Hi! I'm Sophia Reyes. 16. Grade 10 na at may ex ako...
Hindi ex boyfriend
Kundi
Ex Bestfriend.
Si Ysabelle Cruz.. Opo girl siya... Magkaibigan na kami since birth.. Hindi kami blood related pero parang magkakambal na rin kami sa dami naming similarities. Sa dami nga naming pagkakapareho, parehas din kami ng laman ng puso.
Opo parehas po kami ng Crush.. Actually hindi ko alam na Crush din niya yung Crush ko.... May pagka Man hater kasi yun at ayaw na ayaw niya ang topic about Crushes.. Kaya hindi na rin ako nagtanong about sa crush niya..
Okay lang naman sa akin kung parehas kami ng Crush.. Sabay kikiligin, Sabay magsta-stalk at Sabay kabahan pag nanjan na si Crush...
Pero...
Ang hindi ko matanggap tanggap...
Sila na ni CRUSH...
At ang masaklap
Nilihim lang sa akin lahat ni Bestfriend.. Okay lang naman sa akin kung manligaw sa kanya yung Crush ko este namin pero sana naman nagsabi siya, hindi yung gagawin niya akong TANGA.
Kung hindi dahil sa mga chismosa kung classmates eh hanggang ngayon Wala pa akong alam.. Para akong batang Walang ka muwang muwang..
So ayun dalawang mahahalaga ang nawala sa akin..
Si Crush
At si
Bestfriend.
[ a/n : Annyeonghaseyo (bow) So anong masasabi niyo sa Prolouge? Pangit po ba? May kulang? Comment naman po kayo oh.. And gusto ko din pong makabasa ng mga suggestions... And bago matapos tong A/N gusto kong magpasalamat sa inyo (kung meron man) Thank you po sa pagtsatsaga. Muaaaahhhhh.. Annyeong ]
BINABASA MO ANG
Twinning
Teen FictionHi! I'm Sophia Reyes. 16. Grade 10 na at may ex ako... Hindi ex boyfriend Kundi Ex Bestfriend. Si Ysabelle Cruz.. Opo girl siya... Magkaibigan na kami since birth.. Hindi kami blood related pero parang magkakambal na rin kami sa dami naming similar...