KASAMA ko ngayon sina Clem at Cuzhniel, nasa Al fresco kami at kasalukuyan nagsesesion.
Nakikinig lang kami sa walang humpay na pagkukuwento ni Cuzhniel. Dati 'di naman masiyadong palakuwento ito, ngayon halos hindi na nauubusan ng masasabi ito.
Iba na talaga kapag inlove, gusto ko din sanang maranasan ang pakiramdam ng inlove.
Kaso malabo yatang maranasan ko iyon, wala kasi akong tiwala sa mga babae.
Ayaw kong magkaroon ng commitment sa kahit na sinong babae, kaya kapag may lumalapit sa akin ay agad ko na itong sinusupla na hanggang fling lang ang maibibigay ko at hindi na hihigit pa roon.
I'm just protecting my self, especially my heart. Ayaw kong maranasan ang nararanasan ng ibang tao, kapag nasasaktan o 'di kaya iniiwan ng basta-basta. Kuntento na ako sa ganito.
Nang mabaling ang pansin ko sa tumutunog na cellphone sa lamesa, agad ko itong sinagot matapos ang ilang pagtunog.
"Hello?" Maikli kong sagot sa kabilang linya.
"Hai Jhiro saan ka? Puwedi ka bang magpunta dito kina Alden. May pag-uusapan kasi kami at kailangan ng presensiya mo rito," sagot ng Mommy ko sa kabilang linya, tila kababakasan ng urgency ang boses niya.
"Mom I am with Cuzh and Clem," ang walang gana kong sabi.
Kusang napadako ang pansin ng mga kasama ko, pagkarinig sa kani-kanilang mga pangalan.
"It's important son, tungkol ito sa nalalapit na emerged sa ating kumpaniya at nina Alden," ang maawtoridad na sabi ng Mommy ko sa kabilang linya.
"Okay just wait me a minute," sagot ko matapos ang isang buntong-hininga.
Agad akong tumayo, "Una na ako Clem, Cuzh. . . Pupunta pa ako kina Alden may pag-uusapan daw ang pamilya. Pasensiya na, urgent kasi."
"It's alright pare, pakikamusta nalang ako kay tita at sa sexy mong kakambal," ang tipsy na tugon ni Clem sa akin, tumango lang naman si Cuzhniel pagkabaling ko dito.
Nagmadali na akong lumabas ng Al fresco.
Habang nagdadrive ay napapaisip ako kung ano man ang pag-uusapan ng pamilya, tila ba napakaimportante nito at kailangan ng presensiya ko.
Napahigpit tuloy ang hawak ko sa manibela ng kotse, ano bang bago? Ang importante lamang naman sa mga magulang namin ni Bridgette ay pera.
Mula pagkabata ay nakasentro na ang buong pansin ng mga magulang namin sa kumpaniya, wala man lang akong maalala na nakumpleto kami sa isang okasiyon.
Kahit napakayaman na namin tila ba pakiramdam ko may kulang.
Ipinagpatuloy ko nalang ang pagmamaneho papunta sa villa ng mga Vriganza.
PRIM lamang akong nakaupo habang nag-uusap ang mga magulang ko at nina Alden.
Manaka-naka akong sumusulyap sa itaas ng hagdan, hinihintay kong bumaba si Alden.
"Mabuti naman at naisipan mo nang umuwi rito iha, tiyak nagaadjust ka pa sa takbo ng buhay dito sa Pilipinas." Si Tita Sallie habang matamis na nakangiti sa akin.
"Pinapauwi na po kasi ako ni Mommy tita saka miss ko narin naman ang Pilipinas."
"So kukuha kana ulit ng course dito, ang balita namin ng tito Ysmael mo sikat ka na modelo at fashion designer sa Paris."
"Yes po may kaunti na rin po akong pangalan roon, iniisip ko pong magtake ng BSBA sa Villafuerte Academy in this coming semester Tita."
"Oo amiga para naman naman alam na niya ang pasikot-sikot sa kumpaniya pagdating ng araw." narinig kong sabi naman ni Mommy kay Tita Sallie.
"Talaga? pero kahit na mag-aaral ka this coming semester iha ay maari na nating pag-usapan ang engagement niyo ng anak ko na si Alden. Tutal gragraduate na siya this coming sem," ang biglaang pakikihalo sa usapan ni Tito Ysmael ang papa nina Alden at Kuya Greg.
Napadako ang tingin ko kay Greg na kababakasan ng pagtataka at pagtatanong sa mga mata nito.
Nang marinig namin ang tinig ni Alden sa dulong baitang ng hagdan, 'di yata't kanina pa ito nakikinig sa usapan namin.
Sabagay malalaman din niya ang lahat, mabilis siyang napalapit sa amin. Kababakasan ang mukha niya ng pagkalito.
"Ano'ng tungkol sa engagement na sinasabi mo Papa, m-may dapat ba akong malaman?" Magkasalubong ang kilay na tanong ni Alden sa ama niya.
Nanatiling tahimik kaming lahat, hinihintay ang sasabihin ni Tito Ysmael.
"Tutal ay gragraduate kana Alden next sem ay kailangan may kasama na sa pangangasiwa si Greg sa kumpaniya at para sa nalalapit na emerged ng mga kumpaniya natin kina Bridgette. Samakatuwid napagdesisyunan ng bawat isa na ipakasal namin kayo ni Bridgette."
Kitang-kita ko ang pagkagulat sa mukha ni Alden tila namutla pa nga siya matapos marinig ang sinabi ni Tito Ysmael.
Dahan-dahan niya akong binalingan.
"You knew about this set up Bridgette?" Ang nang-aarok na tanong niya sa akin, tumango lang ako bilang kumpirmasyon sa kaniyang tanong.
Kitang-kita ko ang pagkuyom ng mga kamao, lahat kami ay naghihintay sa kaniyang sasabihin.
"I think we have to cancel this Papa, d-dahil may nobya ako at siya lamang ang gusto kong pakasalan!" May diin ang bawat katagang binitiwan niya.
Tila punyal naman na tumarak sa puso ko ang mga katagang iyon ni Alden, hindi ko mapigilan ang mapaiyak at mapahagulhol sa sagot niya.
Mabilis kaming iniwan ni Alden, kahit anong tawag at sigaw ang ginawa ni Tito Ysmael ay hindi napigilan si Alden sa pag-alis.
Sinundan ni Kuya Greg si Alden, ngunit nang magbalik ito ay si Soujhiro na lamang ang kasama niya.
Lalo akong naluha.
"I'm sorry guys I think we have to cancel this meeting." si Kuya Greg.
"Oo nga panyero, alam kong nabibigla lamang ang binata mo Ysmael. Ang mabuti ay kausapin at ipaintindi mo nang mabuti kay Alden ang lahat," ang naiintindihan na saad naman ni Daddy.
"Tama ka panyero, I think we have to settle this meeting later. Pagpasensiyahan niyo na ang pagwawalk-out ni Alden," ani ni Tito Ysmael.
"Oo nga Bridgette, iha. Tiyak mas nakakalamang ka naman ng 'di hamak sa nobya ng anak ko. Hayaan mo aayusin natin 'to." nagpapasensiyang saad ng Tita Sallie.
Tila may kakaiba sa mga tingin na ipinukol niya sa 'kin.
Napadako naman ako kay Mommy na hinagod-hagod pa ang bisig ko, tila may plinaplano ang Mommy at si Tita Sallie.
Unti-unti kong pinunasan ang mga luhang nagmamalabis pa rin sa mga mata ko.
Ngayon wala pa akong kalaban-laban kay Maine, 'di ko pa makukuha rito si Alden. Ngunit titiyakin kong mapapasakamay ko si Alden.
Dahil alam kong makikipagtulungan si Mommy at Tita Sallie, pati na rin si Kuya Greg.
BINABASA MO ANG
✔️Forever Yours, Forever Mine (COMPLETE)
RomanceForever Yours, Forever Mine (UNDER REVISION-EDIT) (romance) babz07aziole Alden Vriganza lahat halos nasa kaniya na, marangyang buhay. Kasikatan, mga totoong kaibigan. Ngunit may darating na magpapabago sa kinagisnan niyang buhay. Si Maine Sanchez. I...