Flirt Boy

424 9 1
                                    

Diana's POV

I took a deep breath before saying anything. "I like you" I said with hesitation. Naghintay ako ng sasabihin niya.

"Sure ka?" sabi ng kaharap ko.

Hindi ko rin alam. Medyo kinunot ko ang noo ko at dahan dahan tumango ng isang beses. Biglang may tumawag sakanya "Luke! Tara na! Magsisimula na!" tawag ng kaibigan niya.

"Ah. Magsisimula na ang laban namin. Sige. Bye" sabi niya at tumakbo na sa field. May soccer nga pala siya ngayon.

Nang umalis siya. Lumuwag ang paghinga ko. Bakit ko yun ginawa? Anong pumasok sa utak ko?

"Ano yun? Ganun lang? Gago yun ah" salita ng taong nasa likod ko. Boses palang ay alam ko na kung sino. Si Jean. Bestfriend ko mula nun maliit pa kami. Kailan pa siya nandito?

"Tara manood nalang tayo ng laro" sabi ko sakanya. I heard him clicked his tongue.

"Jean" tawag ko sakanya at pumunta na kami kung saan ang laban.

Nagutom kami at pumunta muna kami sa 7/11 na malapit habang ongoing ang match. Natagalan kami sa 7/11. Pag labas namin ay tapos na ang laban at paalis na sila.

Agad kaming pumunta kung saan nakalagay ang mga bag namin at nadatnan namin si Luke. Biglang nauna si Jean sa paglalakad at sinuntok si Luke. Natumba si Luke. Syempre, biglaan ang suntok ni Jean eh.

"Anong problema mo?!" sabi ni Luke habang naka hawak sa pisngi niya. They're making a scene. Buti wala nang masyadong tao.

"Gago,wala ka man lang sinabi sa bestfriend ko kanina!" sabi ni Jean habang tumatayo si Luke.

Jean... Hindi naman iyon totoo. Lumapit ako sakanila para pigilan si Jean. Bago ko pa man pigilan ay may suntok ulit si Luke galing kay Jean.

"Alam mo ba kung gaano kahirap umamin?!" sabi niya matapos niyang suntukin ulit ang soccer player. Hinila hila ko na si Jean papalayo sakanila.

"Jean. Tama na" pag awat ko sa kanya.

"Hindi Diana! Hindi man lang siya sumagot eh!" sabi niya at nakawala siya sa hawak ko. Palapit na ulit si Jean kay Luke.

"Jean!" sabi ko at hinihila ko na ulit siya. Mukhang hindi siya pumipigil. Naka kainis na.

"Jean! Hindi naman iyon totoo!" sigaw ko sakanya. Nakatingin naman siya sakin.

"Ha? Edi sino?" sabi niya. Ugh. Hindi ba halata?

"Jean! Hindi si Luke ang gusto ko. Ikaw! Gusto kita Jean! Dati pa!" sigaw ko sakanya.

Nagkamot siya ng ulo at nag walkout. Bakit ganun? Bakit parang naluluha ako?

Lumapit ako kay Luke. "Luke. Sorry..." sabi ko sakanya. Alam kong malakas manuntok si Jean.

"Okay lang. Alam ko naman na hindi totoo ang pagconfess mo kanina. Halata sa mukha mo" Sabi niya at kinuha ang bag niya.

"Sorry sa mga suntok ni Jean kanina."

"Okay nga lang. Mabait kasi akong tao. Maghanap ka nalang ng paraan kung pano kayo hindi maging awkward ni Jean." sabi niya. Kumaway siya at umalis na.

Sa tingin ko naman hindi siya magiging awkward. May ibibigay lang ako sakanya.

Pumunta na ako sa bahay since malapit lang at nag luto. Nilagay ko sa isang plastic container ang niluto ko at tinext siya.

To: Jean

"Hoy. Pumunta ka sa field. Iniwan mo ako. Pag di ka pumunta, Lagot ka sakin!"

-Sent-

Flirt Boy (Oneshot) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon