Cheska's Pov
Nasa byahe na kami at kanina pako buryong buryo dahil kahit isa samin walang nangahas magsalita, nakatulog na nga ko sa sobrang boring eh. Ilang oras din kami nasa byahe nang mapansin kong parang pamilyar yung lugar na dinadaanan namin parang..
"Saan ka makikipag kita sakanila?" Ito lang ata yung oras na nagsalita siya simula kaninang bumyahe kami. Pero makikipagkita? Kanino? "Kausapin mo na sila at sabihin mo kung san ka makikipag kita sakanila" sabay abot nya sakin ng phone.
"Teka, ano bang sinasabi mo?" Tanong ko kasi naguguluhan na talaga ako kay blade pero sana wag naman tama ang hinala ko.
"Napakalaki netong lugar niyo. Diko alam ang address ng bahay niyo kay----"
"At anong tingin mo sakin tanga para sabihin kung nasan ang pamilya ko. Di kpa din ba naniniwala? Ordinaryong tao lang ang pamilya ko, wala kayong makukuha na kahit ano sakanila. Narinig mo nman dba nung nag usap kami ako lang yung inaasahan nila..." Tumigil ako dahil parang may malaking bara sa lalamunan ko at nararamdaman ko nadin na malapit nang bumagsak ang luha ko, wala na alam niya na kung nasan ang pamilya ko. "Pakiusap wag mo na idamay ang pamilya ko ako nala---DAHAN DAHAN NAMAN GANTONG PARAAN MO BAKO GUSTONG PATAYIN?" Bigla niya kasing hininto yung sasakyan buti nalang wala kaming kasunod na sasakyan kung hndi baka nabunggo na kami, muntik pako masubsob buti nalang naka seatbelt ako.
"Nababaliw kana ba? Ano bang nangyayari sayo?" Tanong nya sakin
"Bakit dba tama nman ako? tatapusin mo na buhay ko at kaya mo inalam ang lugar namin kasi isusunod mo na ang pamilya ko!"
"Pwede ba wag ka sumigaw! Hindi tayo pumunta dito para patayin ka o ang pamilya mo."
"Eh anong ginagawa natin dto?!" Singhal ko. Tinabi nya muna sa gilid ang sasakyan dahil medyo nasa daraanan kami.
"Ibibigay natin to sakanila." Sabay abot nya sakin ng ATM card "Dyan ako maghuhulog ng pera na kakailanganin nila para hindi muna kailangan lumabas para lang magpadala sakanila dahil ako pede, siguro naman alam gamitin yan ng mama mo?"
"Oo naman! Ano tingin mo sa nanay ko bobo? Para sabihin ko sayo nasa lahi nmin ang matalino" Sigaw ko sakanya. Loko to! Ginawa pang mangmang nanay ko baka nga mas matalino pa sakanya nanay ko eh.
"Ayun naman pala eh. Wala na tayong problema dahil alam naman pala nya yan at di na natin kailangan ituro pa sakanya" Sabi niya.
"Pero teka totoo ba sinasabi mo? I mean di moko papatayin o ang pamilya ko." Tanong ko ulit. Aba mahirap na! Demonyo tong si blade magaling magpabilog ng ulo to.
"Sabi ko naman sayo diba? Manatili ka lang sa tabi ko walang mangyayaring masama sayo o sa pamilya mo." Sabay hawak nya sa pisngi ko "Ngayon pede naba tayo makipag kita sa magulang mo?" Tanong nya.
"Tayo? Hndi! I mean hindi pedeng kasama ka. Baka magtanong sila mama, pede bang ako nalang? Ako nalang please!"
"No, sasama ako! Ikaw na bahala kung ano ipapakilala mo sakin"
"Pero--"
"No buts. Tawagan mo na sila kung san sila makikipagkita" Sabay abot nya sakin yung phone niya na naka-dial na ang number ni mama
"Pero----"
[Hello? Sino ito?]
Diko na natapos ang sasabihin ko dahil nagsalita na si mama
"Hello mama?"
[Cheska. Cheska anak ikaw ba to?]
"Opo mama. Si cheska po to. Miss ko na po kayo mama!"
[Kami din anak, sobra. Gusto ka na namin makita at makasama]
"Mas miss ko kayo ma, ako din gusto ko na po kayo makasama. Kaya nga po gusto ko makipag kita sainyo ngayon ma."
[Talaga anak? Uuwi kana ba dito?"]
"Opo mama, andito na nga po ako eh" Sabay tingin ko lay blade na nagmamaneho "Pero makikipagkita lang po ako sainyo kasama ko po kasi.. y-yung b-boss ko." Pagsisinugaling ko, wala nakong maisip na ibang dahilan.
"Ganun ba anak? Asan kaba?"
"Nasa isa po kaming restaurant nakikipag usap sa business partner namin. Hmm isama mo po sila papa ma ha? Gusto ko din po kasi sila makita. Itetext ko nalang po sainyo yung address ng restaurant ma. Ibaba ko na po to."
[Naku anak, nasa school si cheche at yoyong at ang papa mo ay nasa trabaho.]
"Ah ganun po ba? Sige po kayo nalang. Sa ibang araw ko nalang po sila dadalawin, hintayin niyo nalang po ang text ko ma. Ingat po kayo! Bye." Call ended.
"You such a good liar huh?"
"Dahil sayo kaya ko 'to nagagawa."
Di narin ako nakipagtalo kay blade sa pagsama nya, di rin naman ako mananalo sakanya.
ESTÁS LEYENDO
Right Man In A Wrong Body
Adventure"If love is a crime, i will be a criminal to you my love."