The next thing I saw is.. Nakahandusay na sya sa lapag. Habang sinusuntok ni jeff. Nakitang kong umawat na yung mga tao tapos nagsilapitan na ung mga body guard. Sobrang hilong-hilo ako kaya naman napaupo na ako sa lapag. Shet! Anu bang pinainom sakin ng lalaking yun?
Nilapitan ako ni jeff tapos itinayo. Gusto kong hampasin ang kamay nya pero di ko magawa pero hinang-hina ako.
“Putang*na! Ilabas nyo dito yang gag*ng yan!” sigaw nya. Agad namang nilabas ng mga guards si Mr. Stranger, bugbog sarado ito.
“let’s go ella.” Sabi nya sakin pero hinila ko ung kamay ko sa kanya. Pinukol ko sya ng masamang tingin.
“Anu ba… bitawan mo nga ako!” sabi ko tapos nagpagewang-gewang na naglakad ulit sa dance floor. Nakita kong may kanya-kanyang business na ulit ang mga tao, nagsasayawan na ulit sila na para bang walang nangyari kanina. Ngumese ako tapos sumayaw-sayaw din kahit na matumba-tumba ako.
“Wooohooo!” sigaw ko tapos tinaas-taas pa ang kamay ko. Mabigat ang talukap ng mata ko pero gusto kong sumayaw. Tawa lang ako ng tawa, para akong naka-high ngaun. Naramdaman kong hinawakan ako ni jeff sa braso kaya hinagit ko ulit un sa kanya.
“anu ba!doon ka nalang ulit sa mga babae mo!” sigaw ko sa kanya.
“lasing kana ella. Iuuwi na kita.”
“Di ako lasing..” sabi ko tapos naglakad ulit sa dance floor. Hinawakan nya ako sa kamay tapos pilit na hinila paalis doon.
Nagpumiglas ako sa kanya.
“anu ba! Ang kulit mo naman eh! Doon ka nalang sa mga babaeng kalandian mo kanina!”
“ella. Sorry kung naiwan kita, that was an accident.”
“accident. Accident. Ang sabihin mo, sinadya mo un! Dapat di mo nalang ako sinama kung iiwanan mo din pala ako.” I said. Gusto kong maiyak. Para na talaga akong baliw. Kanina tatawa-tawa ako ngaun naman ay naiiyak ako.
Nakita kong napahilamos ung kamay nya sa mukha nya. “umuwi na tayo,” kunot-noong sabi nya sakin.
“NO!”
“umuwi na tayo ella!”
“Hindi sabi! Sasayaw pa ako.”
“No Fvcking way!”
“YES FVCKING WAY!” Sigaw ko. Nakita kong nanlaki ung mata nya. “watch me.” Sabi ko bago ako tumalikod.
BINABASA MO ANG
In a Relationship with a DEVIL Book I - Fall Inlove
HumorSi Christina ay isang anghel, hindi literal na anghel pero ganun ang tingin sa kanya ng lahat. isang simpleng babae na may simpleng pangarap at buhay not until there's Brian Thomas Fuentes, isang "DEVIL" ika nga iba. nagtagpo ang kanilang landas ng...