Chapter 46 Lovenat 2

576 45 16
                                    

Tonie's POV






"Sige mauna na kami pagaling ka." nakangiting paalam ni Gino kay Kai. Tinapik naman ni Earl ito sa balikat at nag thumbs up. Tss

"Sige tol salamat ingat kayo." sabi lang ni Kai. Di na siya sumama maghatid sa pinto nakaupo lang siya sa sofa at nakahawak sa ulo niya.

Hinatid ko na si Earl at Gino sa may pinto.

"Tonie pagalingin mo si Lover boy sobrang sama ng pakiramdam niyan kanina pa daing ng daing samin kawawa naman. Haist!" si Earl. Natatawa naman si Gino tss para silang mga baliw.

"Ako ng bahala. Ingat kayo!" kaway ko sa kanila pag ka labas nila ng pinto.

Pag ka sarado ko ng pinto wala na sa sala si Kai. Baka nasa kwarto na dumiretso na muna ako sa kusina at kumuha ng palanggana na may tubig nilagyan ko ng yelo at kumuha ng bimpo para pamunas.

Pagpasok ko sa kwarto nakita ko siyang nakahiga at nakakumot. Hai kawawa naman si Kaikai. Nilapag ko yung mga dala ko saka umupo sa gilid ng kama malapit sa kanya.

"Kai. Inumin mo muna tong gamot." sabi ko dito. Umupo naman siya saka ininom yung gamot na binigay ko.

"Bakit ka nandito? Baka mahawa ka sakin." sabi nito.

"Gusto mo na ba akong umalis? Kaya mo bang magisa? Sige aalis nako." sabi ko saka tumayo pero agad niya ko pinigilan.

"Ang taray mo naman haist." sabi nito. Hindi ko alam kung maiinis ako o matatawa sa itsura niya. Gulo gulo yung buhok niya at ang tamlay niyang tignan.

"Nakakainis ka kasi. Bat hindi mo sinabi sakin na masama pala ang pakiramdam mo. Sumunod ka pa sakin kanina. Tss." sermon ko dito. Hai

"Ayokong mag alala ka." matamlay niyang sagot.

"Lalo akong nagaalala Kai kung alam mo lang." Napabuntong hininga ako.

"Sorry." nasabi nalang niya. Tinignan ko nalang siya para siyang batang maysakit ngayon. Inalalayan ko na siyang humiga. Hinawakan ko yung noo niya pati yung leeg niya. Ang init para akong napapaso. Kinuha ko na yung bimpo saka sinimulan siyang punasan. Sa mukha niya ang pula pula ng mukha niya. Pati yung labi niya. Pinunasan ko siya sa leeg pati sa mga braso.



Pinagmasdan ko lang siya habang natutulog siya. Napatingin ako sa orasan mukhang gagabihin pa ko dito. Tinext ko na muna si Mama na baka hindi ako makauwe wala kasing magbabantay kay Kai. Dito nalang muna ako matutulog. Maaga nalang ako uuwe bukas may ojt pako haist. Kumuha ako ng unan nahiga sa sofa binuksan ko yung TV at nanood.




Naimulat ko yung mata ko nung may narinig akong umuungol. Nakatulog pala ako habang nanunuod. Pinatay ko na yung TV. Pumunta ako sa kama nung nakita kong umuungol si Kai.

Love & BloodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon