Kailan niya ba isosoli?

2.2K 61 19
                                    

Kawawa naman yung friend ko, naghihirap na ata siya? Kasi naman, lahat na lang ata hinihiram niya sa akin. Kulang na lang pati underwear ng tatay ko hiramin niya eh -_- pero thank God hindi naman pero may isang tanong lang ang tumatakbo sa utak ko, kelan niya kaya yun isosoli?

***

“Magie!!” bago pa siya tuluyang makalapit sa akin hinarang ko na sa mukha niya ang palad ko.

“Oo na, alam ko na ang balak mo. Teka” binuksan ko yung bag ko na parang bookstore na sa dami ng school supplies. Imbyerna kasi ‘tong lalaking ito! Ngumiti muna siya saka kinuha ang bag ko at naghalungkat na pwede niyang mahiram.

“Eto!” sabay taas ng gunting. -__ -

“Seryoso, Francis wala ka ng gamit sa bahay niyo? Hindi ka ba binibigyan ni Tita Lorie ng pera pambili ng school supplies?” tanong ko sa kaniya habang siya naman sinara ang bag ko at binalik sa akin.

“Grabe, hindi ko lang nadala yung pencil case ko dami mo ng sinabi, di bale ibabalik ko din ‘to!” sagot nya na akala mo nahusgahan ko ng bonggang bongga!

“Ang tanong, kelan naman aber? Eh halos araw-araw nanghihiram ka sa’kin eh!”

“Basta! Sige na kita na lang tayo mamaya! Thanks ulit dito Mags!” pagkatapos nun umalis na siya. Weird talaga ng lalaking ‘yun! wala naman akong magagawa pag pinilit ko siyang pinaamin kung saan niya dinadala or ginagamit yung mga hinihiram niya sa akin. Or baka naman binebenta na niya?! Over naman friend, kumikitang kabuhayan ha!

***

“I’m hoooooooome~” patalon talon pa akong pumasok sa bahay ng biglang may dumapo sa mukha ko, sakto ang landing eh T_T

“Ikaw bata ka, kung saan saan mo dinadala ang gamit natin hindi tuloy ako makagawa dito sa bahay! Nasaan ang gunting ha?”

Er. Ano isasagot ko? T^T

“Eh ma, hiniram po ni Francis. Grabe nga po kawawa siya e, halos lahat na po ng gamit ko pinapahiram ko sa kaniya kasi nasunugan po pala sila” super sad face at sad voice ang ginamit ko, jusme nawa’y effective!!

“Ay ganun ba? Naku kawawa naman pala. Teka, bakit parang hindi ko yata alam?” paktay!

“Eh ano po kasi … ano … sa lola niya po. Ayun! Sa lolang bahay niya po yung nasunog tumutulong lang siya” isang balde na ata yung pawis ko!

“Okay okay, pero sabihin mo isoli din kaagad ha? kelangan yun dito sa bahay. Sige na umakyat ka na at magpalit kakain na tayo pagbaba mo” at mabilis pa ako sa kidlat na umakyat sa kwarto.

To: Francis Co

Oy! Hinahanap na ng nanay ko yang gunting! Pasalamat ka yan lang hinanap niya at hindi yung mga dyaryo, magazine, kutsliyo, lubid, unan, kumot, payong, etc.! kaya isoli mo na yang utang na lamang loob!

Pagkabihis ko saka ko lang nabasa reply niya.

From: Francis Co

Haha! Pasabi kay tita ibabalik ko din, don’t worry malapit ko ng matapos ‘tong ginagawa ko! :) :*

To: Francis Co

Tse! ‘wag mo kong dinadaan sa kiss mo! Basta ibalik mo yang mga yan, baka susunod na hiramin mo brief ng daddy ko! hahaha!

From: Francis Co

Pwede! Hahahaha!! Wait lang ha? kain ka na, tapos tulog ay hindi pala pray muna ^_^

Hindi ko na siya nireplyan. Pagkatlikod ko ..

“Hoy Fragie! Anong tinitingin tingin mo diyan ha? ha? ha!?” okay baliw na ako -_-

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 29, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Kailan niya ba isosoli?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon