Summer Love (Playground)

510 5 5
                                    

Summer Love (Playground)

~~

Mayroon akong nakilala. Sa may playground. Binabantayan ko kasi yung 4 years old kong kapatid. 14 lang ako non. Pero hindi halata na  14 pa lang ako 5’3 na height ko at maraming nagsasabing hindi daw ako mukhang 14. Haha!

Anyway, mayroon akong nakilala isang lalaki. Mukhang 16 ata siya. Mukha siyang mayaman. Kasi sa porma pa lang eh. Tyka sa kutis niya. Ang puti at ang kinis.

Nakakatuwa kasi siya. Nakikipaglaro siya sa mga bata doon. Kasama na yung kapatid kong lalaki. Which is rare sa mga lalaki. Nakakatuwa siyang tignan. Binubuhat niya yung mga batang nakikipaglaro sa kanya. Pinapasan niya sa likod. Sinasamahan niya sa mag-slide. Tinutulungan niya mag-monkey barrel.

Napalingon siya sa may side ko. Kaya nagkatinginan kami. Ngumiti siya sakin. So I smile back. Ang rude naman kasi kong hindi eh.

Lumapit sa akin yung cute kong kapatid hila-hila yung lalaki.

“Ate, ate. Si Kuya Josh po. New friend ko po.”

“Uhmm. Kaitlin pala for short Kate.” Nilahad ko yung kamay ko para makipag-shake hands. Ang lambot ng kamay niya. Kasi sa mga nahahawakan kong kamay na lalaki. Hindi ganto kalambot. Nahiya naman ako sa kamay ko. Hmpht!

“Joshua Miguel nga pala. Josh na lang para maigse. Hehe!” ang cute din niya tumatawa. Yung mga ngipin niya ang puputi, ang lilinis at pantay-pantay.

Nginitian ko din sya. =)

Umupo si Josh sa tabi ko. Tas umupo yung kapatid ko sa lap niya. Kinuha niya yung bimpo sa likod ng kapatid ko.

“Basang-basa na.” sabi niya. Natauhan ako bigla. Ang sarap kasi nila panuorin para silang tunay na magkapatid.

“Ah-Eh! Ako na. salamat.” kinuha ko si Baby Patrick kay Josh. Inasikaso ko siya. Nilagyan ko ng panibagong bimpo. Pinunasan sya ng bimbo sa mga parteng may mga mga pawis at nilagyan siya ng pulbo.

“Galing mo pala mag-alaga eh. Hehe!”

“Hah? Hindi naman. Hehe! Sanayan lang yan.”

“Ate, ate. Gusto ko kay Kuya Josh.” Kinuha siya agad ni Josh kasi nagpupumilit talaga tong kapatid ko.

“Ate, ate. Gutom na si baby.” Sabay pagpapa-pout niya pa.

Kinuha ko agad  ng pagkain yung kapatid ko. Lagi akong may dala. Madaling magutom kasi toh eh. Medyo chubby kasi ee. Taba ng pisngi. Yun laging pinangigilan sa kanya. Rosy cheeks pa sya.

“Ang cute ng kapatid mo. Ang cute ng pisngi. “ sabay kurot ng marahan sa pisngi ng kapatid ko.

“Syempre cute ang ate.” Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko at nasabi ko yung mga salitang yun. Buti na lang nakatalikod ako sa kanila. NAKAKAHIYA! :\

“Totoo naman eh. Diba Baby Patrick?” bigla akong napangiti sa sinabi niya.

“Opo. Cute ang ate ko. Mana ako kay Ate.” Agad na pagsang-ayon ng kapatid ko.

Humarap na ako sa kanila. Tapos ko na kasi kunin yung mga pagkain.

“Hehehe. Joke lang yun.” Pagbabawi ko.

“Totoo yun. Hehe!” sabay nilang sagot. Haha! Pinagka-isahan pa ako.

“Haha. Kumain na nga kayo. Gutom lang yan.”

Summer Love (Playground) *COMPLETED*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon