LOUISE'S POV
Sarado na ang publishing company na nag-post ng article tungkol sa akin pero mainit pa rin ito sa mga tao. Mayroon pa ngang mga netizens na gumagawa ng memes na hindi ko talaga nagustuhan dahil puro paninira ito sa akin.
Kahit sarado na ito ay hindi pa rin namin mahanap ang taong nag-published nito. Ang ginawa namin ay pinuntahan namin ang building ng publishing company kung sakaling makita namin ang mga resumé ng empleyado do'n.
"Ang dami naman nito Louise at isa-isa natin silang pupuntahan?" tanong ni James.
Tumango lang ako.
"Para mas mapadali ang paghahanap natin sa taong yun ay maghiwa-hiwalay tayo." sabi ko sa kanila.
Mapapadali sana kung alam namin ang pangalan ng nag-published nito pero by Anonymous kasi ang writer ng article na 'to. Kaya hindi namin matukoy ang taong yun.
"Sige, sasabihin agad namin sa'yo kung nahanap na namin ang taong nag-published ng article na yun." sabi ni Fredison.
"Salamat sa inyong lahat." sabi ko sa kanila.
Nga pala, pati na rin ang nadamay sa scandal ay nakitulong din sa'kin. Si Jameson na kakambal ni Jameshin, si Jameshin din, si Tim na sikat na model, at iba pang male celebrities na nasangkot sa scandal.
- FAST FORWARD -
Hindi pa rin namin mahanap hanggang ngayon ni Billy ang taong nag-published ng article na yun.
"Ang hirap naman nito." sabi ko.
"Wag kang mawalan ng pag-asa wifey ko. Mahahanap din natin siya." sabi sa'kin ni Billy.
Mga sampung employees ng publishing company na lang ang hindi namin napupuntahan.
Inisa-isa kong tignan ang mga natitirang resumé hanggang sa may pumukaw sa'kin.
"Teka, pamilyar 'tong lalaking to ah." ang nasabi ko.
"Kilala mo ba siya?" tanong sa'kin ni Billy.
"Hindi ko alam." sagot ko.
Binasa ko ang name na nasa resumé niya.
Jin K. Marco
"Puntahan kaya natin yan." - Billy
"Sige."
Sumakay na kami ni Billy sa kotse para puntahan yang Jin Marco na yan.
Pagkarating namin sa address na kung saan nakatira si Jin Marco ay nakita namin ang bahay niya. Medyo maliit ito at may sari-sari store sila.
Lumapit ako sa pintuan at kumatok.
*tok tok tok*
"Tao po." sabi ko.
Ilang saglit lang ay bumukas ang pinto.
"Anong kailangan niyo?" tanong sa'kin ng babaeng nakatira dito. Siguro nasa 55 years old na siya.
"Kilala niyo po ba si Jin Marco?" tanong ko sa babae.
"Oo, anak ko siya." sagot sa'kin ng babae. "Anong kailangan mo sa kanya?"
"Gusto ko po sana siyang makausap." sabi ko sa babae.
"Sandali lang at tatawagan ko siya." tugon ng babae at pumasok siya sa bahay para tawagin ang anak niyang si Jin.
Ilang saglit pa ay nakita ko na si Jin na halatang bagong gising pa lang. Hindi ako makapaniwala nang makita ko siya. Siya yung lalaking nakita ko nang puntahan ko si Samantha sa kanyang tinitirahan.
Pagkatingin sa'kin ni Jin ay nagulat din siya nang makita niya ako.
"I-ikaw?" hindi makapaniwalang sabi niya.
"Ako nga." tugon ko sa kanya.
SAMANTHA'S POV
Argh! Bakit hindi ko matawagan si Jin? May iuutos sana ako sa kanya. Walang kwentang lalaki.
Tinawagan ko rin si Ate Nikki pero hindi rin niya sinasagot ang tawag ko. Bakit hindi nila ako sinasagot? Mga walang kwenta.
*ding dong*
Narinig ko bigla ang tunog ng doorbell kaya pinuntahan ko ang pinto at binuksan ko ito.
Pagkabukas ako ay nanlaki ang mga mata ko nang makita ko si Jin na kasama sina Billy at Louise.
Teka, paano nangyari 'to?
"Wag ka nang magtangkang magsinungaling pa dahil alam na namin ang totoo." sabi ni Louise na ikinainis ko.
Naisahan na naman ako ng babaeng 'to. Kailangan mawala na siya sa landas ko.
Kailangan ko na siya dispatyahin para masolo ko na si Billy.
**********
BINABASA MO ANG
The Maid Meets The Hunks (Book 2): Past VS. Present
RomanceLife after marriage. 📌 MAIN CHARACTERS: Louise De Guzman-Williams Billy Williams SUPPORTING CHARACTERS: Fredison Mirko James Charles Kateleen Keet Kathleen Keet Samantha Moore