CHAPTER 2 – Welcome to Bloodwood Academy
Amber’s POV:
Inilibot ko muna ang paningin ko sa buong lugar at masasabi kong hindi naman pala ganun kapangit o nakakatakot ang Effrayant Island tulad na lang ng mga naririnig ko sa ibang tao. Sa katunayan nga, ang ganda-ganda ng mga tanawin dito. Para lang kaming nasa isang paraiso.
Dito kami tutuloy sa bahay na binili ng mga magulang ko three years ago. Hindi ko alam na may bahay pala kami dito. Tss! Sabagay, ano nga bang pakialam ko? Nilayasan ko nga sila eh. Hindi naman siya ganun kalaki kaya magkakasama kaming mga babae sa iisang kwarto at sina Zelo sa kabilang kwarto.
Napagpasyahan naming magpahinga na kaagad pagkarating na pagkarating namin dito. Itinapon na muna namin ang mga gamit namin sa isang tabi dahil wala pa talaga kaming tulog at pagod din kami sa lecheng byahe namin kanina.
7 p.m. na nang magising ako kaya pumunta kaagad ako sa kusina para magluto ng makakain namin. Hindi ko naman kasi sila maaasahan pagdating sa mga ganitong bagay dahil baka mawalan kami ng tutuluyan kung sakali. Napabalikwas na lang ako nang biglang tumunog ang doorbell kaya naman imbis na dumiretso sa kusina, pumunta ako sa pinto para pagbuksan kung sino mang istorbong yon.
Pagkabukas ko ng pinto, imbis na tao ang bumungad sakin, may nakita akong limang box na may mga pangalan namin.
Galing Bloodwood Academy.
Binuhat ko na yun papasok at sakto namang paglabas nila sa kwarto. Dali-dali nila akong nilapitan nang makita nilang inilapag ko yung mga box sa mesa. Kanya-kanya naman kaming kuha ng mga box na may pangalan namin tsaka binuksan yun.
"Seriously? We're gonna wear these....ugh! It's sooooo baduy." Maarteng sabi ni Cassadee nang makita niya kung anong laman ng mga box.
"Teka! Teka! Bago pa lang tayo dito sa lugar na to pero paanong alam kaagad nila kung saan tayo nakatira at kung anong mga pangalan natin?" Naguguluhang tanong ni Zico kaya nagpalitan kami ng mga tingin.
Oo nga, paano nga pala nila nalaman ang tungkol sa amin?
Zelo’s POV:
Bloodwood University, 8 a.m.
Unang araw namin ngayon dito sa Bloodwood Academy at suot suot namin yung mga uniform na pinadala nila sa amin. Nakakairita lang dahil hindi naman kami nagsusuot ng ganito kahit sa dati naming mga school kaya naman nilagyan namin ng konting twist. Nagsuot kami nina Chase at Zico ng black slacks at sneakers habang sina Cassadee at Amber naman mga nakasuot ng mini-skirt at high heels.
Naglakad lang kaming lima papunta dito sa Bloodwood dahil malapit lang naman to sa tinutuluyan naming bahay. Kung titignan mong mabuti, doble ang laki nitong Bloodwood Academy kesa sa Dunwood University at mukhang mga may kaya sa buhay ang mga nag-aaral dito.
Nakatayo lang kaming lima dito sa tapat ng mataas at kulay itim na gate ng Bloodwood Academy kasama ang iba pang mga estudyante na paniguradong pinadala din dito dahil sa mga barumbado nilang mga ugali tulad namin.
"Hello!" Nakangiting bati sa amin ng isang lalaki na hindi namin namalayang lumapit pala sa amin. "Ako nga pala si Knight Velasco, kayo?"
Tinignan muna siya ni Cassadee mula ulo hanggang paa bago ngumiti. "Hi, I'm Cassadee."
"Cool name, huh? Pakilala ko nga pala kayo sa mga kaibigan ko. Sina Aldave, KD at yung girlfriend niya, si Ryanne.”
"Ako pala si Zelo. Girlfriend ko si Amber tapos sila naman sina Zico at Chase." Pakilala ko naman sa kanya. Mukha namang okay tong mga to dahil mukha naman silang mababait pero ang ipinagtataka ko lang, bakit sila nandito kung ganun?
Nabalik ang atensyon namin sa itim ng gate ng Bloodwood Academy nang bigla itong bumukas at bumungad sa amin ang walong estudyante ng Bloodwood.
"Welcome to Bloodwood Academy. We're from BACSO. From now on, we'll be guiding you." Sabi ng isang lalaking nakangiti sa amin. "Ako nga pala si Venom. Venom Dela Cruz, ang president ng Student Organization. Sila naman sina Aldrin at Alyana Sarmiento, Dacey Romulo, Ivan Altamirano, Maxine Chen, at Stacey Monteclaro."
Pakilala niya sa mga kasama niya at saka ngumiti sa amin. Nagkibit balikat lang kami bilang sagot. Daming kalokohan! Student Organization pang nalalaman.Tss!
"Tara, ililibot namin kayo sa Bloodwood Academy." Nakangiting sabi sa amin ni Stacey at nagsimula nang maglakad.
Cassadee’s POV:
Napairap na lang ako at padabog na sumunod sa kanila. Nakita ko namang nakatingin ng masama sa akin yung Dacey. Boohooo! Gay. If I know, inggit lang siya sa beauty ko. Tinapik naman ni Alyana ang balikat ni Dacey bago lumapit sa amin.
"Hindi ba't pinadalan na namin kayo ng uniform niyo? Bakit hindi niyo suot-suot?"
"Simple, we don't wanna wear it coz it's so baduy." Inis kong sagot sa kanya. Why? Totoo kaya. It's baduy. We look weird kapag suot namin yun. Siniko naman ako ni Amber habang nagpipigil ng tawa.
"Suotin niyo yun. Whether you like it or not. That's our policy." Seryosong sabi ni Dacey sa akin kaya inirapan ko lang siya.
"Oras na ng klase. Sumunod na kayo kay Ivan at ituturo niya sa inyo ang mga classrooms niyo." Sabi naman ni Venom habang inaayos ang mga folders na nakapatong sa table niya.
"Kitakits na lang tayo mamaya after class ah? Bye!" Masayang sabi ni Ryanne sa amin at naglakad na sila papasok sa classroom nila. Hindi pala namin sila makakasama. Sayang! Napahinto na lang kami sa paglalakad nang biglang magsalita si Ivan.
"Bawal ang may kulay ang mga buhok. Please dye it black." Simpleng sabi niya at nagsimula na ulit maglakad. Nagkatinginan lang kami nina Zelo at Zico dahil kaming tatlo lang naman ang may mga kulay ang buhok. "And one more thing, wear your uniforms properly."
"Yeah, whatever." Inis na sabi ko. Ang dami namang pinagsasabi netong mga to! As if namang susundin namin yung mga pinapagawa nila noh. Dream on! Nagsimula na ulit kaming maglakad papunta sa classroon namin.
Chase’s POV:
Bloodwood Academy, 10 a.m.
Sa wakas at narating din namin tong classroom namin. Leche! Nasa 6th floor pa room namin. Bale, para namang papasok kami sa mga klase namin. Hindi na kami kumatok at dire-diretso lang kaming pumasok dahilan para magtinginan sa amin yung mga magiging classmates namin.
Ang tahimik nila kahit walang teachers. Kanya-kanya silang ng ginagawa. Tss! Ang weird lang nila. Hindi ba't ang isang normal na estudyante, nag-iingay at nagtatawanan kapag walang nagbabantay sa kanila?
"Pwede na kayong maupo dun sa likuran." Sabi sa amin ni Ivan kaya naglakad na kami papunta sa likod. Pagkaupo namin, nagkatinginan lang kaming dalawa ni Cassadee at sinenyasan niya akong tignan ang mga classmates namin.
Tinignan ko sila isa-isa at hanggang ngayon, wala pa ring umiimik sa kanila. Makikita sa mga itsura nila ang takot. Yung tipong para silang mga tinututukan ng mga patalim isa-isa.
Anong meron? Bakit naman sila natatakot? At saan naman sila natatakot?
Ang weird.
--------------------------------------------------------------------------------
Bloodwood Academy ©2013 All Rights Reserved
YOU ARE READING
Bloodwood Academy: Behave Or Die
Mystery / ThrillerBloodwood Academy #1: Behave Or Die Limang magkakaibigan. Isang misteryosong paaralan. Ano kayang mangyayari sa kanila? May pagbabago bang magaganap sa kanila sa pananatili nila sa Bloodwood Academy? "The remedy is worse than the disease..."