Chapter 10

8 0 0
                                    

Cheska's Pov

Paglabas ko palang ng kwarto naamoy ko agad ang mabangong luto ni blade na nang gagaling sa kusina.

"Anjan kana pala. Tara!" Sabi nya sakin nung nakita nya ko sa pinto ng kusina.

Pinaghila pako ni blade ng upuan saka ako sinandukan ng pagkaen ko, sinabi ko sakanya na ako na kasi kaya ko naman pero sabi nya sya na daw magsasandok para alam nya daw na madami ang makakaen ko. Nasa kalagitnaan kami ng pagkaen biglang magsalita si blade

"Magbihis ka, may pupuntahan tayo."

"Saan naman?"

"Basta."

"Ayoko sumama sayo! Mamaya may makakita pa satin eh tas mahuli ka at madamay ako. Baka pati ako mapagkama---" Di ko na natapos ang sasabihin ko ng bigla syang tumayo.

"Tapusin mo na yang kinakaen mo, magbibihis lang ako" kinuha nya yung pinagkainan nya sabay lagay sa lababo at iniwan ako, pupunta na atang kwarto.

Mabilis kong tinapos ang pagkaen ko atsaka sumunod sakanya sa kwarto, gusto ko malaman kung saan kami pupunta.

"Saan ba kas-- Ano ba di kaba talaga marunong magsara ng kwarto?!" Sigaw ko sakanya pagkapasok na pagkapasok ko sa kwarto. Kasi naman! Nagbibihis pala sya.

"Ikaw di kaba talaga marunong kumatok?" Sabay ngisi nya.

"E diko naman alam na nakahubad ka eh!" at sa di sinasadyang pagkakataon napatingin ako sa katawan niya, ang sarap lang kumanta ng LORD PATAWAAAAD! PAGKAT AKO'Y MAKASALANAN MAKASALANANG NILALANG~

"Sabi ko kanina habang kumakaen ka magbibihis lang ako." Sabay lapit nya sakin "Di mo ba narinig o sadyang gusto mo lang makita ang katawan ko?" Sabi nya gamit ang nakakapang-akit na tono habang hinahaplos ng likod ng palad nya yung muka ko dahilan para magtayuan ang mga balahibo ko sa batok at tumibok ng malakas ang puso ko. Teka! Ano nangyayari sakin? Demonyo sya at dinedemonyo nya ko.

"Sa-san ba *lunok* ba ta-tayo *lunok* pu-punta?" Hanubayaaaan! Ano nangyayari sakin bat ako nagkakaganito? Huhu.

"Hmm." Sinabi nya yan sa tono na akala mo nag iisip saka ko hinapit sa bewang palapit sakanya "Saan mo ba gusto mahal ko?" Bulong nya sa tenga ko, naramdaman ko pa yung mainit nyang hininga sa tenga at leeg ko parang lahat na ata ng buhok ko sa katawan tumayo. Bukas naman ang aircon pero bakit ang init!

"H--huh? D-di ko a-alam.." Ano ba nangyayari sa dila ko? bakit ganito epekto nya sakin ngayon.

Naramdaman kong tinangal na ni blade ang kamay nya sa bewang ko lumayo sya saka tinitigan ako sa muka ilang minuto ko rin pinigil ang paghinga ko ng lumayo sya at pumunta sa closet nya dun lang ako nakahinga ng maluwag. Grabe naging epekto sakin ni blade ngayon pwew!

"Hihintayin kita sa labas, bilisan mo." sabay labas nya ng kwarto. Diko napansin na tapos na pala sya, nawala ako sa sarili dahil sakanya.

Nagbihis nalang ako ng mabilisan baka kasi pag nagtagal pako dto e bigla nalang mainip si blade at pumasok dito. Bahala na kung san kami pupunta di nya rin naman sya sumasagot eh.

Right Man In A Wrong BodyDonde viven las historias. Descúbrelo ahora