5. Feel the MAGIC

74 8 0
                                    

Ayyiiee. JunHao sa mm.














</ Jas Lim POV \>

" Sinong kausap mo? " Tanong ni Jun?

" Si The8- este si Jas- este wa-wala, ahehe~ "

" Tss. Ikaw Hao ah! May nililihim ka na ba sa akin ngayon!? " tinitigan ko lang itong gwapong lalaking nasa harapan ko ngayon.

" Wala akong nililihim " ngumiti sya. Naku! Patawarin nawa ako ni The8. Ang gwapo talaga nitong nilalang na ito!!!!

____________________________________

" Ok. Yun lang ang sasabihin ko. Bumalik na muna kayo sa dorm nyo at magpahinga. Bawiin nyo ang lakas nyo ah! Tatawagan ko na lang si Coups kapag may sasabihin ulit ako sa inyo, malinaw ba iyon SEVENTEEN!!?? " nasa isang company building ata kami ngayon tapos kinakausap ng lalaki sa harap. Baka manager sya ng Seventeen.

" OPO!! " sigaw ng lahat maliban sa akin

" Oh? Hao!? May problema ba? " lahat ng tingin napunta bigla sa akin

" Po?! " wala akong alam sa mga nangyayari!!

" May masakit ba sayo? Natagalan kayo kanina sa Airport diba?! "

" Baka po Jetlag lang po " biglang sabat ni Jun. Ang bait nya naman

" Sige. Magpahinga kayo ah. Woozi, paki bantayan ang pinto ng dorm nyo. Siguraduhin mong walang lalabas "

" Nae " sagot nung pang grade 3 ang height pero cute

[ Sa sasakyan ]

Habang nasa daan, hinalungkat ko ang phone ni The8, goodluck sa akin kung may makitaan akong kung anong di kaaya aya.

Mabuti wala, puro mukha nya at mukha nilang lahat. Nandito pa nga yung pic na nanduon ako. Wag kayo maingay ah, dinelete ko na.

Kung ano ano pang ginawa ko sa phone nya. Balita ko malakas ang net dito sa South Korea kaya sinubukan kong manuod ng mga Music Videos nila.

Wala pala syang masyadong line kaya mahirap syang mahanap sa mga videos. Tapos paiba iba pa ng buhok, diba masakit sa anit ang papalit palit ng kulay ng buhok.

" Anong pinapanuod mo? " si Jun, akala ko tulog

" Wala " matipid kong sagot

" Tss. Kahit obvious na ayaw mo pa ding sabihin "

" Sorry na "

" Ang wierd mo na Hao ah! " tas humarap sya sa kabila at di na ako kinausap

Nakarating na ata kami ngayon sa bahay- dorm pala nila- namin kase!!!

Pagpasok ko, wow, lalaki nga naman

" Oh! Hao hyung! Ikaw na bahala ah! " ngumisi ng nakakaloko yung may matabang pisngi

Anong ako na ang bahala? Sa pag aayos ng kalat dito?

" Hoy Boo!! Ikaw pa talaga nagutos sa Hyung mo!! "

" Hayyy nako! Ako na nga lang ang magkukusa. May sakit ata si Hao hyung kaya dapat magpahinga na lang muna sya " sabi nung batang may singkit ang mata

" Tutulungan kita Dino! " sabi naman ng lalaking may mahabang baba

" Dokyeom anong nakain mo ngayon? Joke lang. Sige tutulong na rin ako " gentle na sabi naman ng lalaking may maamong mukha

" Sige Hao. Magpahinga ka na sa kwarto " sabi ni Jun at tinap ang likod ko

Nginitian ko lang sya at pumasok sa kung saan man tong kwarto

Humiga ako at pinakiramdaman ang sarili. Wala namang masama sa akin ah. Wala akong sakit. Baket ba nila ako pinagkakamalang may sakit ha? Purket tahimik ako? Baket? Maingay ba si The8?!!

Bahala sila, basta ako, pinagpatuloy ang panonood ng mga videos nila. Mabuti naman at may Wifi sila rito. Ahak.

May variety shows rin sila. Pinagtyagaan kong panuurin lahat para makilala ko silang lahat pati ang ugali nila lalong lalo na itong si The8.

Nabaliw ako ng i-search ko ang biography ni The8. Xu MingHao pala talaga ang pangalan nya, I mean chinese name kase chinese sya, sila ni Jun. Tapos The8 pala ang stage name nya! Tapos may korean name rin sya! Seo Myung Heo! Nababaliw na talaga ako!!

Pero wala pa rin akong magawa kundi alamin ang lahat ng tungkol sa kanya.

Nang makaramdam ako ng uhaw, lumabas ako at pumuntang kusina nila. Nakapagtataka baket walang tao?! Ok lang. Magpaparty ako rito. Pero joke lang yun

Bumalik akong kwarto at may salamin doon. Magpapractice akong sumayaw. Ipapractice ko at kakabisaduhin ko ang lahat ng steps ng kanta nila.

Kase, may live shows sila! At nakakasira pa ng utak nang malaman kong part sya ng performance team, na ibig sabihin magaling talaga dapat sumayaw.

Naiyak nga ako kase tumatambling tambling pa sya sa ere~

Nagets ko naman lahat ng steps pero hindi kagaling nilang lahat lalo na nya. Fast learner ako pero di ako magaling sumayaw. Sinukuan ko na muna ang practice kase pagod na ako eh. Humiga ulit ako at kinabisado ang napaka cute nyang lines~ napaka ikli I mean. Pero ayos na yun noh.

[ Dora's Note :
Hey. Sa storing ito ay iisa lang ang language nila ah. Filipino ganun. Kaya sila nagkakaintindihan. Wag kayong ano, fanfic nga eh kaya malaya dito. Impossible things can be possible cuz I am Possible. Chaarrr~ ]

Nakaramdam naman ako ng gutom kaya lumabas nanaman ako patungong kusina

Kaiyak kase, wala akong nakitang pagkain

" Oh? Hao! " si Jun

" Oh?! Hyung! " panis, alam ko na ang edad ng bawat members~

" Maayos ka na ba? "

" Nagugutom ako eh " tapos ngumiti ako

" Buti bumalik ako dito, sige ipagluluto kita " binuksan nya ang ref para kumuha ng ingredients

Pinapanuod ko naman sya. Kyaaahhh! Alam nyo ba, ang gwapo nya talaga. Yung pinapanuod ko ang mga variety nila napansin ko talagang close sila ni Hao, ako pala yun. Kaya rin pala siguro nanibago sya nung medyo tahimik ako. Kase tahimik talaga si The8, ako kase, pero kay Jun hindi. Okay gets ko na.

" Ayan na! " ay grabe. Natulala pala ako sa kanya

" Ay! Yehey, salamat hyung ah~ "

" Nasa studio sila. Sabi ko balikan kita rito para may kasama ka " kwento nya nang maka-upo sya sa tapat ko

" Hhhmmm. Ayos lang naman ako eh " tiningnan nya lang ako

Matapos kung kumain. Sya na rin ang naghugas.

Nasa kwarto na ulit ako ngayon, kasama sya. Babantayan nya raw ako eh.

" Patingin nga " hinaplos nya ang noo at leeg ko

" Ayos lang ako hyung " inalis ko ang kamay nya

" Maiinit ka oh! " naawa naman ako sa kanya kase talagang nag aalala sya sakin

" Oo na hyung. Magpapahinga na ako " ngumiti sya

Sige, inaantok na rin ako eh. Kayat dahan dahan ko ng pinikit ang mata ako

Do You Believe In MAGIC? || Seventeen The8Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon