Le~DayBook.

32 2 2
                                    

Yellow :DD

May ishe-share lang ako sa inyo , as if naman na may magbabasa nito tska parang GM lang i-sheshare. Yuurks :P dejokelang ^^.

Pero ito totoo , kesa i-GM ko ng i-GM or i-spread out ko sa lahat ng nasa contacts ko, oh pindot ako ng pindot sa phone ko na nabubura lang din pag hindi ko naiisave , oh send ako ng send tapos ang masama pa nun e wala naman pala akong load or ang pinakamasama pa eh kapag nakakalimutan ko na hindi naman pala ako naka-register. Oh! Diba wala na nga sila pakialam sa mga pinagsasabi or pinagdada-daldal ko sa GM , naubusan pa ako ng LOAD.

Ewan ko ba kung sino nagpauso ng GM na yan na pati ako nag gigiem na rin . Eh bakit ba GI-EM ang sinasabi ko eh hindi naman tungkol sa Gm ang iseshare ko , eh kase naman na GM yan e napakatindi ng kamandag. HAHA XD

So eto na nga. November 18, 2013 Monday , sympre Tuesday ngayon kaya Monday kahapon. Maaga ako gumising maaga ako gumayak at maaga din ako pumasok sa school kase diba nga kapag monday as usual mayroon Morning Colors or Flag Ceremony kaya naman maaga ako nakarating sa school at sa awa ng Dyos e naka-attend ako sa FC. Bumobongga na talaga ako kasi sa totoo lang simula noong Elementary ,Highschool at hanggang ngayon na College na ako e kilala na ako ng mga classmate ko sa pagiging late maging yun mga  teacher ko na ang laging problema ko sa kanila is yung pagiging late ko sa klase.

Pero iba na ako mga Pate, Dre, Inday , Parii ! Nagbago na ako kase ang aga ko na pumapasok sa school simula pa nun lastweek. Haha 2nd year college na ako tapos ngayon second semester lastweek lang ako nag simulang maaga pumasok hahaha. Ang sarap pala sa pakiramdam kapag maaga ka nakakadating sa pupuntahan mo and dumadating ka pa sa hindi sakto .. kundi sa tamang oras.

Ang sarap sa feeling na sasabihin sayo ng mga classmate mo  o kaya ng mga kaibigan mo na " Wow ! ang aga mo pumasok ngayon ah. " Iba na talaga , nagbagong buhay na sya " nakakatuwa na nakakainis yung mga natatanggap kong reactions/comments nila.

Nakakatuwa , kasi nakikita nila yung improvements na ginagawa ko, na nag e-effort na talaga akong gumising at pumasok  ng maaga. On the other hand, nakakainis kasi para akong nagkasala na pumatay ako ng tao sa mga reactions nila , diba ikaw ba naman ang sabihan na nagbagong buhay na daw ako. Oh diba nakakainis hahahaha.  Pero sympre lamang pa rin yun pagkatuwa ko dun kasi npapansin nila yun, kahit na sa mga ganon bagay lang.

Para akong ewan na nanalo ng jackpot sa LOTTO dahil lang sa pagiging maaga kong pumasok sa school. Ang OA ko na , Oo pansin nyo din ba na ang OA ko na sa mga sinabi ko , kase nman natutuwa lang talaga ako sa sarili ko kasi ang AGA AGA KO NA TALAGA PUMASOK. Parang pakiramdam ko ikinasal na kami ni Choi Jonghoon Bebe ko mehehehe :3

Le~DayBook.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon