PAIN
By: adminbelleberry (dreamhighfive)
Date Posted: November 17, 2013
© 2013 dreamhighfive All Rights Reserved
~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~
A/N: Dedicated to her. I'm addicted to her stories *O* check out her stories too!
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
[Note: This is narrated through the Third Person’s Point of View]
Mariin niyang ipinikit ang mga mata niya. Bigla nalang niya iminulat ang mga ito dahil hindi niya matandaan kung baakit niya ginawa iyon. Wala siyang matandaan, pati ang sarili niyang pangalan.
Ala-singko imedya na nang umaga, at doon niya natandaan ang mga pangyayari na nagdulot sa kanya ng matinding kalungkutan.
Ipinikit nanaman niya ang kanyang mga mata at ibinuhos ang kanyang hinanakit. Sumigaw siya ng sumigaw at pinagsusu-suntok ang pader. Wala nang nagmamahal sa kanya. Wala na.
“Christine, tama na” tumigil siya sa pagsisi-sigaw at tumingala.
Nagkamali siya. Meron pa palang nagmamahal sa kanya. Hinaplos ng binata ang kanyang mukha at napangiti siya. Gumaan ang kaniyang pakiramdam dahil alam niyang meron pang isang tao na nandiyan para sa kanya.
Ngunit nung tinignan niya ito para hagkan ay bigla siyang naglaho. Napagtanto niya na iniwan na rin pala siya.
Umagos ang mga luha mula sa kanyang mga mata. Humagulgol ng humagulgol. Wala na siyang magagawa dahil iniwan na rin siya. Iniwan nila siya rito.
Tumingin siya sa paligid habang wala parin tigil ang pag-agos ng kanyang mga luha. Nahagip ng kanyang mga mata ang patalim sa sulok ng kanyang silid. Kinuha niya ang nagniningning na kutsilyo at itinapat sa kanyang pulsong may mga bakas ng sugat.
Ang mga sugat na ito ay ang resulta ng kanyang matinding sakit na nararamdaman. Ang mga ito ay ang bakas ng kanyang pagsuko, na gusto niya nalang mawala.
Pero bakit hindi pa siya nahlalaho sa mundong ito? Hindi ba’t ito ang solusyon para mawala ang mga masasamang panaginip na laging sumasakop sa kanyang isipan? Hindi ba’t wala na siyang silbi dito sa mundo?
Nanginginig ang kanyang kamay na may hawak na patalim. Ganito ang laging nararamdaman at nararanasan niya.
Ito ang eksena na paulit-ulit niyang nagagawa tuwing ala-singko imedya ng umaga.
Inilas-las niya ang kanyang pulso, pero wala siyang naramdaman. Bumigat at bumilis ang kanyang paghinga at paulit-ulit siyang naglas-las .
Wala pa rin siyang nararamdamang sakit at wala siyang nakikitang umaagos na dugo mula sa kaniyang pulso. Walang silbing patalim.
Tinignan niya ang kanyang mga kamay ngunit wala na ang hawak niyang kutsilyo sa kaliwang kamay. Bakit kaya ito naglaho?
May kumatok sa pintuan kaniyang kwarto. Pumasok ang isang babae na may puting kasuotan at nakatali ang kanyang buhok.
“Kamusta Christine? Oras na para sa gamot mo” malumanay na sabi ng babae.
Natigilan si Christine at napa-atras. Ayaw niya sa mga nars, at lalong ayaw niya sa mga doktor
Ang tanging guso niya ay ang binatang minsa’y nagmahal sa kanya.
Ang binata na inakala niya ay magmamahal sa kanya kahit ano ang mangyari at hindi siya iiwan.
Ngunit bakit wala siya sa piling niya?
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
A/N: I was just inspired by the story 1 A.M. of ninthalice. Check out her story if you want to. :)
At dahil may pagka-baliw naman ako, nasulat ko ito :3
Hoped you liked it!
-admin Belle <3
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Copyright © 2013 dreamhighfive.
All Rights Reserved.
No part of this story may be copied, republished, redistributed or sold in digital or printed format without the consent of the author.
BINABASA MO ANG
Pain (One Shot)
Short StoryI have nothing left. I don't even remember those happy and comforting feelings that I have felt a long long time ago. Ang tanging naalala ko ay ang matinding sakit na nararamdaman ko. It hurts a lot and it drives me crazy.