[Neeka's POV]
We've been together for a few months now. Hindi ako sure. Kailangan bang bilangin ang months? Basta feeling ko ang tagal tagal na. <3
Ang sweet talaga ni Achilles. Lahat ng sinasabi nya kinikilig ako. Ewan ko ba kung bakit.
Nasa Qwerty City kami ngayon, gusto daw bisitahin ni Achilles yung puntod ni Mama eh.
Oo nga pala, patay na si mama at si papa naman may iba ng family pero kahit ganun pa man nafeefeel ko naman ang pantay pantay na pagpapahalaga ni papa para sa amin.
Sa Sementeryo, kinausap nya si Mama. "Aalagaan ko po si Neeka. Hindi ko sya iiwan o sasaktan. Mahal ko yun eh." Ngumiti sya sa akin at kay Mama.Naglagay siya ng favorite flower ni mama at nagsindi rin ng kandila.
See, ang sweet nya? Nagpromise sya sa patay, ibig sabihin, wala na syang takas!
May mga bata sa sementeryo, nilalaro namin sila. Aww, parang anak namin! :3
"Magkaanu-ano po kayo?" Tanung ng isang bata.
Si Achilles ang sumagot, "Asawa ko."
Kinilig ako sobraa!
"Kung mag asawa kayo, bakit walang singsing?" Usisa nung isa pang bata. Natawa si Achilles at binulong sa akin "Ang talinong bata!"
Pinakita ni Achilles yung Baller namin na Superman, "Ito oh, singsing namin. Mas malaki nga lang."
Tuloy pa rin kuwentuhan namin, ang saya talaga. Basta kasama ko sya ang saya ko na talaga.
Ang dami naming plano sa future. Ang saya kasi sinisigurado nya sa akin na andun ako sa future nya.
Sabi nya nga mag-aaral na lang sya sa Asdfgh City kasi dun na ako mag-aaral pagCollege. Alam kong gusto nya talaga mag aral sa Zxcvbn City, at gusto rin ng family nya na dun sya. Pero mas gusto nya na kasama nya ako. Mas mahihirapan kasi kami at hindi na kami masyado magkikita kung sa Asdfgh ako mag aaral at sa Zxcvbn sya. 9 hours drive.
Ang sweet talaga grabe! Sabi din ng mga kaibigan at kapatid ko na mas ayos daw si Achilles compared sa mga Ex ko.
Mahilig nga ata sya sa bata eh. Nakikipaglaro sya sa kanila. Which is really adorable.
At ito pa! Tuwing tinatawag ko sya "Mr. Villa!"
.Ang lagi nyang sagot, "Bakit Mrs. Villa?" kilig much naman ako.>/////<
Lagi din sya bumabanat sa akin. Ang cute nga eh, hindi yung nakakairita na banat. Basta sweet, ewan ko ba baka kasi dahil boyfriend ko sya.
Hindi din sya nahihiya na makipagholding hands sa akin publicly.
One time umulan kaya sumilong kami sa isang empty na gazebo. Kumanta kami ng You and I by J.R.A tapos sumayaw kami. Isipin nyo naman nag waltz kami sa isang gazebo habang umuulan. Ang magical ng moment na yun para sa akin. Parang Fairytale, kasama ko Prince Charming ko.
May time din nung tumawid kami, hinawakan nya yung likod ko. Sya lang gumawa nun. Para bang pinoprotektahan nya ako. Ang babaw ko noh? Pero natuwa lang talaga ako.
Oo na, ako na mukhang obsess. Pero worth-bragging naman. :'>
--
[Achilles' POV]
"Oyy Reynn, anu gagawin ko? Break ko na kaya si Neeka?"
"HAAAA?!" Grabe naman magreact si Reynn! Normal lang siguro yun, kasi nagulat din ako sa sinabi ko.
"Iniisip ko lang, mas maaga mas maganda. Para hindi masyado masakit."
"ANU? BAKIT? SAAN KA BA PUPUNTA?" Tanong nya, parang ewan lang ah.
"Gusto ko mag aral dito sa Asdfgh City para sa kanya pero hindi ko ata mapipilit sila Mama na dito eh. Kaya sa tingin ko sa Zxcvbn City ako mag-aaral." Inexplain ko sa kanya.
"So?" Wow, 'so' lang talaga sagot nya. Bwiset, nagpapaadvice po ako. Hindi ba obvious?
Tinuloy nya yung sinasabi nya, "I mean, may nabasa ako sabi 'Distance is just a test on how far love can travel.' Basta yun. Ganun. Gets mo naman siguro meaning nun." Pinangaralan pa talaga ako ng mas bata sa akin. Parang boss lang ha?
"Hindi mo kasi gets, mahirap kaya ang long distance relationship. Sobra. Hindi mo lang alam. Kawawa naman sya. At ang dami pwede mangyari Reynn." Hindi ko din nagets sinabi ko.
"IKR! Alam mo yung Korean Drama na 'Dream High'? Pinapakita nila na 'Distance matters,' kasi mahal ni Hye Mi si Jin Gook pero laging wala si Jin Gook kaya nafall sya kay Sam Dong. "
Anu daw? ChingChong Chinese. Hindi ko gets. -.-"
"Nagkocontradict naman sinasabi mo." Nagsalita na lang ako after a few seconds of realization.
"I know right. Basta yun, wag mo ibebreak. Halata namang mahal mo. Baliw!" Sinigawan pa ako. Crush nya siguro si Neeka. O.O
"Iniisip ko kasi, ibebreak ko sya ngayon para nga hindi sya masyado masaktan kung ibebreak ko sya kung matagal na kami. PERO after College, hahanapin ko sya. Gagawin ko lahat para mahanap ko sya. Tapos papakasal kami. " Oo, naplano ko na lahat. Ang buhay ay parang chess, dapat iniisip mo ang possibilities bago ka magmove para hindi ikaw ang talo.
Hindi ko nga binreak si Neeka, hindi dahil sa sinabi ni Reynn. Pero dahil hindi ko kayang mawala sya. Oh shet, ang keso naman oh.
Wala rin talaga akong balak na iwan si Neeka. Kahit kailan. Sya lang talaga sineryoso ko. Maski kumonti ang 'fans' ko dahil nagkaGirlfriend ako. Ok lang. Hindi ko naman kailangan ng titili sa akin. Sya lang naman kailangan ko eh.
Ang dami kong plano para sa amin. Ewan ko ba. Sisiguraduhin ko na akin lang sya. Ang gay ba? Hindi kaya! Bawal na ba magmahal ng sobra?
Everything goes well ..
But that thing happened...