Naghanap ng iba habang sila'y nasa isang relasyon pa.
Pangalawa na itong nangyari sa akin. Masakit. Oo. Pero never akong nag-isip na maghiganti. Hinahintay ko lang na si KARMA na mismo ang magrevenge para saakin. I never changed. Binabalik ko lang yung dating ako nung hindi pa ako in a relationship.
Yung una. Niligawan niya ako through text. LDR kasi kami eh. He was my first love. Kasi nga medyo wala pa akong alam, madali niya akong napasagot ng "oo". So ayon sweet-sweetan kami. After a month, hindi na niya ako tinitext. Pero updated parin ako sakanya kasi may source ako.
After ilang days, may pinabasa na text message sakin yung classmate ko.
*quote*
@(name): Soon you'll be mine.
Hi
Galit na galit ako nung time na 'yon. Sinuntok ko yung dingding ng classroom namin. I texted him about sa text message na yon. Tumawa lang siya. So nagexpect ako na one of his admirers lang yon.
Nung time na magtwo-two months na kami, wala na kaming communication. January 17, he greeted me a happy birthday. Pero, my birthday is on January 27. And, I want to be mad at him kasi mismong siya na boyfriend ko hindi niya alam ang birthday ko. Pinigilan ko ang sarili ko na magalit sakanya.
Days passed, ayon nalaman ko nalang na nanligaw pala siya doon sa babaeng nagsend nung text message na pinabasa ng classmate ko.
Nagplano ako na hiwalayan siya pero hindi sumasang-ayon saakin ang tadhana. Days after our third monthsary, nakipaghiwalay ako.
Naghanap ako ng reasons mahiwalayan lang siya, pero hindi ko sinabi na alam ko yung about sa panliligaw niya sa ibang girl. Month after nabalitaan ko nalang na sila na pala. Didn't he know about the THREE MONTH RULE?
Nasaktan ako. Sobra. Ang dali lang para sakanya na palitan agad ako. After three months, may nakilala nanaman ako. Nakita ko ang big difference nila nung ex ko. I know na it's bad comparing the present one sa ex. Pero hinahanap ko lang kung ano ang kulang kay ex sa kay present.
Nanligaw si present in person. Medyo kilala ko na si present before siya nanligaw. After almost a month sinagot ko siya through chat. Sinabi ko muna ang condition ko bago ko siya sinagot, and that was isekreto ang relationship namin. Pumayag naman siya. Hindi iyon dahil easy to get ako. Kundi dahil yon sa efforts niya. Hindi ko man sinabi sakanya na mageffort siya, nakikita ko naman.
Palagi kaming nagchachat. Ang sweet-sweet niya pero in person hindi siya masyadong sweet . Hindi nga kami masyadong nagpapansinan. Paglunch time sabay kaming umuuwi, minsa hindi. Hindi ako clingy sakanya. May sarili din siyang buhay, he also needs quality time with his friends. Hindi sa lahat ng time dapat magkasama kayo. Let them have some time with their friends din. Wag ding maging clingy.
Kapag naman pinapayagan siyang gumala kapag gabi, tumatambay siya sa bahay namin or kapag inuutusan siya dumadaan siya dito sa bahay namin.
After almost a month, may practice kami sa drump corp noon. Bigla akong inapproach nung classmate ko sabi niya na may ibang nililigawan daw yung bf ko. Nagsmile lang ako noon. Hindi pa nagsink-in sakin ang sinabi niya. Kapag nagkatinginan kaming dalawa ako yung unang nag-iiwas ng tingin.
Hindi namin natuloy ang practice namin kasi umuulan, ako naman, nagpapaulan lang ako. Huminto ako between ng room namin at room nila nagpapaulan parin ako nung time na yon. Nakita ko nalang siya na nilagpasan niya ako at pumasok sa room nila. Lumipat ako sa harap ng room namin. Pinipigilan kong umiyak. Ayokong umiyak. Pero nabigla ako ng may naglagay ng sombrero sa ulo ko at hinila ako papasok sa room namin. I thought it was him. Pero hindi, yung classmate ko palang lalaki na ang turing ko ay parang kapatid na. "Bakit ka nagpapaulan?" tanong niya. Hindi ko siya sinagot pinipigilan ko ang luha ko. Bigla akong niyakap nung babae kong kaklase na nagsabi sa akin na may niligawang iba ang bf ko. Dahil doon tumulo na ang luhang pinipigilan ko. Humahagulhol ako. Matagal pa bago ako kumalma. Nakipagbreak ako sa chat, pumayag naman siya.
Tapos noon palagi ko silang nakikita na magkasama ni girl. Hindi man lang nila kinonsider yung puso ko. Pero hinayaan ko nalang sila hanggang sa nakamove-on ako. Hindi ako nagalit sa girl. Ayoko kasing magconclude nalang ng magconclude kashit hindi ko pa naririnig ang side niya. Pero for my freaking exes? Hmm. Si Lord na ang bahala sainyo.
Lessons dito ay, hindi tayo dapat nagrerevenge just to be satisfied. Let God do the rest. Ginawa mo ang part mo. You moved on without using anybody. Kaya mo naman atang magmove-on na hindi ginagamit ang iba, diba? Nagawa ko nga eh kayo pa kaya? Promise, hindi mahirap magmove-on. Acceptance lang naman kasi ang kailangan. Just accept the fact na wala na kayo. Siguro kapag nabasa niyo ang line na'to baka magalit kayo pero, trust me it's worth it.
Wag lang talaga kayong mag-isip na magrevenge. I hope nakatulong ito sa inyo.