Ate H's Note : Sorry kung late update ha. 9pm na ako nakauwi kahapon sa bahay eh, kaya ngayon ko lang natapos itype ang update. Read and enjoy guys!
--
Chapter 17
" Ba-bakit? " tanong ko kay Adrian.
" Simula ngayon, wag ka ng lalapit sakin ha. " tsaka siya umalis. Napatingin naman ako kay Leslie, pareho kaming nagulat sa pangyayari.
" A-ano daw? " tanong ko.
"Edi wag kang lumapit sa kaniya. Ano bang problema non? " naiinis na sinabi ni Leslie. Mas naiinis pa si Bhes eh.
Ewan ko ba! Mixed emotion na talaga ako. Nagagalit ako sa sarili ko at kay Adrian. Haaay! Pero, alam ko na ako din naman may kasalanan nito diba? Pero grabe naman siya. Kung kailan may mga pinagsamahan na kami, tsaka niya ako paaalisin sa buhay niya.
Iniwan ko na si Leslie at hinabol ko si Adrian. Nacucurious ako kung anong meron at ayaw niya na ako lumapit sa kaniya. Parang ang laki laki ng kasalanan ko sa kaniya diba? Dapat nga patas na kami kasi binuhusan niya ko ng tubig diba? Ugh! Ang arte talaga ng lalaking toh.
" Hoy Adrian! " pero hindi niya ako pinapansin.
" Adrian! Kausapin mo nga ako ng matino! " pagkasigaw na pagkasigaw ko nun ay tumigil siya.
Iniharap ko naman siya sakin. " Ano bang problema mo Adrian?! "
Biglang tumitig siya sa mga mata ko. Dugdugdug. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Ma-may sakit ba ko? Bakit ang bilis ng tibok ng puso ko. Ano ba naman 'yan!
" Ikaw! Ikaw ang problema ko! " napapikit ako sa gulat ng sigawan niya ako. Wait. What?
" Bakit?! Bakit mo ako naging problema?! " sigaw ko din sa kaniya. Akala mo ikaw lang marunong sumigaw ha. Marunong din kaya ako!
" Hindi ko alam! Just get lost! "
Tapos naglakad na ulit siya. Aray ha. Get lost? Feeling ko tuloy ayaw niya na talaga ako maging kaibigan. Okey. Fine.
Dugdugdugdug. Ano ba 'yan. Bakit parang naninikip ang dibdib ko? Bakit parang ang bigat bigat talaga sa pakiramdam.
Bumalik na lang ako papunta ka Leslie. Hindi na din niya ako tinanong ng kung anu-ano dahil nakita naman niya lahat ng nangyari. Actually, hindi lang siya dahil karamihan ng hindi pa nakakauwing estudyante ay pinapanuod kaming magsigawan ni Adrian. Mga chismosa at chismoso kasi.
Napagpasyahan ko na wag muna dumeretso sa bahay. Parang gusto ko muna pumunta sa park sa subdivision namin. Nang makarating naman ako, agad akong pumunta sa may ilalim ng malaking puno. Malaki ang parke at madami din ang tao dito. Malakas ang simoy ng hangin at napakaganda ng tanawin.
" Hoy! " kaya napatingin ako.
Si.. Si.. Si.. Adrian! Akala ko ba hindi ko na dapat siya lapitan? Tapos ngayon andyan siya. Tss. Sabi pa nga niya kanina lang, get lost diba? Ang gulo din talaga niya eh. Sarap itapon sa bangin. Pero wait? Bakit siya nandito? Pano niya nalaman na nandito ako? Hello? Ang layo kaya ng bahay niya, diba? Naaalala ko kasi nung sinamahan niya ako umuwi noon.
Pero katulad ng sinabi niya na get lost, iiwas talaga ako. Tumayo agad ako ng papalit na siya sakin.
" Eunice. " wow naman. Hindi na 'Hoy' ang tawag sakin ng devil na 'to. He's improving ha.
Pero tinalikuran ko lang siya. Give and take kaya 'to. Hahaha. Aba ginaganto niya din ako diba? Everytime na kakausapin ko siya tatalikuran lang niya ako at magwawalkout kaya gagawin ko din sa kaniya.
