. 

JulNiel lovers! request lang po kayo :) basahin nyo po yung "Informations" para sa mga requests!

thank you!

vlfc = vote like fan & comment! haha 

- Ashley.

JulNiel Scenarios.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon