Author's PoV
Binalot ng haring araw ang buong palasyo,. samantalang paparating ang isang karwahe na pagmamay-ari ng Emperio sa luma at malahiganteng tarangkahan ng palasyo..."Dumating na ang Prinsesa ng Emperio!!" sigaw ng kawal na tanod, sabay hudyat na buksan ang nakapinid na tarangkahan.
Agad inilatag ang pulang karpet nalalakaran, inalalayan palabas ng karwahe ang prinsesa at inihatid sa bulwagan na sinalubong naman ng mapayapang ngiti ng Main Pillar.
Samantala ang karwahe ay dinala sa rancho upang mapakain at mapagpahinga ang mga kabayo, na sinamantala naman ni Jess upang makapuslit patungo sa loob ng Palasyo.
Ilang sandali pa ay isa-isa naring nagdatingan ang mga haligi ng ibat-ibang stado ng Umbrella Pillars Association para sa gaganaping pagpupulong.
Gising narin si Earith na noon ay nakabihis ng kasuotan na tulad sa isang prinsesa, nakatayo sya sa harap ng bintana habang dinadama ang malamig at sariwang hangin at ang init na dampi ng araw sa umaga..
Mababanaag pagkabagabag sa maaliwalas nyang mukha ang kamay nya ay nasa dibdib habang nakapikit ang kanyang mga mata.
Sa postora nyang yun ay maaaring pinakikinggan nya ang lahat ng tibok ng mga puso sa buong palasyo.
...........
Samantala......sa kagubatan ng lumang kaharian ng fuertivil makikita ang dalawang magkaibigang Hunter na naglalakad kalong ang kanilang sugatang alaga. pareho silang bigo sa kanilang mga misyon subalit nababanaag parin ang ligaya sa kanilang mga ngiti. ano kaya ang kanilang haharapin sa kanilang pagbabalik sa Hunters Guild.
......
Dong! Dong! pinatunog ng dalawang beses ang kampana hudyat ng paguumpisa ng pagpupulong.
Napakahalaga ng pagpupulong na ito dahil dito nakasalalay ang kinabukasan ng Kaharian ng Fuertivil at ang hinaharap ng kontinente ng Terea. Sa pagpupulong na ito Ililipat sa kamay ni prinsesa Leony ang pamumuno sa Umbrella Pillars Association kasabay ng pagtatayong muli ng Fuertivil Kingdom. Isa itong sugal na ginawa ng Main Pillar para maiwasan ang pagbagsak ng Umbrella Pillars Association kapag wala na sya, dahil alam nyang ang kanyang kataposan ay hindi na maiiwasan.
Earith's PoV
"Andito na sya!!" napamulat ang aking mga mata mula sa pagkakapikit
wala paring pagbabago ang musikang iyong, mga musikang hindi ako magsasawang pakinggan
Subalit hindi ako nakasisigurong magagawa ko pa itong pakinggan pagkatapos ng araw na ito
"Mahal na prinsesa Earith ipinatatawag ka po ng iyong Ama sa Pagpupulong" -tawag ng isang utusan pagkatapos magbigay pugay
"Paki-sabi nalang sa aking ama na hindi ako makakadating sa pagpupulong, mas mapapabuti pa sa akin ang lumanghap ng sariwang hangin sa itaas ng palasyo" tugon ni Earith
napaisip ang utusan sa kanyang sinabi subalit hindi narin nagusisa pa at dinala na lang ang mensahe sa kanyang Ama.
pagalis ng utusan ay lumabas narin si Earith sa kanyang silid at tinahak ang hagdan patungo sa itaas ng palasyo.
Parang nauulit ang mga sandali noong una kung mapakinggan ang musika ng kanyang puso
Bawat hakbang ko ay puno ng pananabik
BINABASA MO ANG
The Assassin's Oath
Historical Fiction>Ito ay ang kwento ng Isang Mala-alamat na Mamamaslang.,at ng Kaharian na Magliligtas sa Buong Kontinente. >Sino ang makaririnig ng Nakabibighaning Musika sa Puso ng isang Mamamaslang. >Samahan ang makikisig na Tagapagbantay at Mabighani sa...