Chapter 1
"HI LUCY!."
"Good Morning, Lucy."
"That's him? O my!"
Ganyan kabilis ang balita, nandito pa lang ako sa parking nasalubong na agad ako ng mga babaeng to.
"Wahhh, ang gwapo niya talaga!"
"Ngumiti siya sakin."
"Shut up. Assuming ka!"
Sinuot ko ulit ang shades ko. Lalo atang nadagdagan ang nandito ngayon. Marami na naman nagpa-transfer ngayong araw, tsk. Sinabi ko na kay Tito, ganito pa din. Tsk.
Kinuha ko agad ang bag ko at pabagsak na sinarado ang pinto.
"Ang Cool niya."
"Pre, bawasan mo kayabangan mo." sinenyasan ko siya ng suntok kaya natawa ang epal, himala't ang aga ko. Naunahan ko pa ang dalawang to. Sinabayan nila ako sa paglalakad. Pahabol pa din ang tingin samin ng mga babae, ganyan lang kayo. Hanggang tingin lang.
"Hahahaha, ang yabang. Bigwasan nga lang ni Dana, nababakla ka na." napangiti ako nung marinig ko ang pangalang yun. Ilang araw ko pa lang siya hindi nakita, sobra ko na agad siyang mamiss. Sana pala dinalhan ko siya ng pagkain luto ni Mommy, baka di na naman yun nag-breakfast.
"Mukha kang addict, Pre." Seryosong parang natatawang sabi ni Jet. Kung hindi kita gilagid niyan, seryoso yan pero kita ang gilagid kaya hindi. Nang-aasar na siya sa dating niyang yan. Tsk.
"Mukha ka ngang addict, Lucy kaya tigilan mo yan." Gatong ni Ace. Hinayaan ko na lang sila sa pinagsasabi nila, basta gwapo pa din ako eh ayos lang. Si Dana naman ang dahilan, automatic lagi ang ngiti ko lumalabas kapag naiisip ko siya.
"I LOVE YOU JET!"
"Ilipad mo na ako, JET!"
"Ace, MAHAL KITA!"
"Lucy!"
"ACE!"
"JET, ILIPAD MO NA AKO! HAHAHAHAHA"
Pigil ko ang tawa ko dahil sa mga naririnig ko. Ganyan nga asarin niyo pa, di ko lang alam kung anong gagawin niyan sa inyo. Pinaka-ayaw nitong si Jet na to yung kung saan saan at kung kani kanino naririnig ang pangalan niya.
"Bwahahahahaha" siniko ko agad si Ace. Seryoso na nga kaming dalawa ni Jet, tsaka pa babanat ng tawa. Siraulo.
"Stop it. Get lost." Two words each sentence, daig pa ng mga babae ang nakakita ng bombang malapit na sumabog sa bilis ng takbo paalis. Mga sira kasi.
"Hahahaha, stop it, get lost. Tol, haba habain naman. Para kang bulol na wala ng sinabi sa araw araw eh." -Ace. Sinuntok lang siya ni Jet sa balikat.
"Annoying brats." -Jet habang nakatingin saming dalawa ni Ace. Sinamaan ko siya ng tingin, brats mo mukha mo. Pati kami dinamay sa kalungkutan ng buhay niya.
"Bakla ka naman." Bulong ko pero dinig nilang dalawa.
"Tutulad mo pa sayo, Lucy?" -Ace. Binatukan ko nga.
Normal namang araw to, pero may kakaiba lang sa pakiramdam ko. Makikita ko na naman siya.
"Pucha Dre, bakit namumula ka? Bakla ka ngang talaga. Yuck--" tinulak ko agad sa balikat si Ace. Malas, bakit ba kay Ace pa ko napatingin. Inilayo ko ang tingin ko kaya kaagad ko ng nakita ang room nila-
"Ace, samahan mo muna yan. May pupuntahan lang ako." -Jet. Umiba na agad siya ng daan habang kumakaway. Saan na naman punta nun? Simula ng pasukan palagi ng may pinupuntahan ng hindi namin alam. Masyado kasing tahimik kahit kaming dalawa ni Ace ayaw sabihan.