Chapter XIV

2K 50 5
                                    

Chapter XIV




- Freya Alexis Gonzales-Ashfortz -

Point Of View



"Masaya ako sa naging desisyon niyo Alexis. Hindi ko kayo pipiliting gamitin ang apelyido ko bilang paggalang na rin sa yumao niyong ama." Sabi ni tito Will.


Nadalaw siya ngayon dito sa bahay para sana kulitin kami pero hindi na kailangan dahil nakulit na ako ng kunsensya ko at ni Kia kagabi palang. Ilang araw na rin ang nakakalipas. Tatlong araw, siguro naman tama na 'yun para makapag-isip ako ng disesyon at ito na nga ang desisyon ko.


"Maraming salamat po tit--ahmm.. ano ba dapat? Ahmm.." hindi ko naman alam ang dapat kong itawag sa kaniya. Ang awkward masyado kung papa? Dad? Itay? Paps?


"Okay lang, hindi ko ipipilit na tawagin niyo akong ama. Bahala kayo kung anong gusto niyong itawag sa 'kin."


"Tito Will ako pwede ba kitang tawaging puppy?" Napatingin kami kay Kia. Ano na namang kalokohan nito?


"Kia, tumigil ka nga! Ginawa mo pang tuta si tito." Pabulong na saway ko sa kapatid kong 'to.


"Eh kasi ate puppy 'yung tawag kay Willie Revillame eh." Katwiran nya. Bakit ba? William ang pangalan ni tito hindi Willie. Napafacepalm nalang ako sa kalokohan ng kapatid ko habang si tito naman ay natawa.


"Okay lang hija, kung diyan ka komportable. Basta ba h'wag mo ako ituring na tuta." Natatawang tinap ni tito Will ang ulo ni Kia. "Masaya ako na magkaroon ng magagandang anak na kagaya niyo." Nakangiting sabi pa nito.


"Halina kayo, uuwi na ta--"


"Pero tito hindi pa kami nakakapag-impake." Sabi ko naman agad. Hindi pa nga kami nakakapag-impake eh, excited lang?


"Tito, pwede bang bigyan niyo muna kami ng ilang araw. May dapat lang po akong ayusin." Pagpapaalam ko. Naalala ko si Zenwel, tiyak na magagalit 'yun sa 'kin kapag nagkataon eh. Doctor pa naman 'yun na dapat kunsultahin.


"Pero kung gusto ni Kia, maaare niyo na po siyang isama. Susunod na lamang po ako." Dagdag ko pa.


"YEY!!" Napatalon pa sa tuwa si Kia.


"Kung 'yan ang gusto mo Alexis. Mag-iingat ka. Sana maayos mo agad 'yang aasikasuhin mo dahil magsasagawa ako ng party para ipahayag sa bansa na kayo ni Nathalia ay mga anak ko na." Nagnod ako sa kay tito Will ng nakangiti.


Natutuwa ako at hindi niya pinakikialaman ang mga gagawin ko. Nasa rule ko 'yun eh.


Married To My SLAVE [✔]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon