The Swap

37 2 1
                                    


"Marie! Akin na yan!" Sigaw ko sa makulit na taong kaharap ko ngayon, dahil hindi niya parin binabalik yung laptop ko.

"Just one more second!" Sagot niya habang titig na titig sa screen.

"Sa susunod magdala ka sarili mong laptop ha" sabi ko

"Di ko naman kasi kelangan" sagot niya habang kinagatan ang chocolate niya.

"Pang-ilang chocolate mo na pala yan?" Tanong ko, ka aga-aga palang kumakain na ng chocolate tong babaeng to.

"Don't give me that look Nikki! Sesermonan mo nanaman ako eh, like I always tell you cocoa is a plant which makes chocolate a salad! The end" todo explain niya.

"Seriously?" Tanging sagot ko.

"Shhh" sabi niya habang busing busy sa laptop ko.

"Ano ba kasi yan?" Naiinip kong tanong.

"Done!!!" Masaya niyang sabi habang hinarap ang laptop para makita ko kung anu man yung pinapakita niya.

"Loka! Ano yan?!" Di ko makapaniwalang sabi.

Pano ba naman kasi litrato ng lalaki ang pinalit niya sa wallpaper ko!

"You should be thankful! Crush mo yan diba? Ede ginawa kong wallpaper for inspiration!" sagot niya habang malaking malaki ang ngisi.

Ang baliw kong kaibigan kung anu anu ang pumapasok sa utak, ngayon pinagtripan ang mukha ng lalaking nangangalang Ivan galing sa engineering department at ginawang wallpaper ko.

"Di naman ako ganon ka obsessed! Palitan mo yan!" Sabi ko habang tinatangkang ibato ang hawak kong libro.

"Oops!!!" maloko niyang sabi habang agad na sinarado ang laptop.

"Marieeee!" Sigaw ko, dahil ang loka nangiwan.

"Sunduin kita mamayang lunch" Padagdag niyang sabi habang nagpadala ng flying kiss.

Napairap nalang ako sa ginawa ng baliw kong bestfriend.
Bago ko pa man mabuksan yung laptop saktong tumunog ang bell. At dahil mabait akong bata kasi terror yung susunod na teacher , naisipan kong sa classroom nalang palitan.

Pagdating ko sa classroom agad akong umupo sa pinakamalipit na upuan at minadaling binuksan ang laptop.

Saktong sakto naman na dumating si sir nung nag unlock yung screen ko, kaya agad-agad kong hinanap yung lumang wallpaper ko sa mga files ko.

Asaaaan na yun? Halos kanina pa ko palipat-lipat ng folders para mahanap yung picture.

"Ayun" masaya kong bulong.

Set as...

Dahan dahang may sumarado ng laptop ko, nang tinignan ko ang taong sumarado nawala ang ngiti ko.

"Sir!" Sabi ko, mangangalakal nanaman siya ehhhhh! Kilalang kilala si sir sa pangcoconfiscate ng mga gadgets ng walang awa, kaya para siyang mangangalakal sa tingin ko.

"I told all of you to keep your gadgets diba?" Mataray niyang tanong

"Eh sir mag au-autocad tayo!" pagmamakaawa ko. (Autocad ay software na ginagamit sa pagpaplano ng bahay)

"Hindi tayo mag au-autocad iha, mamaya mo na makukuha to" sagot niya habang kinuha ang laptop ko.

Nanahimik nalang ako, wala naman na akong magagawa.

Sa mga sumunod na klase nagsiliparan ang utak ko, ni hindi man lang ata ako nakinig at saktong nagpa suprise quiz ang guro namin.

At dahil hindi ako handa kasi suprise nga diba, kinalkal ko pa utak ko para may masagot kaya isa ako sa pinakamatagal na naka tapos.

The SwapTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon