Chapter 46

452 7 0
                                    

Point Of View:

-Eyn Krishnel C. Ford-

Buti nalang andiyan si Folex para sakin. Pilit kong ipinapasok yung mga sinabi niya sakin. Tama siya.. Dapat sabihin ko na agad kay Fierce. Dapat wala akong nililihim sakanya, kahit gaano pa kalaki 'yon. Bakit kasi samin pa talaga 'to nangyari? Ang unfair unfair!

Pero tulad nga ng sabi ni Babu, if someone really loves you, they will never leave you, no matter how hard the situation is. At oo, umaasa ako na pag nalaman ni Fierce 'to, hindi siya magagalit sakin.

Aiish. Erase! Oo magagalit siya!

Kahit ako na ang girlfriend niya ngayon. Syempre base dun sa kinwento nila Code, sobrang halaga at sobrang sakit sa part niya yung nangyari. Pero mas masakit naman kung hindi ko sasabihin sakanya diba? Mas masakit kung malalaman niya pa ng matagal. Mas masakit kung alam ko na pala tapos itinago ko pa rin.

Kaya buo na ang desisyon ko, kapag nakita ko siya.. Sasabihin ko na, ireready ko nalang yung sarili ko sa magiging reaction niya.

Haaay. Natatakot talaga ako. Kapag nasaktan ako sa gagawin ko, walang Light o Folex na magkocomfort sakin. Si Light, tinutulungan si Papa. Si Folex? Wala. Aalis na siya mamaya. Kailangan siya sa Japan.. Halos magtalo at tumulo ang sipon namin kagabi eh.

- Flashback-

Medyo kumalma na ko kagabi. Napautot kasi ako. Kainis panira ng moment! Alam mo yung tumutulo na yung sipon ko kaiiyak? Tapos kahit diring diri na si Folex wala siyang magawa kasi umiiyak nga ako? Tapos nung napautot ako, bwisit bigla ba namang tumawa. Shems. Natawa rin tuloy ako.

Tapos humagulgol nanaman ako ng iyak,

"Hoy babu! Wag ka na ngang umiyak! Hindi na kita pagtatawanan pag umutot ka."

Hinampas ko nalang siya. Kainis ako. Nalulungkot kaya ako tapos bigla siyang tatawa? Napipigilan ba ang utot? Bwisit. Masakit kaya sa tiyan yun.

"Pero babu. Sabihin mo lang na wag akong umalis, di na ko tutuloy sa Japan."

Binatukan ko nga. Tapos pinunas ko sa damit niya yung muntikan ko ng tumulong sipon. Tapos tinawanan ko siya kasi yung reaction niya. Hahahaha. Buti may mga damit siya dito samin, hahahaha!

"Sira ka talaga! Bat di ka tutuloy? Hoy kailangan ka ng banda niyo dun!"   sabay singhot ko.

"Tss. Suminga ka nalang ulit sa damit ko kesa singhot ka ng singhot diyan!"

Tapos ginawa ko nga yon, pero yung muka niya hindi na naman maipinta. Kainis eh. Hahahaha.

"Pero seriously Eyn, kung hindi mo pa kaya hindi ako aalis sa tabi mo."

"Eh kailangan ka nga kasi dun. Hello Fix? Fix oh. Idol eh."

Tapos bumuntong hininga siya.

"Tss. Kung ikaw lang din naman kasi ang dahilan ng hindi ko pag alis dito, bakit hindi diba? Kaya nga ako umuwi para sayo eh? Ano naman kung hindi ako tumuloy sa Japan diba? Andun pa naman yung mga kabanda ko. Si Cf, marunong yung kumanta. Magagaling kaming lahat."

"Hindi ko alam kung kikiligin ako, o liliparin ng hangin sa kayabangan mo."

Tapos nagtawanan kami.

"Pero Eyn, may promise ako sayo.."

Tinignan ko siya.

"Kung sakaling umalis man ako. Pero kailangan mo ko. Promise, babalik agad ako dito kahit kalalapag lang dun ng eroplano."

- End of Flashback -

Ang swerte ko.

Swerte ko na kahit ganito na yung sitwasyon ko, andiyan si Folex para sakin,

Ako? Inlove sa gago? [Unexpected Love Revised Version]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon