IKADALAWAMPUNG KAPITULO
"So confirmed? May pumapatay talaga?" saad ni Julius nang matapos si Christian Oliver sa pagke-kwento ng nabasa niya via walkie-talkie kanina.
"Malamang! Pinatay nga sina Manang Pasing at kuyang driver eh!" sabi ni Chyarrel.
"Tsk. Sino kaya ang walang puso na 'yon? Naaatim niyang pumatay? Hays!" bulalas ni Chanel.
"At.. Hindi ako makapaniwala na mukhang isa yata sa'tin ang killer na 'yon." saad ni Leunize.
"Well, hindi naman natin ganoon kakilala ang isa't isa personally. Kaya siguro hindi natin alam kung sino ang may capability na pumatay." komento ni Angelika.
"Tsaka may sari-sarili kasi tayong grupo kaya gano'n. Kahit na iisa ang section natin, hindi maiiwasan na magkaroon tayo ng sari-sariling barkada at hindi maging masyadong close sa iba." dagdag pa ni Joshua James.
"Tama, tama." pagsang-ayon ni George.
"Hay, tama na nga 'yan, hanapin nalang natin si Smile." sabi ni Chyarrel.
Sumang-ayon naman sila sa kanya kaya sinimulan na nila ang paghahanap sa third floor.
***
"Ang jejemon naman ng killer na 'to." reklamo ni Quincy nang basahing muli ang clue na nakita ni Christian Oliver na isinulat naman sa isa pang papel ni Christian John.
"Na-solve na ba 'to nina Christian Oliver?" tanong ni Lyka sa mga kasamahan.
"Hindi pa." sagot ni Angelo.
"Mas mabuti pa, makipagkita muna tayo sa ibang grupo. Tutal tapos naman na natin ang paghahanap kay Smile dito sa assigned place natin." suhestiyon ni Christian John.
"Sige! Medyo nakakakaba din kasi ang mahiwalay sa iba." pagsang-ayon ni Fran.
"Tara na!" aya ni Diomel.
"Atat masyado?" pang-aasar ni James Paul.
Inirapan naman siya ni Diomel. "Tse!"
"Puntahan muna natin ang grupo nina Joanna."
***
Seryosong nakatingin ang grupo ni Christian Oliver sa code na nakasulat sa papel.
"Ang sakit sa mata." reklamo ni Mark Joshua.
"Jejemon ako pero hindi naman ganyan ka-jeje!" dagdag pa ni Kevin.
"Baka bawat symbol o number dito ay may equivalent na letter?" hula ni Jeremiah.
"'Yan nga din ang nasa isip ko e. Kaso paano natin malalaman kung anong letters 'yon?" saad ni Christian Oliver. "Teka. 'Tong code na 'to ay parang text. Kaya nga nasasabi natin na ang jeje, 'di ba?" Tinignan niya sila.
Tumango naman ang mga kasama niya.
Binalik ni Christian Oliver ang tingin niya sa papel. "So kung parang text ang code na 'to, malamang ang ginamit na pangtype ay isang cellphone."
"So ang kailangan nalang nating gawin maliban sa pagdedecode ay ang alamin kung anong klaseng keypad ng phone ang ginamit ng killer!" wika ni Jeremiah.
"Tama!" pagsang-ayon ni Christian Oliver.
"Wow! Ang galing!" manghang saad ni Mark Joshua.
"Nice." komento ni Lyndon.
"Okay, sinong may cellphone dyan na makaluma?" tanong ni Christian Oliver.
"Ito oh." sabi ni Raymar at inabot kay Christian Oliver ang cellphone niya na Nokia.
Naka-ilang type, erase, at decode si Christian Oliver pero wala siyang nakuhang sagot o clue man lang.
Binalik nito ang cellphone ng kaklase. "Cellphone na Android naman." sabi nito at inilabas ang sarili niyang cellphone.
Nang subukan niyang i-decode ang code ay nakakuha siya ng sagot.
"Nakuha ko na!" masayang sigaw niya.
"Oh ano daw?" tanong nila.
Binasa ni Christian Oliver ang na-decode na code.
"Masarap siguro ang pagkain kung lamang-loob ng tao ang karne. Lugar kung saan madalas makikita si nanay."
Nagkatinginan ang mga binata. Isang lugar lang ang naiisip nila dahil sa dalawang clue na nakasaad sa code.
"SA KUSINA!"
***
"Anong oras na?" tanong ni Xian kay JM.
"3 PM na. Bakit?"
Napahawak sa ulo si Xian. "30 minutes na ang nakakalipas mula nang sabihin sa'tin ni Christian Oliver ang nakita niya. Nag-aalala na ako para sa kalagayan ni Smile."
Hinawakan ni JM nang mahigpit ang nanlalamig na kamay ni Xian. "Magiging okay lang siya. Ikaw na rin ang nagsabi, 'di ba? Magtiwala lang tayo kay God." pagpapakalma nito sa kasintahan.
Tumingin sa kanya ang dalaga at ngumiti nang tipid tsaka tumango. "Tama ka. Sige, tara na-"
"Xi! JM! May kakaiba sa loob ng attic!" sigaw ni Camille habang pababa ng hagdan ng attic.
"Ano 'yon?" tanong ni Xian.
"Hindi ko alam! Bumaba ako kasi natakot ako.." pag-amin nito.
"Gano'n ba. Tara, akyatin natin. Nandyan naman sina Majel, 'di ba?" sabi ni Xian.
"Mm-hm. Tara.." tumango si Camille.
"Oy, teka. Dito nalang kaya kayo? Mukhang delikado do'n eh." pagpigil ni JM sa kanilang dalawa.
"Kasama ka naman namin eh! Tsaka ayoko namang hayaan na sina Majel lang ang nando'n." wika ni Xian.
Napabuntong hininga nalang si JM. Wala siya sa mood makipagtalo kaya um-oo nalang siya at hinayaan ang gusto ng kasintahan.
Pagka-akyat nila ay nakita nila ang iba pa nilang mga kasama na nakakumpol sa isang parte ng attic.
"Uy, anong meron dyan at nakakumpol kayo?" tanong ni JM nang makalapit sila.
Tinuro ni Renz ang mga mini computer monitors na pinapakita ang ginagawa ng mga kaklase nila.
"P're, mukhang may nanonood sa bawat galaw natin." sabi nito sa kaibigan.
Pinanood lang nila ang mga ginagawa ng mga kaklase nila hanggang sa mapadako ang tingin ni JM sa isang parte sa monitor na halos puro itim lang ang makikita sa video.
Tinuro niya ito. "Ano 'to?" tanong niya.
"Wala lang 'yan. Baka nasira na camera." sabi ni Hope.
Lalong kumunot ang noo ni JM. Tinignan niya itong mabuti.
Sa video.. Madilim. Pero nakikita niya..
Nakikita niya na may isang taong nakatayo doon.. sa dilim.. Nakatingin. Nakatingin sa camera. Hindi. Hindi sa camera. Nakatingin sa kanya.
At hindi lang ito nakatingin, nakangiti pa.
+++
Creepy. HAHAHA! Anyway, here's your most awaited update! Thanks for your patience!
Anw, survey lang, kung kayo ang author (meaning kung kayo ako), papatay ba kayo? Kung oo, sino at bakit? :) Answer it para makapag-UD ako kaagad! Thank you! God bless!
BINABASA MO ANG
MANSION 49 (2016)
Mystery / ThrillerUNDER MAJOR REVISION Normal na mga estudyante lamang sila mula sa section ng Perlas na nagbalak na magsama-sama upang magsaya. Ngunit sa kalaunan ng kanilang pananatili sa isang mansyon sa kakahuyan ay unti-unti ang pagsaksi nila sa mga 'di pangkara...