Day Twenty-Five

513 2 1
                                    

Dear Diary,

               Nako!! Parang may sakit ata ako ngayon ah? Pag gising ko kasi ang sakit ng ulo ko e. Tapos na uubo ubo pa ako. May sipon narin ako at ang init ko pa. Tsk. >:( Hindi muna ako siguro papasok ngayon noh? Bakit ba kasi may pasok pa after the day ng fieldtrip e! Badtrip! 

Ang hirap kumain pag may sakit noh?

Tinry ko kumain kahit soup lang pero hindi ko talaga kaya e. Bawat nguya ko kumikirot yung ulo ko sa sakit.

Ano ba naman to. Bakit ba kasi nag kasakit ako? Ano kayang nangyari? Baka naman napagod lang ako sa fieldtrip kahapon.

"Yaya, hindi ko na po kaya. Matutulog nalang po ako"

"Huh? dapat kumain ka para malakas ka. labanan mo Gale"

"Ya! Ayoko na okay?"

Hindi pa nga ako naliligo e. Hindi ko kaya.

Nung umakyat na ako sa room ko, ang daming message sa phone ko. Mga naka 10. Puro si Kayla at si James.

"Ui. Gale. bakit absent ka?" text ni Kayla

"Gale papasok ka ba?" text ni James

"Gale!!! Uiii. saan ka? anong nangyari sayo?" text ni Kayla

"Ui" text ni James

"Gale!! Answer back!" text ni Kayla

"Gale???" text ni James

"Are you okay?" text ni Kayla

"Gale!" text ni James

"Hello??? Are you there??" text ni Kayla

"Gale!!! Just text me kung may time ka. Hope you're okay" text ni James

sa dami nilang text hindi ko na alam kung sinong uunahin ko. Yung bestfriend ko for more than 5 years or yung boyfriend ko na naging crush ko for more than 5 years?? hahaha.

bahala na eto nalang

"Guys!! Sorry hindi ako nakapag reply agad. I'm not feeling well e. May sakit ata ako. Ubo't sipon at sakit ng ulo ko. Sorry"  

sending... Kayla.. James...

yan. para fair! hahaha. :D

Ang sarap naman ng feeling na may nag sho-show ng concern sayo kahit dalawa lang sila. At least meron diba? :D

Wala akong ginawa kundi nakahiga lang sa kama ko. Katok lagi ng katok yung yaya ko para bigyan ako ng pagkain pero kasi wala akong gana e.

Nung kinuha ni yaya yung temp. ko, 38 siya. Sabi niya may lagnat nga ata. Dinala niya ako sa clinic na malapit lang saamin para ipacheck up. Syempre, nag sabi ng mga gamot yung doctor at bumili naman kami.

Ang pait pait ng gamot!!! I HATE IT! kaya ayokong nag kakasakit e. and that's one of the reasons.

After nun, pag uwi namin sa bahay, tumawag si James sa phone ko

"Gale. Musta ka na? Nag pacheck up ka na ba?"

"Oo. Lagnat daw. Uminom narin ako ng gamot. Bakit ba parang bumubulong ka diyan?"

"Kasi tumatawag ako sayo ngayon sa loob ng school. Bawal kaya phone dito!"

"Ay sorry sorry. haha."

"hehe kaya mo ba? gusto mong puntahan kita diyan pag uwi?"

"wag na. baka mahawa ka pa e."

"ok lang. edi patas tayo! haha"

"sira! wag na kasi. gusto ko munang magpahinga e"

Dear DiaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon