3 - Let's break some rules

1.7K 58 0
                                    

CHAPTER 3 – Let’s Break Some Rules

Chase’s POV:

Bloodwood University, 12 p.m.

Lunch break na at wala kaming magawang magkakaibigan kaya nagpunta na lang kaming lima sa likurang parte ng Bloodwood Academy. Wala namang masyadong pumupunta sa parteng to ng school kaya naisipan na lang naming gawing tambayan. Pagkadating na pagkadating namin doon, nilabas kaagad ni Zico ang baon baon niyang kaha ng sigarilyo at nagkanya-kanya kami ng sindi.

"You know what, ang weird netong school na to!" Naagaw ang atensyon namin nang biglang magsalita si Amber habang nagddrawing na naman sa notebook niya.

"I agree, girl! They're creeping the hell out of me. Kinikilabutan ako sa kanila." Pagsang-ayon naman ni Cassadee na napahinto sa paglalagay ng lipstick niya. Napapansin din pala nila na parang kakaiba tong school na pinasukan namin. 

"At alam niyo din bang bawal ang magdala ng sigarilyo sa loob ng Bloodwood Academy?" Napatigil kami sa kanya-kanya naming ginagawa nang may nagsalita. Lumingon kami kung saan nanggaling ang boses na yun at nakita namin si Dacey, isa sa mga student council ng Bloodwood Academy na bigla bigla na lang sumulpot kung saan na parang kabute. Tinignan lang siya ni Cassadee at tinaasan ng kilay. 

"Akin na!" Inilahad niya ang kamay niya sa harapan namin at hinihintay na iabot sa kanya ni Zico ang sigarilyong dala-dala niya. Tinignan lang ni Zico at kamay niya na nakalahad. Dahan-dahan niya itong ibinaba, paniguradong alam niya na walang balak si Zico sundin ang sinabi niya.

"At ano namang pakialam namin sa inyo. Tigil-tigilan mo nga kami. Lumayas ka sa harapan ko bago ko mabangasan pagmumukha mo, pretty boy!" Inis na sabi ni Zico habang nakatingin ng masama kay Dacey na nakatayo lang sa harapan namin at may hawak hawak ng mga libro. Nginitian niya lang kami isa-isa at saka naglakad na papalayo.

Napatingin na lang kami sa direksyong nilakaran ni Dacey at bigla na lang akong nakaramdam ng kung anong kaba. Anong meron sa ngiti niyang yun at bigla na lang akong nakaramdam ng kaba? Umiling-iling lang ako para mawala ang mga naiisip ko. T*ngina! Pati ata ako nahahawa na sa pagiging weird ng mga tao dito.

"Oy, Tonyo! Ayos ka lang? Lutang ka dyan, nakasinghot ka noh?" Bumalik ako sa katinuan nang bigla kong maramdaman ang pagtapik sa akin ni Zelo. Ngumiti lang ako ng alanganin sa kanya at saka umiling. 

Nagtaka naman sila sa inakto ko dahil hindi man lang ako nag-react sa biro ni Zelo. Karaniwan kasi, suntok kaagad ang natatanggap ni Zelo oras na tawagin niya ako sa ganung pangalan.

"Don't mind that fag, okay? He's a creeper. Tara na, guys! Let's go somewhere." Sabi naman ni Cassadee at ipinulupot na ang kamay niya sa braso ko. Tss! 

Naglakad lakad lang kaming lima sa buong campus habang naninigarilyo pa rin sina Zelo at Zico. Nakikita naming pinagtitinginan at pinagbubulungan kami ng ilang estudyanteng nadadaanan namin kaya iniirapan lang sila ng dalawang babaeng kasama namin. Samantalang kusang umiiwas sa amin ang ilan na akala mo oras na mapalapit sila sa amin, gagawan kaagad namin ng masama. 

Kung saan-saan pa kami naglakad-lakad hanggang sa napahinto kami sa tapat ng isang gusali. Pumasok kami doon at napag-alaman namin library pala yung napuntahan namin.

"T*ngina! Library ba talaga to o ano?" Manghang sabi ni Zico habang inililibot ang mga mata niya sa buong lugar. Grabe! Parang kasing laki netong library ng Bloodwood Academy ang main building sa Dunwood University. 

"Excuse me." Biglang nagsalita ang isang matandang  librarian sa tabi nila. "Bawal ang sigarilyo dito sa loob." Tinignan lang siya nila Zelo at Zico at saka ngumiti ng nakakaloko. Nagulat na lang yung matandang babae ng biglang itinapon nung dalawa yung sigarilyo nila sa table niya mismo.

Tawa lang ng tawa sina Zelo at Zico habang papasok kami ng library. Ang laki talaga netong library nila. Tumakbo kaagad sina Amber sa mga bookshelves at kumuha ng mga libro. Nagtawanan lang kaming tatlo nina Zelo dahil sa inakto nung dalawa. 

Akala mo talaga mga sabik sa libro eh.

Binuklat nila ang mga pahina ng librong kinuha nila at nagkunwaring nagbabasa. Maya-maya lang ay pinagpupunit na nila yun isa-isa kaya lalong lumakas ang tawanan namin. Si Zelo naman, tumayo sa ibabaw ng mga hilera ng mesa. May dala-dala siyang maliit na speaker at nagpatugtog ng malakas at saka nagsimulang sumayaw kaya nakisali na kaming dalawa ni Zico.

"What the hell are you doing Ms. Montenegro?!" Sigaw ni Stacey kina Cassadee at Amber nang makita niya itong pinipilas isa-isa ang mga pahina ng libro. 

"Anong sa tingin mo ang ginagawa namin?" Malokong tanong ni Amber kay Stacey at saka pinagpatuloy ang pagpupunit ng mga pahina ng bawat librong mahahawakan nila. Napatigil naman kami sa pagsasayaw nang biglang pinatay ni Aldrin yung tugtog at tinignan kami ng masama.

"Hindi nyo ba alam na bawal ang mag-ingay sa library?"

"Wala kaming pakialam sa inyo!" Nakangising sabi ni Zico kay Aldrin at saka tinabig ito patabi sa dadaanan namin. "Tara na nga! Ang daming umeepal dito eh!" Sabi niya at saka kami lumabas ng library.

Aldave’s POV:

Huh! Sobrang boring naman dito. Wala akong makausap! Lahat ng classmates namin busy sa kanya-kanyang nilang gawain kahit na wala kaming professor ngayon. Busy din sa pagtetext si Knight habang naglalandian naman sina KD at Ryanne.

Sigurado nagtataka kayo kung bakit kami napadpad sa school na to. Ipinadala kami dito ng dati naming school dahil hindi daw sila tumatanggap ng mga bobong estudyante sa paaralan nila. Nakakabwisit lang yung dahilan nila.

Tumayo ako malapit sa bintana at dumungaw. Nakita ko sina Zelo at yung mga kaibigan niya na nagtatawanan. Mukhang nagugustuhan na nila dito sa Bloodwood, ha?

"Aldave!" Tawag sa akin ni Knight at lumapit sa akin. Tinignan niya kung saan ako nakatingin. "Wow! Ayun naman pala sila Cassadee eh. Kanina ko pa siya hinahanap." 

"Love at first sight, pre? Kanina mo pa bukambibig si Cassadee eh." Tanong ko sa kanya pero nagkibit balikat lang siya kaya napairap na lang ako. Ang cool lang talaga nilang magkakaibigan. Sana katulad din nila ako na may lakas ng loob para gawin ang mga gusto ko.

"Dude, parating na daw yung prof natin. Tara na sa pwesto natin." Sabi ni Knight at inakbayan ako pabalik sa upuan namin.

--------------------------------------------------------------------------------

Bloodwood Academy  ©2013 All Rights Reserved

Bloodwood Academy: Behave Or DieWhere stories live. Discover now