" Eunice! " pasigaw na niyang tawag sakin kaya naman nilingon ko na. Naaawa na ako eh. Mabait naman ako, hindi katulad niyana kailangan pang hatakin para lang humarap.
" Bakit ba? " tanong ko. Dugdugdug. Ayan na naman yung puso ko. Naninikip na naman. Lagi na lang 'to nangyayari everytime na nakikita ko ng harapan si Adrian. Ano bang problema ng puso ko?
Hindi siya sumagot. Ipinakita lang niya ang isang bolang lukot na papel. Nagtaka naman ko kung ano yun.
" Ano ba 'yan? " tanong ko na naman sa kaniya.
" Kunin mo na. " sagot niya.
" Ano naman gagawin ko dyan? Tsaka sinundan mo ko hanggang dito para lang ibigay sakin 'yan? " medyo nakakadisappoint lang kasi akala ko naman napag isip isip niya na magbati na kami, pero hindi pa pala.
Kinuha niya yung kamay ko at ipinatong sa palad ko 'yung lukot na papel. Tapos tumalikod na siya sa akin at nagsimula na maglakad. Ano bang problema ng lalaking 'yon? Tsaka ano namang gagawin ko dito sa papel na 'to? Basura lang 'to eh.
Umuwi na din ako sa bahay dahil sumakit 'yung ulo ko kakaisip kay Adrian. Hindi ko talaga alam kung bakit lagi siya yung nasa isip ko. Tss. Yung papel, itinapon ko sa basurahan sa harapan ng bahay namin. Katulad nga ng sabi ko, basura lang 'to dahil for sure pinagtritripan na naman ako ng devil na 'yon.
*vibrate vibrate*
Agad ko namang kinuha yung cellphone ko at nahiga sa sofa. Si Leslie yung natawag kaya agad ko itong sinagot.
" Bakit Bhess? " tanong ko.
" Nagkausap ba kayo ng secret admirer mo? "
" Ha? Si-sino? Wala akong nakakausap noh. " sagot ko naman.
" Wala talaga? " sabi ni Leslie.
" Alam ko wala talaga. " nagtataka na talaga ako sa sinasabi ni Leslie. Sino ba kasi 'yung secret admirer na 'yon?
" Talagang talaga? " pangungulit niya.
" Wa-wait. Si ano. Si.. Si.. Si Adrian! Nakausap ko siya kanina. " hindi kaya siya 'yung secret admirer ko?
" Oh gets mo na? " ha? Anong gets ko na? Di ko talaga maintindihan.
" Si-siya?! Siya ang se-secret admirer ko?! " gulat na gulat kong tanong sa kaniya.
" Eh ano pa nga ba? Syempre, siya nga. Si Adrian nga! " na-end ko agad yung call sa sobrang pagkashock.
Kung si Adrian nga ang secret admirer ko, edi ibig sabihin yung papel kanina. Yun din yung papel na binigay sakin ni Leslie na itinapon ko sa basurahan ng classroom and for the second time, itinapon ko naman 'yun sa basurahan sa labas ng bahay. Shocks. Bakit hindi ko man lang nahalata?
Dugdugdug. Lalong lumalakas at bumibilis ang tibok ng puso ko. Agad naman akong tumakbo papalabas ng bahay para kunin sa basurahan yung papel. I know, kadiri yung gagawin ko pero importante 'yun.
Pagkadating ko sa labas ay agad kong hinalungkat yung basurahan.
" Eunice?! Ano yang ginagawa mo?! " gulat na tanong ni Joshua. Okey. Fine. Ako na kadiri. Di ko ba alam kung bakit ko 'to ginagawa. Ang baho baho pa man din nitong basurahan tapos hinahalungkat ko.
Biglang tumawa ng pagkalakas lakas si Joshua kaya naman napatigil ako sa paghahanap nung papel na binigay ni Adrian.
--
vote and comment po kayo.
BINABASA MO ANG
He's A Devil [Fin]
Adventure"My life changed when I let my self fall in love with the Devil." | mundongsaging (c) 2013 ALL RIGHTS RESERVED