Pang-apat

15 0 0
                                    


Conflict

Di ko inaasahan na dahil sa pagcomment ko sa kanyang picture ay mag iiba ang ihip ng buhay ko nang dahil sakanya.

Di pa rin kami nagkikita dahil busy ako sa finals namin. May baby thesis pa kaming tinatapos o ako lang pala ang gumagawa pero okay naman dahil mga barkada ko din ang mga kasama ko.

Seryoso din ako sa study ko at sakanya.

Ilang weeks na rin siyang nanliligaw sa akin pero thru chat bat one day, malapit na ang finals at tapos ko na maipasa ang reauirements at hinihintay ko na lang kung exempted ako sa exam ng ibang minor subject ko. Dahil yung iba is exempted ako. Filipino at RS na lang ang hinihintay ko.

Yun nga one day, sabi niya magkain daw kami sa Jollibee. (Wala pa kaming cellphone number sa isa't isa dahil nasanay kami sa chat parati magkausap)

Last subject na rin naman yun, Filipino subject. Kaya okay lang may tiwala akong maexempt ang exam. So kaming magbabarkada nagdecide di magpasok at tumambay sa cafeteria namin.

Sinabi ko na rin sa kanila na nanliligaw si Ivan at kakain kami kaya nagescape na din ako.

Oo alam kong nagiging bad estudyante na ako pero once lang naman ito. Atsaka another reason is gusto kong mafeel at maranasan mag absent.

Buong buhay bilang estudyante simula Grade 6 to HS ko ay wala pa ako nakatry mag absent, malate o magescape. Gusto ko din yun mafeel dahil di makokompleto ang pagiging estudyante mo kung di mo yun nararanasan.

Medyo nagdidilim na rin pero nakatambay pa kami. Mukha pang uulan. Usapan namin ay 6pm magkita sa Jollibee. Siya ang taya dahil siya daw ang lalaki. Medyo gentleman din. Psh

Medyo bumubuhos na rin ang ulan, nagpaalam na ako sa mga barkada kong mauna ako sa kanila.

Pinag ayos din nila ako. I mean, pinagpulbos, perfume at nagsuklay. Hindi kasi ako mahilig mag ayos.

Sumakay ako ng tricycle at nasa gilid ako banda kaya medyo nabasa ang right arm ko pati ibang parte ng uniform ko pero okay lang din.

Niyakap ko ang violet kong backpack. I love violet kasi. Hanggang nakarating na ako, di ko alam kung saan siya. Sa baba or taas?

Kaya pumasok akong medyo basa. Tumingin ako sa baba at hinanap siya pero di ko siya nakita.

Tumaas ako para hanapin siya ulit, di ko pa rin siya nakita.  Humarap ako sa left side ko at ayun, likod pa lang alam kong siya na.

Napangiti ako. Tssk nababagot na ata sa kakahintay sa akin.

Dahan dahan akong pumunta sa kanya dahil balak kong gulatin siya.

Nang nakalapit na ako, ginulat ko siya.

"HOOOOY!" Sabay hablot sa left arm niya na hawak hawak ang Iphone nya.

Lumingon siya sa akin at ngumiti masyado.

Ngumiti din ako. Medyo comfortable na din kasi ako sakanya. Wala ng hiya masyado.

"Di ka nagrereply sa akin." Sabay titig niya sa akin at Pinakita ang phone nya kung ilan mensahe ang sinend niya sa akin.

Aw. Sweet

"Sorry. Di baya ako makanet, sa bahay lang." sabi ko na nakangiti.

"Atsaka medyo traffic at umuulan din." Sabi ko ulit na nakangiti pa rin.

"Kahit na. Gusto ko magreply ka din sa akin bii." Bii ang tawagn namin. Mahilig kasi ako magsalita ng be or bhe sa mga chat or texts. Baka ayun, dyan niya kinuha ata.

"Sorry. Hahaha" tawa ko. Tumingin naman ito sa akin na parang naaasar.

"Ano gusto mo kainin?" Tanong niya habang may naglalaro ng COC.

"Ikaw. Kung ano sayo." Yan tayo e, kung anong kainin ng isa ganun din ang kunin mo.

"Hindi. Ikaw dapat mamili. Ano man?" Sabay tingin niya sa akin. Nagkibit balikat ako at tumawa. Eh di ko nga alam kung ano atsaka di ako gutom dahil kumain kami kanina sa cafeteria.

"Magseryoso ka man." Inis na sabi niya. Tumingin ako sa ibang kumakain. May nakatingin sa amin, kaschoolmates niya.

"Di ako gutom e. Ikaw kung ano." Sabi niya. Tumayo siya, sumuko na ata. Tumingin siya sa akin ng maigi.

"Bakit?" Tanong ko.

"Tumayo ka din. Samahan mo ko mag order." Sabi niya. "Para makapili ka ng makakain mo." Kaya tumayo na rin ako. Sumunod sakanya.

May mga ilang kaschoolmates niya nakatingin sa amin. Oo alam kong sa amin dahil yun ang nafefeel ko.

Nakaorder na rin kami. Tumabi siya sa akin sa pagkain. Kaya medyo di ako comfortable. Okay na yung magkaharap kami kanina e.

Nauna siyang natapos kaya pinakelaman niya ang loob ng bag ko. Inisa isa niya ito tingnan habang nakangisi.

Akala niya may makikita siya dyan kung ano. Sus wala mabuti akong estudyante oy!

"Wala kang makita dyan." Inagaw ko ang bag ko. Kainis kasi, nakangisi manghalungkat. Di ko alam kung ano nginingisi ngisi niya.

Sinapak ko siya. Nakangisi pa kasi, bigla na lang siyang tumawa ng malakas.

"Bwst ka. Ano tinatawa tawa mo dyan?" Tanong ko sakanya at sumandal ako gilid ng upuan para medyo makalayo sa kanya.

"Wala lang." Ngising sabi nito. Inilapag niya ang ulo nya sa mesa at tinagilid ito para makita niya ako.

"Ano nga?!" Tanong ko.

"Wala nga." Nakangisi pa. Iniangat niya ang ulo niya at tumabi lalo sa akin. Bwst talaga to.

Nagkwentuhan kami hanggang di naman namalayan ay kami lang ang nasa taas. Nagpaalam na rin akong umuwi dahil gabi na rin. Past 8+ na ata.

Nakauwi ako ng matiwasay at buo ang katawan. Wag kayong DM. Walang halikan ang nangyari kahit kami lang ang andun. Tawanan at asaran lang po.

Love Story Ni Ms. AuthorWhere stories live. Discover now