Cheska's Pov"Anong ginagawa mo?" Kunot noong tanong ni blade ng makita nyang inaayos ko sa gitna ng kama ang mga unan.
"Hinahati ko yung kama. Dito pwesto mo at dito ang sakin bawal lumagpas!" Sabi ko na may paturo-turo habang sinasabi ko kung san ang pwesto ko at pwesto niya.
"Ayoko! Tanggalin mo ang mga yan!" Sabi nya.
"Ayoko your face. Baka ulo mo tanggalin ko!" Sabay higa ko sa kama patagilid.
Oo tama kayo, sa iisang kwarto kami matutulog ngayon. Pumayag ako sa gusto niya, nung una ayoko pa pero dahil sa kagustuhan kong makausap na sila mama at marie pumayag nadin ako. Si marie una kong tinawagan pagkarinig palang nya sa boses ko naiyak na sya sobrang nag aalala daw sya sakin tinanong nya kung asan ako pero sabi ko sakanya diko pede sabihin dadating din ang tamang panahon na masasabi ko lahat sakanya di na rin nagtanong si marie sakin nung sinabi ko sakanya na mag tiwala siya. Pero sana daw tumawag tawag ako sakanya kasi nag aalala daw sya at miss na nya ko, nakwento nya din na tinatanong ako nila mama sakanya pero ang sabi nya lang e busy sa work at nawala ang cellphone ko kaya di ako nakakatawag. Tinawagan ko rin sila mama at sinabi ko rin kung anong sinabi ni marie sakanila kaya di ako makatawag sakanila, sinabi ko din na wag sila mag alala sakin at papadalhan ko nalang sila once na maging okay ako sa trabaho ko, pero sa totoo lang diko alam kung makakaya ko pang magpadala sa ganito kong sitwasyon.
"Narinig ko kanina sa pag uusap nyo ng mama mo na magpapadala sa kanya?"
"Tsismoso! Nakikinig sa may usapan ng may usapan!" Sigaw ko sakanya saka ako napahinga ng malalim bago ulit nag salita "Gusto ko sila matulungan dahil di kami ganun kayaman at alam kong mahirap ang buhay nila dun. Ako lang din ang isa sa inaasahan nila, pero pano ko pa sila matutulungan kung nakakulong ako sa ganitong sitwasyon" sabi ko.
"Tutulunga kita.." Sabi nya
"Ano?"
"Bingi! Sabi ko tutulungan kita" Sigaw nya.
"Di mo kailangan sumigaw naririnig kita. Nagugulat lang ako sa mga sinasabi mo!"
"Narinig mo naman pala eh psh! Pero seryoso ako tutulungan kita"
"At pano?"
"Ako magpapadala sakanila"
"Ano?!" Gulat ulit na tanong ko.
"Bingi kaba talaga?"
"Hindi. Pero alam mo sa tingin ko mas matutulungan mo ko kung papakawalan mo ko para makapasok nako sa trabaho at makapagpadala na kela mama" Nakita ko na napangisi sya sa sinabi ko.
"Di pako nababaliw para gawin yon"
"Per---"
"Dalawa lang naman pag pipilian mo eh. Papayag ka sa offer ko o hndi"
"Ayoko lang naman magka utang na loob sayo!"
"Manatili ka lang sa tabi ko"
"E kung ayoko? Hayaan mo na kas---"
"Wala ka naman choice eh. Dahil sa ayaw at sa gusto mo, dito ka lang. Oo at hindi lang tinatanong ko sayo kung tinatanggap mo offer ko."
"........" Wala akong masabi, diko alam sasabihin ko.
"Manatili ka lang sa tabi ko mahal" Lumapit sya sakin at saka ko naramdaman yung mainit at matipuno nyang katawan, ilang beses kaya to mag gym sa isang araw ang perfect kasi ng body nya. Pero teka, bat ang lapit nya? Sa pagkakaalam ko may nakaharang na unan samin ah. Gusto ko man sya itulak pero may part sakin na pinipigilan akong gawin yun kaya hinayaan ko nalang tutal tutulungan nya naman ako eh. Wala nman tlga akong choice kahit ayoko kasi sabi nga nya mananatili ako sa ayaw at gusto ko, ayoko din na magalit sya baka makagawa pa sya ng diko magugustuhan. Mas okay natong okay kami atsaka dapat nya lang ako tulungan dahil sya naman may kasalanan ng lahat ng to. Matagal din kami sa ganung sitwasyon ng makaramdam ako ng antok nakayakap parin sya sakin pero hinayaan ko nalang tutal pag nakatulog naman na sya maalis din yun. Siguro naman malikot sya matulog kasi ang laki netong kama nya e sya lang naman mag isa, siguro pinasadya nya palakihan kasi lagi sya nahuhulog dati.
"Goodnight" narinig ko pang sinabi nya pero kesa sumagot ay pinikit ko nalang mata ko.
--
Nagising ako dahil sa bigat na nararamdaman ko sa bandang leeg ko. Minulat ko yung mata ko at laking gulat ko ng makita ko yung pagmumuka ni blade at mas nagulat ako ng dumilat yung mata nya.
"Goodmorning mahal ko" sabi nya atsaka pako niyakap ng mahigpit "Ang sarap matulog ng kayakap ka" ngayon lang nag sink-in sa utak ko yung posisyon namin. Nakayakap sya sakin at ako bukod sa nakayakap na sakanya e yung legs ko nakapalupot pa sa bewang nya. "Ang likot mo matulog mahal ko" Dagdag nya pa na nagpagising ng diwa ko. Tinulak ko agad siya at biglang bangon.
"Ang kapal mo! Manyak ka tlaga!"
"Wala kong ginawa sayo. Ikaw pa nga tong---"
"Tumigil ka! Manyak!" Pagtigil ko sa sasabihin nya dahil alam ko na sasabihin nya. Nakakahiya ako psh -______-
"HAHAHAHAHAHA! Ang cute mo mahal ko" Saka sya bumangon at lumapit sakin saka ginulo yung buhok ko "Maligo kana dito, sa labas nako maliligo" hinimas pa nya yung pisngi ko saka naglakad palabas ng kwarto.
ESTÁS LEYENDO
Right Man In A Wrong Body
Aventura"If love is a crime, i will be a criminal to you my love."