Kiann's P.O.V
Hindi ko alam kung anong pumasok sa utak ko para sabihin ang mga bagay na iyon sa harap ng maraming tao. As if I'm begging my life to Aeries. Tatalikod na sana siya pero instant kong pinigilan ang mga kamay nya. Ewan ko ba,pero pakiramdam ko hindi ko na dapt palagpasin ang pagkakataon na to. Humarap siya sakin.
" Let's just be friends Aeries..." Pigil ko sa kanya. Tama. Kaibigan muna,kahit yun lang ok na ko.
Tiningnan nya ko ng masama at akmang hihigitin ang kamay nayang hawak ko. Hindi pwede to.
" Please Aeries...." I pleaded. Akmang magsasalita na siya ng lumapit samin si Axel.
" Di ba sinabi na nyang aalis na siya? Bakit ayaw mo pa siyang paalisin?" May himig ng galit ang pagkakabigkas nito.
Nakakalalake to ah!? Ano siya? Knight in shining armor ni Aeries?
" Pwede ba wag kang makialam dito!I'm just asking her to make friends with me. Wala nman sigurong masama don." Singhal ko sa kanya na hawak pa rin ang kamay ni Aeries.
" Isn't it obvious that she don't want to be with you? Let's go Xandy" Hinila naman nya ang kaliwang kamay ni Aeries. Bale ang hawak ko ay kanang kamay ni Aeries kaya para kaming naglalaro ng tag of war at si Aeries ang tali.
Bigla namang iwinasiwas ni Aeries ang dalawa nyang kamay dahilan para mabitawan namin pareho ni Axel ang mga kamy niya.
" Will you let go of me!?" Singhal nya kay Axel.
" But Xandy I thought you don't want to be with him?" Parang nalilitong tanong ni Axel.
" And sa tingin mo sayo ko gustong sumama? That you're my Knight in shining armor ganon?"
" But...." Hindi pa natatapos magsalita si Axel ng ako naman ang blingan ni Aeries. Ano naman kaya sasabihin nya sakn?
" You want me to make friends with you right?" She asked.
Natural gusto ko! Ngumiti ako sa kanya at tumango na akala mo batang tinanong kung gusto ng candy.
Bigla nyang hinila ang kamay ko at tska nagsalita. " Then let's go"
Umalis kami sa basketball court at iniwan namin si Axel na nakatulala. Habang ang mga teammates ko, ayun! Ngingiti ngiti yun namang mga audience may kinikilig meron namang nagtataas ng kilay.
Syempre ako?tuwang tuwa habang naglalakad kami papunta sa parking area na magkahawak kamay. Parang may milyon milyong boltaheng tumatawid sa braso ko habang hawak ko ang kamay nya. Ninanamnam ko pa yung holding hands namin ng bumitaw sya sa kamay ko.
" So where do you plan to take me?" She asked. Pero para siyang nagtatapang tapangan lang dahil namumula ang mga pisngi nya. Lalo tuloy siyang gumaganda sa paningin ko.
San ko nga ba siya dadalhin? Dapat dun sa perfect na lugar. Anak naman ng tinapa eh,hindi ako nakapaghanda.
" San mo ba gusto?" Tanong ko na lang ulit sa kanya. Sana hindi siya magalit,wala talga kong idea kung san siya dadalhin.
" Sabi mo you want me to know you better so dalhin mo ko sa lugar na makikilala talaga kita." Mataray pa ring nyang sabi.
Kaya naisip ko ang isang lugar kung san dun lang namin nailalabas ng first five ang mga hidden identities namin. Pero hindi sa hide out yun.
Sumakay n kami sa kotse ko at tahimik akong nagdadrive. Napansin ko naman na panay ang buntong hininga nya. Parang naiinip sya. Kaya nagdecide akong buksan ang radio ng kotse ko.
YOU ARE READING
Loving You Unexpectedly
Teen FictionPlease just try to read! What will you do if the person you hated the most turns out to be your one true love unexpectedly? Will you have the courage to admit it or let your feelings hide? This is a story about Aeries Xandria Wong who has an ex bo...