[PLUG PLUG ]
GUYS LIKE NYO NAMAN ANG ' THE8 PHILIPPINES' yung dp nya yung nasa mm. Admin si Dora doon. Salamat~
<\ THE8 POV />
Eto na
Napalunok muna ako bago ako pumasok ng banyo
Oo, kailangan kong maligo diba? Papasok ako ng school diba?
Okay, naligo ako na ako. Pero inisip na katawan ko ito. Nakapatay ang ilaw wag kayo mag alala kase wala akong pagnanasa talaga sa kanya. At tsaka baket? Katawan ko na ito ngayon! Kikilos lang ako ng natural.
Pagkatapos, naghanap na ako ng masusuot ko. Malamang sa malamang ito ang uniform nya kase ito lang naman ang uniform dito
Humarap ako ng salamin. Tinitigan ko muna ng maiigi ang itsura ko. Napangiti pa ako kase ang ganda ko- ay mali, nya pala- ay basta ako! Ako nandito eh~
Lumabas na ako at kinuha yung backpack na nakita ko, malamang kase un lang naman rin ang bag na naroon. Baka kase kung ano pang pumasok sa isip ko kapag di ko tinigil ang pag titig sa sarili ko
Palabas na sana ako sa pinto nang tawagin ako ng babae kanina
" Jas! Baket ang gulo gulo ng buhok mo? Hindi ka ba nagsuklay? Mukha kang bruha oh! "
" Aaahhh, hindi na po- "
" Hindi ka pa nga nagaalmulsal diba? " oo nga eh. Kumalam na bigla ang tiyan ko rin
Siguro dahil nasanay ako na may nagaayos ng buhok ko. Mukhang mararanasan ko ulit ang mamuhay ng normal.
Umupo ako at kumain, ang ulam ay munggo, basta masarap sya
Nagmadali ako at nagsuklay na bago lumabas
May nakita akong mga naglalakad na kapareho ng uniform ko, sumunod ako. Nakakatuwa lang kase unting lakad lang ay nariyan na pala ang paaralan niya. Akala ko male- late na ako eh.
Pumasok akong gate at di nagpahalatang bago ako rito pero palihim kong nililibot ako mata ko.
Hindi naman kalakihan ang school na ito, di tulad sa China na parang mansion ang itsura, di rin tulad sa Korea na sosyal kahit public. Dito, kapag public, public talaga. Parang nasayahan ata ako mag-aral ulit ah!" JAS! "
Ako ba tawag nya? Pangalan ko yun diba? Lumingon ako at nakita ko ang babaeng papalapit sa akin. Baka kaibigan ito ni Jas.
" Oi! Apple! " pasimple kong tinignan sa I.D nya
" Nakita kita sa TV kagabi ah! Grabe ka! Nakakainggit ka! "
" Aaahhhh~ Ahehe " yung pic ba? Ahak. Oo nga pala noh?
" Tss. Totoo talaga ang sabi nila na kapag di ka fan may chance na makita mo sila "
" Sorry. Dahil nga dun magiging fan na ako "
" Aish! Hindi naman ako fan ng SVT ah! ARMY kaya ako! Ahuhuhuhu " aha, Army pala ah
" Kahit na, kilala mo pa rin sila? "
" Oo, pinagnanasaan ko ron si Vernon! Kyyaaahhhh!! Kinikilig na ako! Tara na nga~ "
Nabigla ako kase hinila nya ang kamay ko. Pumunta kaming locker room ng.... mga babae.
Pero tinitigan ko ang locker na may pangalan ko. May passcode bago mabuksan, pano hindi ko alam eh
BINABASA MO ANG
Do You Believe In MAGIC? || Seventeen The8
FanfictionDo you believe in MAGIC? Sa panahon ngayon, may naniniwala pa kaya sa mga imposibleng bagay na mangyari? Lalo na sa isang magkalayo at magkaibang magkaibang mundo tulad nina Jas at Minghao? Isang ordinaryong babae at isang idol, pano ba at bakit ba...