*Julia's POV*
"Hindi nga sabi eh! ----- Ano ba ang kulit mo! ------ Ewan ko sa'yo! ----- So break na?!?! ----- Bahala ka!"
you're on the phone with your girlfriend and she's upset..
"Grabe, lakas ng boses mo. Galit lang?" Sabi ko kay Daniel habang papalapit sya sakin.
"Si Kath kasi eh... " si Kath, si Kath, si Kath.. wala naman 'tong ibang bukang bibig kundi si Kath.
"Break na kayo?" Hindi ko napigilang itanong sa kanya.
"Ewan ko sa kanya!" Galit na galit nyang sagot habang umuupo sa bench kung saan nakaupo ako.
"Relax ka lang dre.. Hay nako. Para kumalma ka.. umm.. anong tawag sa maliit na pusit?" try kong mag-joke.
"Huh? ano?"
"E di... PST!"
Akala ko hindi nakakatawa yung joke ko na yun pero laughtrip si Daniel.
"Hindi ka naman natuwa?"
" kaw talaga Juls, lagi akong GV sa 'yo. nawawala yung pagkabad-trip ko eh. ahahahhaha" Sabi nya habang nakawak sa tyan nya na sumasakit na sa kakatawa.
she doesn't get your humour like I do..
Nang matapos na sya sa katatawa.. ipinatong nya ang ulo nya sa lap ko na parang ginawa itong unan at nahiga.
Ipinikit nyaa ang mga mata nya.
"Alam mo.. hindi malabong main-love ako sa'yo." Eh bakit hindi mo pa gawin?
"Ano bang pinagsasabi mo dyan?" Takang-taka kong tinanong sa kanya.
"I mean.. kilalang kilala mo na ako.. alam mo kung pano ako pasayahin. Alam mo yung mga paborito ko. Alam mo na lahat eh!" Kung ganun, bakit si Kath minahal mo?
I'm the one who makes you laugh when you know you're 'bout to cry.. I know your favorite songs and you tell me 'bout your dreams.
Ah alam ko na. Kasi mas maganda sya sakin. Kasi ako isang karaniwang babae lang, nerdy pa. Hindi mahilig mag-ayos. Si Kath, popular na, maganda pa, asa kanya na lahat.
But she wears short skirts, I wear T-shirts.. She's cheer captain and i'm on the bleachers..
...Huminga na lang ako ng malalim..
after 5 minutes na hindi nagsasalita si Daniel, minasdan ko sya. Nakatulog na.
Hinawakan ko yung buhok nya at hinimas ng dahan dahan na parang sinusuklayan.
makalipas ang ilang segundo..
"I love you Julia." Nananaginip lang 'to. Kung gising ka nga lang sana, maniniwala pa ako eh.. hayyss..
"Bakit ba kasi ang manhid manhid mo?" Sinabi ko sa kanya dahil alam ko naman na tulog na tulog sya eh.
Can't you see that I'm the one who understands you? Been here all along, so WHY CAN'T YOU SEE?
Medyo naluluha ako habang tinititigan ko sya. Kelan kaya nya mararamdaman? KELAN? Kelan nya maiintindihan na ako lang ang karapat-dapat sa kanya?.. AKO LANG.
All this time how could you not know baby.. You Belong With Me.
"Mahal na mahal kita." At yun ang huli kong nasabi sa kanya kahit na alam ko na hindi nya ako naririnig.
_____________________________________________________
magkatulad ng konti 'tong scenario na 'to dun sa Akin Na Lang :| hehe.. medyo parehas kasi yung meaning ng 2 song eh.
Pero sana nagustuhan mo pa rin
Sa iba naman, kahit kelan po pede po kayo magrequest pero sana hindi ako mapuno. haha nate-tense kasi ako eh kapag patong patong na so dahan dahan lang po.. :p
Thank you po sa pagbabasa! :)
BINABASA MO ANG
JulNiel Scenarios.
Fiksi PenggemarScenarios (short stories) of JulNiel. Request lang po kayo :)