Chapter 6 (19.05.18)

2.4K 129 41
                                    

Do a quick read at the last chapter to remember! And kindly pardon my errors mwehehe.

Copyright © Night_Rielle, 2019

CHAPTER SIX:

Nakatulala lang ako sa kisame ko habang nakatihayang nakahiga sa aking kama. Hindi ako makatulog. Nanatili pa rin sa isipan ko ang lalaking nakita ko sa mall kanina. Hindi ko gaanong naaninag ang kanyang mukha kaya hindi matahimik ang kalooban ko at nagtatalo ang isipan ko at puso ko kung siya ba talaga iyon. My heart is screaming that it’s him. But my mind keeps reminding me that it’s impossible because he’s already gone.

The past memories I kept on burying in my mind and heart is now haunting me down. The scars and stitches I thought was long healed are now tearing up, with more blood dripping, like it won’t stop bleeding even if I die. Parang binibiyak ang puso ko habang inaalala ang lahat ng mga pinagsamahan naming dalawa.

Duncan Jimin Montreal

Three years ago, I was deeply in love with him. We'd been together for like a year. Even with a secret relationship, we're genuinely happy with each other. We were.

I loved him. More than anything. More than anyone.

But he’s gone. He left me.

It was summer. I don’t exactly know what happened to him. Nabalitaan ko na lang iyon sa lola niya nang bisitahin ko siya sa kanilang bahay matapos niyang hindi magparamdam sa akin ng halos isang buwan. Masaya pa kami bago ang araw na iyon. But I was completely oblivious that he was in pain… that he was not really okay.

Nadatnan ko ang lola ni Jimin at isa pang lalaki na sa tingin ko ay tiyuhin ni Jimin na paalis na kanilang bahay, bitbit ang maraming bagahe. Agad akong lumapit sa kanila bago pa man sila makapasok ng kotse at makaalis.

“S-sandali lang po,” harang ko sa kanila. Napaligon silang dalawa sa akin.

“Sino ka hija?” kausap sa akin noong tiyuhin ni Jimin. Nakakunot ang noo nito na tila ba takang-takang sa ginawang panghaharang ko sa kanila.

“T-teka.” Hinawakan ako sa braso ng lola ni Jimin at tinitigan ako nang mabuti. Recognition suddenly glistened in her eyes. “Ikaw ba si Alyx? Ang nobya ng apo ko?” tanong niya sa akin. Biglang nangilid ang kanyang luha kaya naman bahagya akong nagtaka.

“O-opo. Ako nga po Lola. Pwede ko po bang itanong kung saan kayo pupunta? At saka nasaan po si Jimin? Halos isang buwan na po kasi siyang hindi nagpaparamdam. Nag-aalala na po ako sa kanya.”

Biglang napahagulgol ang lola ni Jimin kaya naguluhan ako. Ang tiyuhin naman niya ay napailing at bakas ang kalungkutan sa mata.

“Ma,” hinagod ng kanyang anak ang likod ni Lola. “Alyx, hija.” Ito naman ang tumuon sa akin. “Wala ka ba talagang alam sa nangyari kay Jimin?”

Nalaglag ang panga ko sa sinabi niya habang abot-abot ang tahip ng puso ko. The knot in my throat was growing so large I couldn’t seem to breath past it.

“A-ano pong nangyari?” nanginginig ang buong sistema  kong sagot ko. Naghalu-halo lahat ng emosyon ko. Pero mas nangingibabaw ang takot at kaba ko.

Owned by a Jerk || Kim TaehyungTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon