Chapter 28

318 22 18
                                    


Kurt's Point of View


"Asan ba tayo pupunta?", sabi ni Aiko habang nakasimangot pa rin siya. Hila-hila ko siya pataas sa isang hill malapit dito sa lugar namin.


"Malapit na tayo", sabi ko naman sa kanya. Alam kong pagod na siya sa paglalakad dahil sa expresyon niya sa mukha niya. Hindi na mapinta yung pagmumukha niya.


"Masakit na yung paa ko. Tch", pagrereklamo niya at tumigil sa paglalakad. Napahinto naman ako at tumingin sa kanya habang hinahawakan ko pa rin yung kamay niya.


"Okay ka lang?", tanong ko sa kanya. Bigla naman niya ako sinamaan ng tingin at napaiwas naman ako sa kanya.


"Mukha ba akong okay?! Asan ba tayo pupunta?! Ang sakit-sakit na ng paa ko eh!", pagsisigaw niya sa inis sa akin. Parang may dalaw ata tong babae ito. Napakapikon eh. Napasigh nalang ako sa kanya.


Umupo ako sa harapan niya habang inooffer yung likuran ko para sumakay siya sa likuran ko. Muli naman akong tumingin sa kanya at parang hindi niya maiintindihan yung ginagawa ko. "Ano naman ang gagawin ko?", pagmamataray niyang sabi sa akin.


"Masakit yung paa mo diba? Edi sumakay ka na sa likuran ko", pagsusungit ko naman sa kanya. Nakita kong namula yung mukha niya dahil sa sinabi ko. "Dali na sabi eh!"


"Nahihiya ako. Mabigat ako eh"


"Aba! Ngayon ka pa nahiya? Eh, hindi ko na ata mabilang kung ilang beses na kita binuhat eh", natatawa ako sa mukha niya. Ang pula-pula at halatang nahihiya siya. Napakacute talaga tong girlfriend ko. "Huy dali na sabi eh. Boyfriend mo na ako, hindi ka dapat mahiya sa akin. Kahit na maghubad ka sa harapan ko. Wala lang yun sa akin", I teased.


Bigla naman niya akong sinapak at sumakay na sa likuran ko. "N-Napakamanyak mo talaga! Bakit pa kasi kita sinagot eh?!", sigaw pa niya at kitang-kita ko yung pagmumula ng kanyang mukha.


"Dahil mahal mo rin ako?", pagbibiro ko at alam kong nadagdagan yung kapulahan ng mukha niya dahil sa sinabi ko. Nagsimula na ako sa paglalakad habang pinipigilan ko yung sarili kong matawa.


"Aba! Ang feeling mo na ata ha! Ang feeling mo! As if na mahal kita!", nauutal niyang sabi habang sinandal niya yung mukha niya sa balikat ko. I know she's pouting. :3


"Alam kong mahal mo ko Irish Brillantes. Wag ka na kasing deny ng deny eh. Hindi bagay sa beauty mo, mahal kong prinsesa", sabi ko habang tumatawa. Bigla naman niya akong binatukan ng binatukan.


"Tumahimik ka nga! Wala na akong gana sa pagbobola mo sa akin! Argh!"


"Pasalamat ka, mahal kita. Kahit gaano ka pa kapikon. Labyuu~"


"Tse! Shut up!"


"Labyuu~ Labyuu~"


"Peste, tumahimik ka nga sabi eh."

My Fangirl: My MaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon